Kasalukuyan kaming nasa byahe papuntang Sorsogon. Sa sobrang excited ko ay hindi na maalis sa akin ang aking pag ngiti. Napasilip ako sa bintana kaya kita ko ang maraming puno sa aming gilid. Mga puno iyon ng mga niyog. " Sa tingin mo okay lang sila Liza at Hanz?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa mga dinadaanan naming mga puno. "Oo naman, siguro naman ay hindi na sila mag-away. Malalaki na sila, alam na nila ang tama o mali," saad ni Max sa akin. "Tingin mo magiging close sila? Gusto ko kasing maging okay sila, kaya nga ginagawa ko ang lahat para magkasundo sila. They are my friend," wika ko. "Ako ba? What do you think of me?" tanong niya sa akin kaya napalingon ako sa pogi niyang mukha. Kita ko ang pagsulyap nito sa akin pagkatapos ay ngumiti. "Hmmm, friend din," tukso ko

