Siete

1423 Words
Author's pov Sinundo ni Emma ang anak na si Janica. "Kamusta, Anak?" Tanong nito. Hindi sumagot si Janica at pinikit lang ang mata sa buong byahe. Nag-aalala si Emma kaya sinundan niya ito hanggang sa kwarto. "May problema ba?" Tanong nito at hinawakan ang kamay ni Janica kaya nakita ang pamumula ng dalawang braso nito. "Anong nangyari rito? May nambubully ba sayo?" Umiling si Janica at naiiyak na yumakap sa ina. "Pinahiya ako ni Chazia," sumbong ni Janica. "Anong ginawa niya? Siya ba ang nanakit sayo?" Seryosong tanong ni Emma. "Sinadya niyang patamaan ako ng bola at ipahiya sa mga studyante, hindi ko alam kung bakit niya nagawa 'yun." "Kakausapin ko siya," mariing sabi ni Emma bago niyakap ang anak. Masaya naman na kumakain sa labas ang buong section 3 para i-celebrate ang pagkapanalo laban sa section 1. "Simula ngayon lagi ng mananalo ang Section 3 laban sa section 1 dahil nandito na si Chazia at Jian. Sa ganda si Chazia ang ilaban natin tapos si Jian sa talinuhan," sabi ng Sir nila. Natawa si Jian habang si Chazia naman ay napa-irap sa narinig. "So ang sinasabi mo Bobo ako, Sir?" Tanong ni Chazia kaya natahimik ang lahat sa pag-aakalang galit si Chazia. "Hindi ko sinabi 'yan, ang sinasabi ko lang matalino ka pero tamad ka mag-aral kaya hindi ka pa pwede ipangtapat sa section 1. Sa ganda ka na lang muna magreyna-reynahan," sabi ng baklang Sir nila. "Tama," natatawang sabi ni Chazia kaya bumalik ang tawanan ng lahat. Naging masaya ang celebration ng magpaalam si Jian at Chazia na kailangan ng umuwi. "Are you ready?" Tanong ni Jian. "For what?" Takang tanong ni Chazia. "You hurt your sister so I'm sure your mommy will scold you," sabi nito. Natahimik panandalian si Chazia at naisip na may posibilidad na pagalitan siya dahil sigurado na magsusumbong ang ate niya. "Sa hospital mo ako ihatid," sabi ni Chazia. "Sasabay na lang akong umuwi kay Daddy. Baka nakaabang na si Mommy at mapagalitan na naman ako. Simula ng nakabalik kasi si Janica 'yung attention ni Mommy nasa kanya na at sa mata ni Mommy ang panganay niya lang ang tama." Ayaw man aminin ni Chazia pero nakakaramdam na ito ng galit, inggit at selos para kay Janica dahil sa hindi pantay na pagtrato ng kanilang Mommy. Ang hinihiling ni Chazia nuon na bigyan siya ng Mommy niya ng attention at maranasan ang mahalin ng ina ay nagawa lahat sa Ate niya mula nang bumalik ito. "My gosh, Chazia! Alam ko na uhaw ka sa pagmamahal ng Mommy mo pero sobra na siya. Hindi ko sinasabing bastusin mo siya pero matuto ka namang sumagot," naiinis na payo ni Jian. "Tapang-tapang mo sa school tapos sa bahay niyo hindi. Kakarating lang ng Ate mo pero natatalo ka na niya, umayos ka at sagutin mo sila!" "Mommy ko siya," simpleng sagot ni Chazia at tumingin na sa bintana ng sasakyan. "Alam ko na nag-aadjust lang-" "Oh, God! Adjust pa rin? Mula bata ka ikaw na nag-adjust para sa Mommy mo, hanggang ngayon pa rin ba? Stupid," gigil na sabi ni Jian. "Hindi mo maiintindihan-" "Naiintindihan ko dahil kaibigan mo ako mula nuon at alam ko ang mga ginagawa mo para makuha lang ang attention ng Mommy po," giit ni JIan. Hindi na sumagot si Chazia at hinintay na lang na makarating sila sa hospital. Pagdating nila sa hospital bababa na sana si Chazia ng pinigilan siya ni Jian. "I'm sorry, nadala lang ako. Naiinis na kasi ako," paliwanag ni Jian. Ngumiti si Chazia at niyakap ang kaibigan. "Alam ko, hayaan mo lang akong intindihin sila. Darating ang araw mapapansin din ako," sabi ni Chazia. "Stupid, alis ka na nga. Tama nga sila na ganda lang ang meron sayo," biro ni Jian kaya natawa si Chazia. Pagpasok ni Chazia sa hospital ay binati siya ng ilang nurse na kilala siya bilang anak ni Dr. Lorgan Crutez. "Where's Dad?" Tanong ni Chazia sa isang nurse na close niya. "Emergency room, hintayin mo na lang sa office niya, Bhe. Alam mo naman 'yun ayaw niya na pakalat-kalat ka sa hospital baka kung anong virus ang malanghap mo haha. Hindi na ako magtataka kung ingat na ingat sayo ang Daddy mo, ang ganda mo kasi. Virus kaya ang tawag ni Doc sa ibang intern na may crush sayo," kwento ng nurse. "Bata pa ako, Ate. Baby pa ako ni Daddy," biro ni Chazia bago iwan ang kausap para dumeretcho sa opisina ng Ama. Dahil napagod rin ito kaya nakatulog sa sofa ng opisina at 'yun ang nadatnan ni Lorgan. Tamang tama naman na tumawag ang asawa nito. " Wala pa rito si Chazia, anong oras na! Sinasabi ko sayo lorgan pagsabihan-" "She's with me, Emma. We will go home together," sabi ni Lorgan. "Hurry, I will be waiting for Chazia. We need to talk," mariing sabi ni Emma. "Why?" Tanong ni Lorgan habang nakatitig sa anak. "She hit and humiliated her sister at school!" Hindi sumagot si Lorgan at pinatay ang tawag. "Honey, wake up. Dad's here," malambing na paggising ni Lorgan sa anak. Nagising si Chazia. "Daddy," masayang bati ni Chazia. "Uwi na tayo?" "I invite you to join me for dinner, Honey. Sasamahan mo ba si Daddy?" Sabi ni Lorgan. "Of course," nakangiting sabi ni Chazia kahit busog na ito. Dumeretcho ang mag-ama sa isang restau. "What happened?" Tanong ni Lorgan sa kalagitnaan ng kwentuhan. "Hinahanap na ako ni Mommy," sabi ni Chazia na hinid na kababaksan ng pagkagulat. "Nakapagsumbong na si Ate Janica sa kanya." "Chazia, gusto ko lang malaman ang nangyari galing mismo sayo." "Alam ko naman 'yun at hindi ka rin kakampi kay Ate o sakin," nakangiting sabi ni Chazia. "Anak-" "Okay na 'yun na nasa gitna ka lang, masaya na ko duon. Naglaro kami ng volleyball sa P.E namin kanina at hindi ko sinasadya na patamaan siya," sabi ni Chazia. "Pinahiya mo ba siya?" Tanong ni Lorgan. "Wala akong ginawa para mapahiya siya," mahinang sabi ni Chazia. "Masaya ko na bumalik na siya daddy at alam ko naman na kakampihan siya ni Mommy kaya hindi ako maglalakas ng loob na ipahiya siya." Pagsisinungaling ni Chazia dahil ang totoo ay sinadya nito na patamaan ang Ate ng bola. "Naniniwala ako sayo, Anak. Ako na ang bahalang kumausap a Mommy mo," sabi ni Lorgan at hinawakan ang kamay ng anak. "Alam ko na nasasaktan ka na sa pinapakita ng Mommy mo, pagpasensyahan mo na lang kasi namiss niya ng sobra si Janica." 'Hindi niya rin ba ako na-mimiss?'. Tanong ni Chazia sa isip niya pero hindi na niya sinabi sa Ama. "Opo," sagot ni Chazia. Pag-uwi nila sa kanilang bahay nakaabang na si Emma kaya agad na pumunta si Chazia sa likod ng Ama. "Chazia, let's talk!" "Honey, pumasok ka na sa kwarto mo. Pahinga ka na," sabi naman ni Lorgan. Humalik si Chazia sa Ama at nagmadaling pumasok sa kwarto niya. Naiwan si Lorgan at Emma sa sala. "What did-" "Not now, Emma. Bukas-" "Kakausapin ko lang dahil sinaktan niya ang Ate niya na hindi sana niya ginawa!" Galit na sabi ni Emma. "Naglalaro sila ng volleyball at hindi maiwasan na masaktan. Wag mong isisi kay Chazia," malumanay na sabi ni Lorgan at tinalikuran ang asawa. Hindi naman nagpatinag si Emma at pupuntahan sana sa kwarto ni Chazia. "Kinausap ko na siya kaya hindi mo na siya kailangang pagsabihan," mariing sabi ni Dr. Lorgan. "Pagpahingain mo ang anak natin, masyado mo na siyang sinasaktan." Hindi nakaimik si Emma sa narinig mula sa asawa, tinignan niya si Lorgan na seryosong nakatingin sa kanya. "Hinahayaan kita kasi mahal kita pero 'wag ka sanang sumubra dahil hindi ko alam ang magagawa ko pag dumating ang panahon at makita ko ang anak ko na sobra ng nasasaktan dahil sayo!" "Hindi ko alam ang sinasabi mo," sabi ni Emma. "Pasalamat na lang talaga ako at mahaba ang pang-unawa ni Chazia.-" "Ano-" "Malaki rin ang pagmamahal niya sayo kaya sa loob ng ilang taon wala itong inintindi kundi ikaw, " makahulugang sabi ni Lorgan. "Paano napunta sa akin ang usapan? Ang issue rito ang pananakit ni Chazia kay Janica," galit na sbai ni Emma. "You are being unfair, Emma. Janica is not your only child," giit ni Lorgan bago iwan ang asawa. Sumunod naman si Emma. Nang makita ni Chazia na wala na ang magulang ay sinara niya na ng tuluyan ang pinto. Sa buong pag-uusap ng magulang ay nakikinig siya. Mapait na napangiti si Chazia habang nakatingin sa larawan ng pamilya niya lalo na sa larawan ng ina. "Anak mo rin ako, Mommy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD