Hanggang ngayon ay nasa labas pa rin si Andrei, naghihintay siguro ng aking out dito sa shop. Bakit kasi bumalik pa siya? Puwede bang hindi na niya ako guluhin pa? Okay naman na ako eh, masaya na ako ngayon sa bagong buhay ko. I finally found the one who will accept and love me. Bakit pa ba bumabalik ang ex? Nakakainis at nakakaa-frustrate naman si tadhana. "Iyon ba ang ex mo?" usisang tanong ni Liza sa akin. Napatango ako sa kaniya. "Oh my God! Anong ginagawa ng walang hiyang iyon dito? Hindi siya nababagay rito, isa siyang cheater!" inis na saad sa akin ni Liza. "Iyon nga ang pinagtataka ko, okay naman na eh. Nagtataka ako kung bakit pa siya bumalik? Hinayaan ko na nga sila ng ex bestfriend ko. Nagparaya na nga ako sa ikabubuti ng lahat tapos may nalalaman pa siyang drama-ng ganito.

