"Maligo ka na kaya. Akala ko ba maliligo ka na?" Nakahiga kasi ito sa ibabaw niya ngayon habang nakapalibot ang mga braso nito sa leeg niya. Sinabi niya lang naman na kung gusto nito na dito na sila tumira pagkatapos nilang ikasal ay wala namang problema. Alam niya naman kasi na ito talaga ang tirahan nito. Dito ang buhay nito at kung hindi dahil sa mommy niya ay hindi naman ito mapapadpad sa Maynila. "Baby, maligo ka na," aniya habang sinusuklay ang buhok nito. "Alam mo, kapag nakita nila na namamaga 'yang mata mo ay siguradong aawayin ako ng mga taong nagmamahal sa iyo. Bakit ka ba kasi umiiyak?" "Wala lang. Gusto ko lang umiyak." "Ano? P'wede ba 'yon?" "Ikaw kasi, eh! Nakakainis ka." "Oh, bakit? Ano ba'ng ginawa ko?" Nag-angat ito ng tingin habang hilam sa mga luha ang mga m

