" I'm sorry, Lisa," paumanhing saad ko habang nakatitig sa kaniya. Kaharap ko ito sa mesa, narito pa rin kami kila Aling Marites, hindi pa rin bumabalik sa shop.
"No, it's Okay. Hindi mo naman kasalanan iyon. Ako, ako ang may kasalanan kung hindi ko lamang pinatulan si Hanz, hindi sana mangyayari iyon," malungkot na saad niya sa akin.
Napabuntong hininga ako. Hanggang ngayon ay hindi na bumalik si Max at Hanz. Di pa rin nag-te-text o tawag si Max sa akin. Baka kinakausap pa niya si Hanz o pinagsasabihan. Sana lang ay hindi sila mag-away.
" Mukhang hindi na babalik iyong dalawa, balik na tayong shop?" tanong ko kay Lisa. Agad naman itong napatango sa akin at tumayo.
Mabuti na lamang at binayaran na nila ang pagkain, naki-usisa pa nga si Aling Marites, kung jowa ba raw namin ang mga pulis na kasama namin. Napailing na lamang kami dahil sa ka-tsismusahan niya.
"Nakakatawa si Aling Marites 'no?" saad ko kay Lisa habang papunta kami sa shop. Napangiti na lamang siya sa akin.
"Oo, number 1 tsismosa iyan dito sa Brgy. natin. Marami na iyang pinaiyak na mga dalaga at marami na ring sumusugod na magulang sa kaniya. Kesyo buntis daw ang anak nila at malandi," saad ni Lisa sa akin.
"Baka i-tsismis tayo no'n na nilalandi natin sila Max at Hanz," saad ko sa kaniya.
"Don't worry hindi niya tayo ma-tsi-tsismis takot lang niya sa amin. Iyong pinagkakatayuan kasi niyang Karendirya ay sa amin. Lupa namin iyan, nangungupahan lamang siya. Kung i-tsi-tsismis niya tayo ay pababawain ko kay Daddy ang lupang pinagkakatayuan ng kaniyang Karendirya."
Bigla naman akong namangha sa laki ng impluwensiya nilang pamilya. Sobrang yaman nila pala grabe.
"Grabe, sobrang yaman ninyo?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi naman, malaki lang talaga ang lupain namin kaya gano'n. Ang lolo ko kasi ay siyang Congressman dito sa probinsiya natin. Ang lola ko naman ay isang lawyer pati si mommy," ngiti niyang saad sa akin.
Namamangha ako. Sana may ganiyan din akong pamilya.
" Huwag kang mag-alala, ipapakilala kita sa pamilya ko," saad niya sa akin at ngumiti. Mabait si Lisa kaya nga hindi ko maintindihan si Hanz kung bakit hindi niya magustuhan ang babae. O kaya man lang ay maging mabait ito sa kaniya.
Nang makarating kami sa shop ay agad kaming nagtrabaho. Sa paglipas ng panahon napapansin kong wala sa kaniyang sarili si Lisa. Napailing na lamang ako dahil hanggang ngayon ay nakatulala lamang siya. Agad ko siyang nilapitan.
" Okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya.
" I'm sorry, hindi ko lang maiwasang isipin ang kanina. Hindi ko rin alam kung bakit siya pa itong galit. Ako na nga ang nanakawan ng halik."
Napailing na lamang ako sa kaniyang sinabi. Ano kayang problema nitong Hanz na ito. Bakla kaya siya? Napailing na lamang ako sa aking iniisip.
"Don't worry baka pagpunta nating Sorsogon ay roon kayo magkakaayos," wika ko sa kaniya. napasimangot siya ng marinig akong nagsalit.
" Ayaw ko nang sumama sa inyo, nawalan na ako ng gana. "
Napalingon ako sa kaniya dahil doon.
"Bakit ayaw mo nang sumama dahil ba kay Hanz? Huwag mo na lang pansinin siya. Huwag kang magpapahalatang naapektuhan ka sa kaniya. Ipakita mo na malakas ka at hindi ka naiilang kapag kasama mo siya," saad ko sa kaniya.
" Hindi na baka maging disaster pa ang ating journey roon," saad niya sa akin at napasimangot. Umalis naman ito sa at pumunta na ng office. Napahinga ako ng malalim at napakurap-kurap sa kaniyang sinabi. Kasi naman itong si Hanz parang tanga.
Napaigtad ako nang marinig ko ang tunog ng telepono. Kaagad ko itong kinuha sa aking bulsa at sinagot.
"Hello?"
"Honey, pasensiya na hindi na ako nakabalik pinagsabihan ko rin kasi itong si Hanz. Nag-away pa kami. Grabe ang mood swing ng lalaking ito, sobra."
Napairap ako sa kawalan.
"Hindi kaya ay bakla talaga iyang Hanz? Tanong mo nga! Nakakainis kamo siya," saad ko sa kaniya.
Napatawa lamang ito sa akin kaya napakunot ako ng noo.
"Hoy! Bakit mo ako tinatawanan?" tanong ko sa kaniya.
"Wala, hindi ko akalaing sasabihin mo iyan. Hindi bakla ang kaibigan ko ganiyan talaga siya. Kung ayaw niya, ayaw niya. Hindi mo siya mapipilit," saad niya sa akin.
"Ayaw nang sumama ni Lisa sa Sorsogon," saad ko sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Kakausapin ko ulit si Hanz, papakiusapan na kausapin at suyuin si Lisa. Total siya naman ang may kasalanan kung bakit si Lisa nabadtrip kanina," seryosong saad ni Max sa akin. Napatango na lamang ako.
"Mabuti iyan. May pa-iw-iw pa kasi siyang nalalaman. Para tuloy siyang beke kung umasta," natatawang saad ko sa kaniya. Humalakhak na lamang ito sa akin at nagpaalam na. May gagawin pa kasi siya.
Ako naman ay napailing na lamang at ini-entertain ang mga costumers. Napangiti na lamang ako sa pintuan ng office ni Lisa kung saan naroon siya.
Sana ay okay lang siya. Sana rin ay maging okay sila ni Hanz. Hindi ko man alam kung ano ang pinag-awayan nila ngunit naniniwala akong mareresolbahan din nila iyon. Sana lamang ay magkaintindihan na sila at hindi na muling mag-away o pikunan man lang.
Ilang oras lamang ang nakalipas ay kaagad kong pinuntahan si Lisa sa kaniyang office. Kanina pa kasi ito nasa loob ng office niya. Nag-aalala na rin ako baka kung ano na ang nangayri kay Lisa loob.
"Lisa?" katok kong mahina kay ngunit wala itong imik.
"Lisa? Si Rose ito," saad ko sa kaniya.
"P-pasok," saad namna niya at pumasok agad ko. Nanlalaki ang aking mga mata nang makita sa loob na kalat na kalat. Anong nangyari rito?
"What happened?" tanong ko at umiwas ako nang pinatahumpay ka niya.
"Okay la lang ba?" tanong ko sa kaniya.
"Okay lang ako and I'm sorry kanina," saad ko.pa sa kaniya. Napangit lamang siya.
"Wala iyon, ikaw pa ba ang lakas mo kaya sa akin," saad ni Lisa sa akin.
Tila ba pumalakpak ang aking tenga dahil doon. Mabuti na lamang at hindi siya gumawa ng ikakawang siya.
.