“Kung ako sa inyo, Kagawad. Bitawan mo iyang babae, kung ayaw mong mawala ang respeto at dignindad sa iyo ng mga tao rito sa bayan.” Kaagad akong napalingon sa lalaking nagsalita. Mabilis naman akong binitawang ng manyakis na kagawad kaya napaupo ako sa sahig. Medyo nagkaroon na rin ako ng gasgas dahil sa malakas na impact ng pagkakabagsak ko sa semento. Nang makalapit ang lalaki sa amin ay agad na nanlaki ang aking mga mata nang makita kong iyong pulis palang judge na kasama namin kanina. Bigla namang nawalan ng tinik ang aking puso dahil alam kong ligtas na ako sa kaniya dahil nga isa siyang pulis. “P-Pasensiya na, h-hindi na mauulit,” magalang na saad ng kagawad. Aalis na sana siya ngunit kaagad na hinila nito ang lalaki at pinusasan. “Akala mo ba palalampasin ko itong araw na it

