Inis na inis ako dahil hindi man lang ako pinuntahan ni Max o kaya hinabol man lang kanina. Sumasakit din ang aking puso dahil mas pinili niya iyong hitad na iyon kaysa sa aking girlfriend niya. Kita ko ang papalapit na imahe ni Hanz sa amin, kasalukuyan kaming nasa harap ng club naghihintay sa kaniya. “Oh, nasaan si Max?” tanong ni Liza sa kaniya. “Naroon pa sa loob. Noong nag-walk out si Rose susundan ka sana ni Max kaso nahimatay si Felicity,” iling na saad ni Hanz sa amin. “Oh bakit nahimatay?” tanong ni Liza. “If I know drama lang niya iyon,” irap kong wika kay Hanz ngunit ngumiwi lang ito sa akin. Bakit? Hindi ba siya naniniwala sa akin? Totoo namang best in drama iyon, ako ang nakakakilala sa tunay na budhi ng babaeng iyon. “Mas mabuti pa sigurong magpahinga na lang tay

