Kring-Kring's POV "Iman! Ituloy mo ang pagkanta! Apat na lamang tayong natitira, kaya hindi ko na hahayaang may mawala pa sa atin! Kumanta ka lang at tutulungan kong tanggalin ang mga baging kina Sampagita at Hello." Sigaw ako nang sigaw kay Iman. Alam kong wala na sa kaniyang katawan si Mang Ernan. Kami na lamang ang natitirang apat dahil walang awa ng pinatay ni Lourdes ang aking mga kaibigang wala man lamang kalaban-laban. Nasaan ka, Irog at natitiis mong ako'y mangulila. At hanap-hanapin ikaw sa alaala. Nasaan ang sabi mong ako'y iyong Ligaya. Ngayo'y nalulumbay ay 'di ka Makita. Kitang-kita ko ang muli na namang p*******t ng ulo ni Lourdes habang kinakanta ni Iman ang kantang iyon na nagpapaalala sa kaniya bilang asawa at ina sa kaniyang pamilya. Habang patuloy ako sa pagtat

