Hindi ako makatulog dahil una, naalala ko ang halikan namin ni Max at pangalawa hanggang ngayon ay wala pa rin si Liza. Mag-a-ala una ng gabi, wala pa rin siya. I wonder kung tulog na iyong dalawa. Napabalikwas ako nang marinig ang ugong ng pinto na para bang dahan-dahan itong binuksan. Sarado na ang ilaw kaya hindi ko maaninag kung sino ang pumasok. Hula kong si Liza iyon, I act sleeping at napahinga ng malalim to calm myself. Bubuksan ko na sana ang aking mga mata nang maramdaman kong tumabi ito sa akin. Pamilyar na pamilyar ang bango niya. Hindi ako nagkakamaling si Max iyon kaya napaharap ako sa kaniya. "Max!?" bulong kong tanong sa kaniya. "Yes, honey?" inosenteng tanong nito sa akin. Mabilis ko siyang hinampas sa kaniyang braso kaya napa-aray ito. "Bakit ka narito? Baka may

