"Magbihis ka muna bago tayo mag-usap," utos ni Kazimir sa kaniya na ikinataka niya ng husto. "Bakit kailangan ko pang magbihis? Hindi naman ako nakahubad, ah." "Ang ibig kong sabihin ay magbihis ka. Palitan mo 'yang damit mo dahil alam ko na may mga nakadikit na dumi diyan lalo pa't galing kayo sa mall ni Kaizer kung saan maraming tao." "Wala akong dalang damit," sagot niya. Mag-uusap lang dami pang arte. "Hindi ko naman kasi akalain na mapupunta kami rito ni Kaizer. Ultimo panty tuloy wala akong dala-dala." "Maraming damit diyan sa closet ko. May panty at bra din diyan." "Kaninong mga gamit 'yan? Saan galing?" tanong niya pero hindi na ito sumagot dahil si Kaizer na ang pinagtuunan nito ng pansin dahil pagulong-gulong ang anak nila sa ibabaw ng kama nito. Pagtingin niya sa closet

