"Anong nangyari bakit badtrip na badtrip ka?" bungad na tanong sa akin ni Loza. "Nakakains kasi itongsi Andre ayaw akong tigilan. Sinabi ko na nga na may jowa ako gano'n pa rin. Pinagpilpilitin pa niya sarili niya sa akin. Nakakainis, hindi marunong tumanggap na ayaw ko na talaga," saad ko sa kaniya.. "Naku baliw na talaga ex mo, anong plano mo niyan?" tanong niya sa akin na ikinailing ko. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko baka kailangan ko na rin ng tulong ni Max." "Bakit kailangan mo ng tulong ko?" Napalingon kami sa taong kakapasok lang ng shop. Bigla akong natulos nang makita sina Max at Hanz na papalapit sa amin. Masaya nila kaming tinitigan at kaniya-kaniya silang halik sa aming pisngi. "I miss you," lambing na saad niya sa akin. "I miss you too, honey," sagot ko sa kani

