Kring-Kring's POV Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Kahawig na kahawig ko si Lourdes. Para kaming pinagbiyak na bunga ng kambal na saging. Halos hindi ako kumurap habang inisa-isa ng aking mga mata ang kaniyang mukha. Natauhan lamang ako nang lapitan ako ni Sampagita at niyugyog. "Ay taray! May reincarnation sa katauhan ni Wich ang self mo, friend? In fairness ha? Baka witch ka rin o hindi kaya, mother knows best mo siya?" Binalewala ko ang tanong ni Sampagita sa akin dahil hindi ko rin alam kung bakit kami magkamukha. "Ngayon, Ernan! Ito ang aking tunay na anyo. Hindi ba't itong mukhang ito ang nagustuhan mo? Maganda na ba ako sa iyong paningin, mahal ko?" sarkastiko at parang hindi totoo ang pananalita ni Lourdes nang makita kong nakatingin ito kay Iman. Alam kong si Mang Ern

