Pansin kong nasaktan nga talaga si Hanz sa ginagawang pag-walk out sa kaniya ni Liza. Mukhang nay gusto na nga talaga ito sa babae. Kasalukuyan kaming nasa balkunahe ni Max at nagpapahangin. Hindi rin kasi kami makatulog, nag-aalala rin ako kay Liza dahil hanggang ngayon ay wala pa siya. "Mukhang hindi maganda ang pagpunta natin dito," saad sa akin ni Max. "Sana hindi na lang kami sumama sa inyo. Kung alam ko lang na magkakaganito ay hindi na ako tumuloy," wika ko. Ramdam kong napatingin siya sa akin ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Napatingin ako sa katangian, maraming mga bituin ngayon at bilog na bilog ang buwan. "Nasaan na kaya sina Liza, nag-aalala na ako sa kaniya." Napabuntong hininga ako dahil doon. "Paano kung hanapin natin siya?" dagdag ko pang tanong sa kaniya at

