Chapter 19

1023 Words
Kinabukasan ay agad akong nag-impake ng gamit. Ganoon din siguro si Lisa. Nang matapos ako sa pag-iimpake ay agad ko siyang tinawagan, ilang ring lamang ay sinagot na niya ang tawag. " Hello, B.F.F. ? " bungad na sagot niya sa akin. " Hello nakapag - impake ka na ba ? " tanong ko sa kaniya. " Malapit na, hindi ba puwedeng mag - backout na lamang? " tanong niya sa akin na ikinailing ko as if naman makikita ito ni Lisa. " Hindi puwede, hindi ba nangako ka sa akin na sasama ka? Hindi na puwedeng mag-backout, Lisa," seryoso kong saad sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. " Sige na nga, malapit na ako matapos sa pag-i-impake," saad niya sa akin. "Mabuti naman! See you!" saad ko sa kaniya. "See you rin!" Kaagaad kong pinatay ang tawag at ngumiti ng napakalapad. Sobrang saya ko dahil matutuloy na ang aming trip to Sorsogon! Nakaka-excite naman marami raw Beach doon kaya gustong-gusto ko ito. Mabuti na lamang at sumama na rin sa wakas si Lisa ilang beses ko kasi itong sinabihan at kinumbinsi. Isa pa nangako si Hanz na magiging mabait na siya sa aking kaibigan. Napangiwi ako sa aking naisip. Kung hindi ko pa sinabihan iyon, nako! Mas lalo lang na magiging magulo ang byahe namin. Isa pa ayaw kong masaktan ang kaibigan ko throughout our trip nang dahil sa kaniya. Katok na marahan ang aking narinig kaya agad kong binuksan ang pinto ng aking apartment. Bumungad sa akin ang fresh at gwapong mukha ni Max, nakangiti pa ito na para bang lumiliwanag ang kaniyang kapaligirian. Hindi ko namalayang napatulala ako ng ilang segundo. "You are drooling, honey," sambit niya kaya napakurap-kurap ako. "H-Hindi ah! Asa ka!" depensa kong sagot sa kaniya na ikinatawa niya. Kahit ang kaniyang tawa ay sobrang halina at nakakaakit. "Ready ka na ba?" tanong niya sa akin. "Yup! Ikaw ba?" tanong ko. "Oo, tapos na. Nasa kotse na nga si Hanz naghihintay. Hindi ko ma-gets iyong taong iyon, kagabi pa balisa minsan naririnig ko siyang kinakausap ang sarili." Napailing ito at para bang hindi makapaniwala sa kaniyang na-witness kagabi. "Kinausap ko kasi siya kagabi na kung puwede ay pakisamahan naman ang aking kaibigan total magkakaibigan naman tayong lahat. Isa pa ayaw kobg maging disaster ang trip natin dahil sa kanilang bangayan," seryosong saad ko kay Max. "Naiintindihan ko, siguro ay speech niya iyon kay Lisa. Nag-pra-practice lamang. "Daanan pala natin si Lisa sa condo niya since madadaanan din natin ito sa byahe. Para hindi na rin siya pumunta rito," saad ko sa kaniya na ikinatango niya. Kaagad niya namang kinuha ang aking maleta. Siya na ang nagdala ng mga gamit ko. Naaalala ko namang naghanda pala ako ng pagkain namin para sa byahe kaya mabilis akong kumaripas ng takbo ppaunta kusina para kunin ang apat na pack lunch na inihanda ko. Nang makabalik ako ay nakakunot ang noo niyang napatingin sa hawak ko. "A-ano iyan?" tanong niya. "Pack lunch natin ito. Nagluto ako kanina para may makain tayo sa byahe." Napangiti na lamang ito at napatango. "Ang sweet ng honey ko, salamat!" masayang saad niya at hahalikan na sana niya ako ngunit ako na ang umilag. "Aba! Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya at hinila siya palabas na ng aking apartment. "Bakit ang tagal niyo?" tanong sa amin ni Hanz na nakabusangot. "Ki-aga-aga masiyado ka namang highblood diyan. Mayro'n ka ba, Hanz?" ngisi kong tanong sa kaniya na ikinailing niya. "Mukhang mahilig ka nang manukso, Rose ah. Si Lisa ba ang nagturo niyan sa iyo? Nahawaan ka na niya," naiiling na saad sa akin ni Hanz na ikinagulat ko naman. "Bakit bukambibig mo lagi si Liza? May gusto ka na ba sa kaniya?" tanong ko naman. "Hay nako, ewan ko sa iyo, napailing na lamang siya sa akin." "Hanz, sa iyo sasakay si Liza ah? Iyon ang usapan natin!" paalala ko sa kaniya. "Oo na, tara na! Baka kanina pa naghihintay iyon," saad niya at sumakay na agad sa kaniyang kotse. Nagkatinginan naman kami ni Max at napangisi. Siguro gusto niya rin ang aking kaibigan indenial lang siya. "Sa tingin mo? Indenial lang si Hanz?" tanong ko sa kaniya. "I don't know, maybe. Torpe kasi 'yong kaibigan ko," saad niya sa akin. Nagulat naman kami nang bumisina ito sa amin . "Tara na!" sigaw niya at pinaandar ang kotse. "Badtrip siguro ang loko," napailing kong saad kay Max. "Hayaan mo siya ganiyan talaga 'yan ayaw ng pakupad-kupad. Kapag aalis, aalis na dapat wala ng tsetse buretse." Gano'n naman siguro ang pulis. Hidni dapat pakupad-kupad kaya naiintindihan ko si Hanz. "Gano'n siguro kapag pulis, ano?" tanong ko sa kaniya. "Yup! Kaya nga noong may nangyari sa atin wala na akong tsetse buretse, niligawan na agad kita." Hinampas ko naman siya sa braso at pumasok na agad sa kotse niya. Ilang minuto lang ang binyahe namin nang makapunta kami sa condo ni Liza. Mabilis ko siyang tinawagan at kaagad niya naman itong sinagot.. "Nasaan ka na?" diretsong tanong ko sa kaniya. "Narito na kami," dagdag ko pa. "Hala! Wait lang, may inaasikaso lang ako. Give me 5 minutes para bumaba," saad niya sa akin. Napatango na lamang ako at pinatay na ang tawag. "Ano raw ang sabi?" tanong ni Hanz sa akin. , Hindi naman ito galit o kung ano. Akala ko kasi hindi niya ako papansinin dahil tinukso ko siya kanina." Matigas ang kaniyang ekspresyon ngunit hindi naman ito galit. "Hm 5 minutes daw ay bababa na siya," saad ko sa kaniya. Napatngiwi naman ang lalaki. "Bakit naman ang tagal? Dapat handa na siya, papahintayin pa tayo," nakabusangot niyang saad sa akin. "Huwag ka na lang magreklamo riyan, kakaltukan kita!" inis kong saas sa kaniya kaya napatikom ito nh bibig. "Sorry na," saad niya sa akin at umupo sa harapan ng kaniyang kotse. "Kalma, honey, pati ba naman kayo magbabangayan?" tanong ni Max sa akin. "Kasi itong kaibigan mo ang daming hanash. Ang daming reklamo, 5 minutes lang naman ang hihintayin eh," sumbong ko sa kaniya. Tinaasan naman ng kilay ni Max si Hanz. Kaagad itong napasimangot at nag-sorry sa akin ng sinsero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD