Mayamaya lamang ay pumunta ako sa loob ng office ni Lisa. Kanina pa kasi ako nag-alala para sa kaniya. Kanina pa ito nakulong. Ganito ba talaga siya?
Dinidibdib iyong problema?
Kumatok ako ng mahina sa pintuan at ilang segundo lamang ang nakalipas ay may sumigaw na nh pasok.
Mabilis akong pumasok sa loob at napatingin kung nasaan si Lisa. Naroon siya sa kaniyang usual spot at nakabusangot ito sa mesa. Napairap ako sa nakita ko.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" seryoso kong saad sa kaniya. Mabilis niyang inangat ang kaniyang mukha. Halata ang pagluha niya dahil namamaga ang kaniyang mga mata.
"W-Wala naman," saad niya sa akin..
"Seriously Lisa? Huwag mo mga akong lokohin. Lokohin mo na lajat huwah lang sa B.F.F. mo," ani ko.
"So, ano ang iyong problema? Makikinig ako, B.F.F. , tayo hindi ba?" tanong ko sa kaniya.
Napabuntong hininga ito dahil sa sinabi ko..
"Alam mo naman kasi kung bakit ako nagkakaganito."
Napahinga ako ng malalim at umupo sa harap niya. Nag-aalala lang kasi ako.
"Is it about Hanz, na naman? Hayaan mo iyong lalaking "yon..Hindi siya kawalan," saad ko at ngumuso sa kaniya.
"Alam ko but I can't help..Feeling ko na-fail ako. Okay na sana eh, maganda na ang takbo ng relationship namin bilang kaibigan ngunit ang tanga ko lang sa part na sinabihan ko siya bakla, bakit ko pa kasi inasar siya," naiiyak niyang wika.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan kung napikon siya sa maliit na bagay."
Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng napakahigpit.
"Salamat, Rose. Salamat dahil narito ka sa tabi ko," saad niya sa akin at napayakap.
"Don't worry, magkaibigan naman tayo, hindi ba?" tanong ko sa kaniya at ngumiti.
Tumamgo lamang iyo at niyakap ako ng napakahigpit..Kaya napangiti na lamang ako ng malapad sa kaniya.
"Hayaan mo na iyong si Hanz lalaki lang iyon! Hindi siya kawalan," saad ko pa kaya napatawa ito sa akin.
"Sasama ka sa amin sa Sorsogon ha?" wika ko pa. Nawala naman ang kaniyang ngiti at umiwas ng tingin sa akin.
"H-hindi ko alam kung makakasama pa ako sa inyo," saad niya.
"Ha? Bakit naman? Is it because of Hanz? Hindi ba sabi ko sa iyo na kahit nariyan si Hanz ay sumama ka. Hindi puwedeng hindi ka kasama, Lisa," malungkot kong saad sa kaniya.
"Ayaw ko namang makihalubilo lalo na at kasama natin si Hanz. Baka maging disaster lang iyong byahe natin," saad niya sa akin na ikinailing ko. Hindi ako papayag na hindi siya kasama kung puwedeng pilitin ko siya ay gagawin ko.
"Hindi iyan, huwag mo lang pansinin si Hanz, sige na B.F.F. Kung hindi ka kasama ay hindi rin ako sasama," saad ko sa kaniya na at napanguso.
"Hmm, hindi ba nakakahiya?" tanong niya sa akin.
"Huh? Bakit ka naman mahihiya?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Hm. Nevermind basta sa kotse niyo ako sasakay, ah? Ayaw ko kay Hanz," simangot niyang tugon sa akin.
"Salamat, B.F.F.! " masiglang saad ko sa kaniya na ikinatango niya.
"Naku! Kung hindi lang kita kaibigan eh!" irap niyang saad sa akin na ikinangisi ko na lang.
Ilang oras pa ang nakalipas nang magsara kami sa shop. Kaagad namang umalis si Lisa dahil may family dinner pa sila. Gusto nga sana niya akong isama ngunit sinabihan kong next time na lang dahil may aasikasuhin akong importente sa apartment. Wala naman itong nagawa kung 'di ay tumango. Kasalukuyan akong naglalakad sa papuntang apartment nang makasalubong ko si Hanz.
"Hello, Rose, maari ba kitang makausap?" tanong niya sa akin na ikinatango ko. Mas maigi siguro tanungin ko siya tungkol kay Lisa. Kung ano talaga ang nangyari bago sila nagkaalitan. Hindi lang naman dapat kay Lisa lang panig ang alamin ko, syempre kay Hanz din naman.
"Sige," saad ko sa kaniya. Umupo kami sa isang bench doon sa gilid. Mayamaya ay rinig kong napabuntong hininga siya.
"Pa-pasensiya na sa nangyari kanina," nahihiyang saad niya sa akin. Napakunot ako ng noo.
"Hindi ba dapat sabihin mo iyan kay Lisa?" tanong ko sa kaniya.
"I'm sorry..." Napayuko lamang ito.
"Bakit ba kasi ngkakagalit kayo ni Lisa?" tanong ko sa kaniya. Napaiwas siya ng tingin sa akin.
" It's her fault, she's annoying me," saad niya sa akin.
"At bakit ka na-a-annoy sa kaniya? Did she do something wrong?" kuni't noong tanong ko sa kaniya.
"She keeps on bugging, Rose. I know her feelings at hindi ako manhid para mapansin iyon and she told me that I am a gay. Nakapagtimpi naman ako eh ngunit hindi ko na talaga kayang pigilan ang galit ko kaya I kissed her," nakayukong saad niya sa akin. Napatawa ako ng mahina kaya napalingon siya sa akin.
"Iba ka rin magalit ah, nanghahalik," natatawang saad ko sa kaniya na nagpailing sa kaniya.
"Hindi naman sa gano'n gusto ko lang malaman niya na hindi ako bakla kaya ginawa ko iyon and she's annoying. Ang daldal niya kaya pinatahimik ko siya, tingnan mo ngayon hindi na niya ako kinukulit," saad niya sa akin. Napahinga ako ng malalim at napailing.
"Puwede ba akong mag-request?" tanong ko sa kaniya.
"Ano iyon? basta ikaw, gagawin ko. Pero iyong kaya ko lang ah," saad niya.
"Hm. Gusto ko sanang maging mabait ka sa kaibigan ko. Kalimutan mo na sana iyong sinabi niya sa iyo, siguro ay niloloko ka lang no'n ngunit mabait naman siya medyo may pagkataklesa nga lang. Alam kong mahirap sa iyo ito dahil iniiwasan mo siya ngunit gusto ko kasi kayong maging magkaibigan."
"She likes me, Rose and I don't like her..."
"Hindi ko naman sinabi na gustuhin mo siya ngunit kahit kaibiganin lang ay okay na. Ayaw ko kasing nag-aaway ang mga kaibigan ko dahil nalulungkot ako," saad ko sa kaniya. Kita ko ang pag-iisip nito at mayamaya lamang ay tumango na ito.
"S-Sige, I'll try my best, papansinin ko na siya at hindi na iiwasan," saad niya sa akin.
" Yeey! Usapan na natin iyon ah? Excited na ako bukas papuntang Sorsogon at isasama ko si Lisa, sa iyo siya sasakay okay lang ba iyon?" tanong ko sa kaniya.
Napangiwi ito at tumango na lang.
"Salamt, Hanz!" saad ko. Ngumiti lamang ito sa akin.
"Basta ikaw..."