Ilang araw ang nakalipas at todo panliligaw na sa akin si Max. Araw-araw ay palagi niya akong dinadalhan ng bulaklak sa umaga. Natatawa na lamang ako dahil sa shop talaga siya bumibili at binibigay niya lang sa akin. Pati si Lisa ay nagtataka na sa kaniyang kilos.
"Nililigawan ka ba ni Max, Rose?" tanong niya sa akin. Ngumiti lamang ako sa kaniya at hindi siya pinansin. Sinundan niya lamang ako.
"Is it a yes? Nililigawan ka niya o hindi? Rose naman sagutin mo ako, na-cu-curious ako rito oh. Huwag ka ngang ngumiti riyan para ka namang tanga," reklamong wika sa akin ni Lisa. Napangiti ako sa kaniya at tumango.
"Oo, nililigawan niya ako," saad ko sa kaniya. Nanlalaki ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin.
"WHAT? GANOON KADALI? GANOON KA KARUPOK?" gulat na tanong sa akin ni Lisa kaya napangiti ako.
"Gaga, hindi ko pa naman siya sumasagot eh. Binigyan ko lamang siya ng chance para patunayang seryoso siya talaga sa akin. Kung magustuhan ko, syempre sasagutin ko," saad ko sa kaniya.
"Sabagay." Kita ko ang pagbuntong hininga niya kaya tinanong ko siya kung ano ang problema.
"Mukhang hindi ka masaya, may problema ka ba?"
Ngumiti siya ng matamlay sa akin at umiling.
"Sabihin mo na, kaibigan mo ako, hindi ba? Baka matulungan pa kita at ma-advice-san," pangungumbinsi kong saad sa kaniya.
Napapikit naman ito at napahinga ng malalim. Handang sabihin ang kaniyang problema.
"Hindi ko alam pero nararamdaman kong iniiwasan ako ni Hanz. Ayaw ko mang mag-overthink pero hindi ko maiwasan," malungkot na saad niya sa akin.
"Paano mo namang nasabing iniiwasan ka niya?" tanong ko.
"I don't know, pero nag-iba ang pakikitungo niya sa akin simula noong pumunta tayo sa Beach. He was already cold and distant to me and I can't help na maging malungkot dahil doon," aniya.
"Malay mo busy lang iyon kaya hindi ka napapansin."
"Hindi eh, bakit ikaw pinapansin ka naman? Ako lang naman ang hindi eh," saad niya sa akin..
"Huwag kang mag-alala pakipot lang siguro iyon. Papansin ka rin naman no'n," wika ko.
Napabuntong hininga na lamang siya at umiling.
"Paano ko nga ba siya susuyuin?" tanong niya sa akin.
"WHAT? Bakit ikaw ang magsusuyo? Eh wala ka namang kasalanan sa kaniya, hindi ba? " gulat na tanong ko sa kaniya. Baliktad ata ang babae na ngayon ang sumusuyo kahit wala naman siyang kasalanan.
"The truth is, napikon ko siya noong nakaraan. Hindi ko naman sinasadya akala ko kasi okay lang sa kaniya," saad niya sa akin kaya napatampal ako ng noo.
"Eh kaya naman pala hindi ka pinapansin dahil may nagawa kang mali. Naku! Ikaw talaga B.F.F.!"
"Sorry na."
"Nagtaka ka pa talaga kung bakit ka hindi pinapansin! Ano naman ang ginawa mo sa kaniya?" tanong ko sa kaniya.
"W-Wala naman. Sinabihan ko lang naman siyang bakla ng paulit-ulit dahil ang sungit niya palagi tapos inis na inis na siya sa akin hanggang sa..." Bigla niyang pinutol ang kaniuang pag-re-reminsce nang nilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa mukha niya na para bang nahihiya ito o kinikilig.
"Hanggang sa ano? Huwag mo akong bibitinin," inis kong saad sa kaniya.
"Hanggang sa hinalikan niya ako at ako naman ay nakatulala lamang," saad niya sa akin at nagsimulang mamula ang kaniyang pisngi na parang kamatis.
"WHAT? HE KISSED YOU?" gulat kong tanong sa kaniya. Tumango lamang ito sa akin.
"Oh my God! Congrats na agad! Hallelujah!" masiglang saad ko sa kaniya na ikinangiwi niya lang.
"Gaga, hindi nga ako pinapansin eh halatang iniiwasan ako ng tao."
"Alam mo, pag-uusap lang naman diyan ang solusiyon. "
"Paano ko naman siya kakausapin, eh iniiwasan niya naman ako," saad niya sa akin.
"Huwag kang mag-alala, tutulungan kita."
Naka-isip kasi ako ng ideya upang maging ok ulit sila nila ni Hanz.
"Ano naman iyon?" curious niyang tanong sa akin.
"Hmm. Ako ang bahala! "
Agad kong tinawagan si Max. Ilang ring lamang ay sinagot niya ang aking call. Napangiti ako dahil sa sobrang liksi ng kaniyang pagsagot.
"Mukhang wala kang trabaho ah. Ang dali mo kasing sagutin ang aking tawag," sagot ko sa kaniya.
"Oo naman! Pagdating sa iyo ay dapat ready ako at on time palagi," saad ni Max sa akin.
"Nasaan pala si Hanz?" tanong ko sa kaniya.
"Aray naman, honey! Bakit mo hinahanap si Hanz? Narito naman ako," malungkot niyang saad sa akin. Napa-roll eyes naman ako.
"Tangeks para ito kay Lisa huwag ka ngang O.A. riyan!" singhal ko sa kaniya. Rinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
"Nasa office niya, mayamaya lamang ay mag-o-out na kami para kumain ng lunch."
"Magaling! Sabay na tayong kumain, saan pala kayo kakain?" tanong ko sa kaniya.
"Hmm. Malapit diyan sa shop niyo. Sa Karendirya ni Aling Marites," saad niya sa akin.
"Ah sige alam ko iyan. Pupunta kami ni Lisa sasabay kami sa inyo," saad ko sa kanila.
"Sige..."
"Nga pala huwag mong sabihin kay Hanz na pupunta kami riyan sa inyo ah," saad ko sa kaniya. Baka kasi hindi siya sumipot o sumama kay Max kapag nalamang kasama si Lisa since sabi nga ng babae iniiwasan siya nito.
"Ano bang mayroon?" tanong niya sa akin.
"Iniiwasan kasi ni Hanz si Lisa kaya gumagawa ako ng paraan para magkausap silang dalawa, " saad ko sa kaniya.
"Ganoon ba? Oh sige hindi ko sasabihin sa kaniya na sasabay kayong dalawa sa amin."
"Salamat, Max," ngiti kong saad sa kaniya at napangiti na lamang ako.
"Ano raw sabi? Ano bang plano mo?" tanong sa akin ni Lisa. Napangisi na lamang ako sa kaniya.
"Sasabay tayo sa lunch nila Max at Hanz. Gusto kong paglapitin ulit kayo, ang pangit naman kasing hindi kayo magpapansin since sa weekend pupunta pa tayong Sorsogon."
Nanlalaki ang kaniyang mga mata nang marinig ang aking plano.
"Paano kung mag-walk out siya?" tanong niya sa akin. Napairap ako.
"Hindi 'yan. Hindi ka naman siguro matitiis noon at ang babaw naman kung mag-wa-walk out siya, hindi ba? Kaya ikaw, magpaganda ka na dahil makikita mo na si Bebe Hanz mo mamaya," saad ko sa kaniya.
Mabilis naman itong pumunta sa office niya at alam kong mag-aayos na ito ng sarili.