Naka-receive ako ng text galing kay Max. Mabilis ko itong binuksan at binasa.
"Narito na kami kay sa Karinderya ni Aling Marites."
Iyan ang text niya sa akin. Kaagad kong tinawag si Lisa para makapunta na agad sa Karinderya.
"Lisa! Tara na! Ang tagal mo riyan sa office mo!" sigaw ko sa kaniya. Sobrang tagal niyang mag-ayos inaboy pa ng ilang minuto roon nag-aayos. Mabilis namang lumabas si Lisa.
"Sa wakas! After ilang years nakalabas ka na rin!" saad ko sa kaniya na ikinangiwi niya. Napanguso itong nakatingin sa atin.
" Ano ka ba! Ilang minuto lang naman ako sa office eh," saad niya sa akin at inis akong tiningnan. Napangisi ako sa kaniyang sinabi. Sus. Totoo naman kasi na matagal siya roon. Ako nga 5 minutes lang tapos na ako mag-ayos ng mukha tapos siya inabot ng 30 minutes.
" Sige na tara na! Hinihintay na tayo ng prince charming mo roon!" wika ko sa kaniya na nagpasimangot sa babae.
"Parang hindi mo i-me-meet prince charming mo ah!" saad niya sa akin kaya napangiwi ako.
" Akala mo ikaw lang marunong mang-asar. Ako rin, kaya nga nagkagalit at napikon si Hanz sa akin, ngunit hindi ko naman iyon sinasadya."
"Oh siya, sige na. Maganda kung pumunta na tayo sa Karinderya ni Aling Marites dahil kanina pa tayo hinihintay nila Max doon, baka pagdating natin wala na sila, sayang iyong effort ko," saad ko sa kaniya at hinila agad siya palabas ng shop. May mga tauhan din naman kasi si Lisa kaya may magbabantay din naman sa kaniyang shop. Mayamaya ay nakarating na kami sa Karinderya. Madali ko namang makita sina Max at Hanz na nag-uusap. Nakabusangot ang mukha ni Hanz at si Max naman ay para bang kinukumbinsi siya, natatawa pa nga ito. Nang makalapit kami ay naririnig pa namin ang boses ni Max.
"Kunting hintay na lang, pare. Parating na iyon," saad ni Max nang tumingin siya sa harap niya ay agad kaming nakita nito kaya napangiti ito.
"Oh! Ayan na pala sila, makakain ka na!" bulalas ni Max sa kaniya na siyang ikinalingon niya sa kaniyang likod. Nakatalikod kasi sa amin si Hanz at si Max naman ay nakaharap. Nanlalaki ang kaniyang mga matang napatingin sa amin, nang makita ito si Lisa ay bigla itong sumimangot at napaiwas na ng tingin.
"Hello, Hanz and Max!" masiglang bati ko sa kanila.
"Hello, honey!" bati naman ni Max na ikinasimangot ko.
"Hindi, Honey ang pangalan ko!" inis kong saad kay Max. Napailing na lamang si Max sa sinabi ko.
" Umupo na kayo, " wika ni Max sa amin. Agad akong tumabi kay Max at naiwan naman si Lisa na nakatunganga sa amin. Hinihintay siguro na umusog ako ngunit wala namang bakanteng upuan sa amin.
" Sa tabi ka na ni Hanz umupo, B.F.F. ," ngising saad ko sa kaniya.
"Okay lang ba iyon, Hanz?" dagdag ko pang tanong sa kaniya. Marahan lamang itong tumango at hindi man lang umimik.
"Mabuti naman," saad ko sa kaniya at ngumiti.
"Umupo ka na, B.F.F.," ngiti kong saad kay Lisa para itong nahihiya na ewan. Pabebe pa ang bruha.
"W-wow! Nag-order na agad kayo ng para sa amin?" tanong ni Lisa kay Max. Ramdam ko na kinakabahan ito.
"Oo, sabi ko kasi kay Hanz na may surprise ako sa kaniya," saad niya sa amin.
"Anong surprise?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. Ngumisi lamang ito at tumingin sa dalawang kaharap namin.
"Eh 'di si Lisa!" saad niya sa amin na ikinangiti ko ng malapad.
"Ay oo nga pala!" saad ko sa kaniya at napatawa. Ang dalawa lamang ay walang imik kaya hindi na kami tumigil na kami ni Max. Mukhang badtrip ang dalawa ah.
"S-sige kumain na tayo, mukhang gutom na kayong dalawa dahil wala kayong imik," ngiwing saad ko sa kanila at sinimulan ang paghain ng kanin sa aking plato. Lahat naman ay nagsitanguan at sumandok na rin ng mga ulam doon. Lahat ay lutong bahay at masasarap.
"Favorite ko itong dinuguan," saad ni Lisa sa amin.
"Iw, kumakain ka niyan? Eh dugo 'yan eh," saad naman ni Hanz na ikinangiwi ni Lisa.
"Oh ano naman ngayon? Masarap naman!" inis na wika ni Lisa kaya napakamot ako ng ulo.
"Ano ba kayo, huwag nga kayong mag-away riyan, nasa harap tayo ng hapag-kainan. Hindi niyo na nirespeto ang mga pagkain," seryoso kong saad sa kanila.
"Eh, kasi itong lalaking ito kung makapag-iw naman diyan. Bakla ka talaga 'no?" galit na tanong ni Lisa kay Hanz kaya napangiwi kaming dalawa ni Max.
"Hindi kami pumunta rito para makita o ma-witness ang pag-aaway niyong dalawa. Kaya nga narito kayong dalawa para ayusin niyo iyang hindi pagkakaintindihan niyo. Hindi na kayo bata para magbangayan pa," saad ko sa kanila. Wala namang imik ang dalawa at kumain na lang. Napahinga ako ng malalim at napatingin kay Max. Malungkot naman niya akong tiningnan at napailing na lamang.
Wala naman kaming imik kaming kumain. Ni isa sa amin ang hindi man lang nagsalita. Tanging tunog lamang ng tinidor at kutsara ang aming naririnig.
Mukhang naging worst tuloy ang aking plano. Sobra akong nalungkot dahil doon. Mukhang pinalala ko pa ang kanilang sitwasyon. Napalingon naman ako kay Lisa na walang pakialam. Kumain lamang ito at hindi na umimik, alam kong nasasaktan siya ngayon. Pinaghandaan pa naman niya ito ngayon. Nang matapos kami ay agad na tumayo si Hanz.
"Tapos na ako, babalik na ako sa office may gagawin pa kasi ako," saad niya sa amin. Agad namang tumayo si Lisa para padaanin siya. Kaagad siyang umalis at naglakad papalayo, mabilis naman siyang sinundan ni Max. Hanggang sa kami na lamang ang natira ni Lisa. Napatingin ako sa kaniya, halata saa kaniyang mukha ang kalungkutan.
"I'm sorry, Lisa," malungkot kong saad sa kaniya. Napangiti na lamang ito ng peke.
"Okay lang iyon, kasalanan naman namin. Kung hindi ko na lang sana siya pinatulan ay hindi magakaganon," saad niya sa akin. Mabilis ko naman siyang tinabiha at hinawakan ang kaniyang likod. Mayamaya ay napaluha lamang ito, kaya agad ko siyang niyakap .