"'Yan guys, subukan niyo masarap 'yang niluto ko," saad ko sa kanila at tinuro ang aking specialty na Adobo. Adobo kasi ang aking paborito at syempre kayang lutuin. Mayro'n ding hotdog, ham, at fried chicken. Mayro'n din pala silang binili on the way na pizza at ice cream for dessert daw. Napangiti ako sa rami ng nakahain sa sanig. Mabuti na lamang at nagluto ako, kung 'di baka gutomin kami sa daan. " Grabe! Ang sarap mo pa lang magluto, Rose! Sobrang sarap ng Adobo mo!" bulalas ni Liza habang tinitikman ang adobo. Ang dalawa naman ay todo kain na lang at napa-thums up din sa akin. Gutom na gutom ang dalawa dahil siguro sa pag-drive. "Dahan-dahan lang sa pagkain at paglunok baka mabilaukan kayo," ngiting saad ko sa dalawa at napailing. Nagsimula na rin akong kumain. " Ah Rose, nagk

