Nang mahimasmasan ako ay agad akong lumabas sa C.R.. Napagpasyahan kong hindi ako papayag na kunin niya sa akin si Max. Nakuha niya na noon si Andrei pati ba naman ang kasintahan ko ngayon? Hindi na puwede iyon. Lalaban na ako. Gulat ang aking ekspresyon nang makitang naghihintay pala sa labas si Max. Nakatayo lamang ito sa labas at para bang may inaabangan. Hanggang sa napalingon siya sa akin at agad na nilapitan ako. "What took you so long? I am so worried about you akala ko kung ano nang nangyari sa iyo," sambit niya sa akin. "Don't worry, I am fine. Medyo sumakit lang ang tiyan ko siguro dahil sa alak hindi na ako sanay uminom." Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam pero bigla akong nawalan ng gana makipag-usap sa kaniya. "Bakit mo naman iniwan an

