"What? Anong sinabi niyo?" Napalingon kami sa nagsalita. Nakaramdam ako ng kaba dahil may nakarinig sa sinabi ko. Unti-unti kong naaninag kung sino ang taong nakarinig sa aming usapan. "H-Hanz..." "Pakiulit nga ng sinabi mo, Rose?" ani niya. "H-ha? Wala naman akong sinabi," kinakabahang saad ko sa kaniya. "No. Mayroon kang sinabi at rinig na rinig ko iyon. Gagawing rebound ni Liza ang kuya ko, hindi ba?" tanong niya sa akin kaya napayuko ako. Mukhang narinig niya talaga ang akong sinabi. s**t. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin at ipapaliwanag sa kaniya ito. "Damn it! Sinasabi ko na nga ba!" inis na sigaw ni Hanz kaya lumapit si Max sa kaniya. "Huminahon ka muna, Bro," saad ni Max ngunit umiling lang ito. "Kaya pala nakakapagtataka na ang dali niyang maka-move on sa aki

