Agad akong pumasok sa aking apartment at inilapag ang bulaklak sa mesa. Sobrang lapad ng ngiti ko dahil sa effort na ginawa ni Max sa akin. Mabilis kong kinuha ang aking telepono para tawagan siya, sabihing nakuha ko na ang flowers na ibinigay niya. Ilang ring lamang ay sumagot na ito, malapad ang ngiti ko sa kawalan. Ni hindi ito mawala-wala dahil sa kilig. “Hello? Sino ito?” Nawala ang aking ngiti sa labi nang marinig ang isang pamilyar na boses na sumagot sa cellphone ni Max. Napakuyom ako ng kamao dahil doon. “B-Bakit na sa’yo ang cellphone ng boyfriend ko, Felicity?” malamig na tanong ko sa kaniya. “I am sorry, naliligo pa kasi si Max eh, wait lang tawagin ko lang siya,” saad nito. Rinig ko naman ang yapak nito na para bang naglalakad. “Max! Si Rose, tumatawag!” sigaw nit

