Liza “Liza, puwede ba tayong mag-usap?” Kilalang-kilala kung kanino iyong boses na iyon. Iyong boses na nagpapatibok ng aking puso. Napabuntong hininga ako, mukhang wala rin naman akong choice dahil hindi ako nito titigilan. Kahit anong pilit kong hindi siya pansinin at ibaling ang atensiyon sa iba ay siya pa rin ang hinahanap-hanap ko. Pilit kong nililimot siya ngunit hindi rin ako nagtagumpay. Iba rin kumilos ang pag-ibig. “Ano ang pag-uusapan natin? Bilisan mo, baka hinahanap na ako ni Rose.” Kasalukuyan akong nasa manggahan at nagmumuni-muni. Mas na-re-relax kasi ang aking katawan kapag nakakalanghap ako ng sariwang sa hangin. Simula kasi noong pumunta ako rito ay puro disaster na ang nangyayari, ni hindi man lamang kami nag-enjoy. “Gusto ko lang sabihin sa iyo na totoo ang mga

