Episode 64

1853 Words

Kinabukasan ay gumising nga siya ng maaga kagaya ng pangako niya kahapon kay Kazimir. Alas-kuwatro pa lang ay nagluluto na siya ng ilang putahe na dadalhin nila mamaya ni Kazimir. Ang ilan sa katiwala nila ay gising na rin pero may iba ring ginagawa. Gusto siyang tulungan ng mga ito pero tumanggi siya dahil kayang-kaya niya naman ang ginagawa niya. "Ano 'yang niluluto mo, Hope?" tanong ni Riza na sinilip pa ng niluluto niya. Riza is her cousin. Hindi naman talaga niya ito totoong pinsan dahil ampon lang naman ito ni Tito Roman na kapatid ng daddy niya. Tsk! Feeling parte ng pamilya nila kahit hindi naman. Sa totoo lang hindi naman sila malapit ng babaeng 'to pero kung makaasta akala mo mayroon silang malalim na pinagsamahan. Ni hindi nga sila nagpapansinan kapag may mga family event

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD