Chazia's pov
Ang aga-agang masira ng umaga ko. Kunti na lang talaga lalabas na ang pakpak kong puti dahil sa sibrang kabaitan na pinapamalas ko sa Ate at Mommy ko, para akong anghel na kahit anong gawin nila ay okay lang dahil mabait ako.
"Hindi ka pa magbibihis?" Tanong ni Jian sakin.
P.E namin ngayong hapon kaya kailangan naming magpalit ng P.E uniform.
"Nope, tinatamad ako. Ang init rin kaya mas ayokong isuot 'yan," sabi ko sabay turo sa suot pambaba ni Jian.
Tumingin ako sa mga classmates ko at lahat sila nakapagpalit na. Hinihintay lang namin ang teacher namin. Kung sa section 1 and 2 may makikita kang laging nagbabasa kahit breaktime, dito naman sa section 3 lahat kausap ang mga kaibigan. May mga sari-sarili silang mundo.
Kami naman ni Jian ay nasa likod lang, mailap ang mga classmates namin sa aming dalawa pero nakakausap naman nila kami lalo na pag may mga groupings.
"Sa court daw!" Sigaw ng isang classmate namin na kakarating lang.
Agad namang nagsilabasan ang mga section 3 habang ako naman ay tamad na sumandal sa aking upuan.
"Problem?" Tanong ni Jian.
"Naiinis lang ako kay Mommy dahil pinagalitan niya ako kaninang umaga. Nakarating kasi sa kanya ang ginawa nating paglipat ng section," saad ko. "Lagi na lang akong mali sa paningin niya."
"Sinabi ng Ate mong peke," sabi ni Jian. "'Yan Ate mo ang laki ng insecurities sa katawan, lahat na lang ata sayo aagawin niya. Nabalitaan ko nga na nakikipagclose kay Justin."
"Friendly lang 'yun," pagtatanggol ko.
"Whatever, halika na baka mapagalitan pa tayo. Wala ako sa mood makipagbardagulan sa mga teachers," natatawang sabi nito.
Tinatamad talaga ako ngayong araw tapos P.E pa siguradong papawis na naman ang gagawin. Nakakainis, ang init init pa!
Pagdating namin sa court madami ng studyante na nakaupos sa lapag at nasa harap ang mga teachers ng 4th year.
"Anong meron?" Bulong ko kay Jian.
"Malay ko tayo ang magkasama eh," sabi nito at hinila na ako palapit kaya napatingin samin ang lahat.
Dumeretcho kami sa pila ng section namin at sa harap pa mismo dahil tinawag kami ng adviser namin.
"Bakit hindi ka naka-P.E uniform?" Tanong ng baklang adviser ko.
"Ang init Sir tapos pajama pa baka mahilo ako," sagot ko.
Tumingin ako sa harap at masamang nakatingin samin si Ma'am Ana pati na ang adviser ng section 1.
Mukhang kalat na ang ginawa ni Jian na pamamahiya kay Ma'am Ana tapos pati ako damay.
"Why aren't you wearing a P.E uniform?" Taas kilay na tanong nito.
Alam ko naman na nakatingin na sakin ang lahat kaya ngumiti ako.
"Ma'am may kumuha po kasi ng Uuniform ko sa locker ko, hindi ko nga po alam kung bakit 'yung sakin pa talaga ang kinuha. Sorry po," pagsisinungaling ko.
Tinignan niya ako na para bang inaalam kong nagsisinungaling ako o hindi.
"Ang activity ngayon ay volleyball at hindi pwede exempted ka," sabi nito sakin.
"Nakashort ako," sagot ko.
Wala na itong maibato sakin kaya nag-explain na sila sa larong gagawin.
Bawat section ay may anim na pipiliin para maglaro at ilaban ang section nila. Sa babae Volleyball habang sa lalaki naman ay basketball pero hindi pwedeng maglaro ang mga player katulad ni Justin para raw maging fair.
Unang naglaban ay ang section 1 and 2. Kasama si Ate Janica, Sandra at Gel sa section nila.
Nanalo ang section 1. Sumunod naman ay ang 3 and 4.
"Chazia maglaro ka," sabi ni Sir.
Walang babalang tinanggal ko ang palda ko dahil may short naman ako sa loob.
"Woah, baby ko 'yan! Ang sexy!" Pag-cheer ni Justin na natigil rin dahil napagalitan ng adviser nila.
Sa bawat hampas ko ng bola ay hindi nasasalo ng kalaban.
"Easy, haha. Ang iniisip mo ata mukha ng Ate mo 'yang mga kalaban. Kulang na lang itapat mo sa mukha nila," natatawang sabi ni Jian.
"Tatalunin ko siya," saad ko kaya napangiti kaming parehas.
Nanalo kami at ang huling laban ay ang Section 1 at Section 3.
Pinagharap kaming mga player na maglalaban.
"Let's have a bet," sabi ni Sandra na kami lang ang nakakarinig dahil ang mga teacher ay nag-uusap pa.
"What?" Tanong ko.
"Pag nanalo kami magiging slave namin kayong anim sa loob ng isang linggo," nakangising sabi nito.
Tumingin ako kay Ate na nakatingin na rin sa akin, walang pagtutol sa mukha nito.
Binalik ko ang tingin kay Sandra at ngumiti.
"Pag nanalo kami maglalakad kayo sa buong University habang may malaking placard na nakasabit sa leeg niyo at kami ang mag-iisip kung ano ang isusulat. Buong araw at sa lahat ng department ay dapat mapuntahan niyo," sabi ko.
Narinig ko pa ang mga kasama ko na nag-agree sa mga sinabi ko.
"Deal," sagot ni Ate na nilahad pa ang kamay. "Kami ang mananalo."
Ngumiti naman ako sa kanya. Matagal nga siyang nawala dahil hindi nito alam na magaling ako sa sport na volleybal.
Sinabi na isang round lang ang magaganap na laban at ang unang maka 26 ay siya ang panalo.
"Galingan niyo, patunayan niyo na lamang tayo sa sports. Aba dapat tayo ang manalo para hindi nila kayo maliitin. Hindi talinuhan ang volleyball kaya umaasa ako na mananalo kayo," sabi ni Sir.
"Hindi ka namin bibiguin, Sir. Sa pagkakataon na ito matatalo namin ang mga mayayabang na section 1," sabi ng isa sa kasama namin.
Tumingin naman ako kay Jian na masamang nakatingin sakin.
"What?" Tanong ko.
"Siguraduhin mo lang na mananalo tayo dahil ayaw kong maging slave ng mga 'yan," mariing sabi nito.
"Sagot kita," natatawang sabi ko.
Tinawag na nila kami para umpisahan ang laro. Nakita ko rin na mas dumami ang nanunuod at hindi lang 4th year ang nandito sa court.
"GO, BABY CHAZIA! GALINGAN MO! YOU CAN DO IT!" Malakas na sigaw ni Justin kaya natawa ako lalo na nuong itulak ito ng kaibigan.
Ang lakas ng loob mag-cheer eh kalaban namin sila.
"SECTION 3, FIGHT!" Sabay-sabay na sabi naman ng mga classmates ko sa pangunguna ni Sir.
Nag-umpisa na at ako ang mag-serve ng bola.
"Go, Chazia Baby. Ipakita mo na hindi ka lang ganda," sabi ni Jian na nasa harap ko.
Kinindatan ko naman ito at malakas na tinira ang bola. Naibalik ang bola samin pero magaling rin ang mga kasama ko at na-spike si Jian nang malakas kaya puntos samin. Natawa pa ako dahil muntik ng matamaan sa mukha si Gel.
Nagkainitan ang laban ng sadyain nila na ipatama sa mukha ng mga kasama ko ang bola. 18-20 at sila ang lamang.
Ako na ang magse-serve, nakita ko na nakangisi si Ate Janica kay Jian. Alam ko na iniinis niya ang bestfriend ko.
Hinanda ko ang sarili ko at malakas na tinamaan ang bola. Napa 'yes' ako nang matumba si Sandra dahil sinigurado ko na sakto sa mukha niya ang bola. Tinignan ko si Ate Janica at nginitian siya.
"'Wag ang bestfriend ko Ate Janica dahil kakaawain ko ang mga kaibigan mo," banta ko nuong lumapit ito sa net.
"Sinadya mo," mariing sabi nito.
"Yes," simpleng sagot ko at bumalik sa pwesto ko para mag-serve ulit.
Natamaan nila ang bola at naging maganda na rin ang laban. May mga natutumba dahil sa init na nararamdaman ng bawat player. Ang ikinagulat ko ay ang muntik ng matamaan ang mukha ko mula sa malakas na pag spike ni Ate Janica buti na lang at naitulak ako ni Jian.
25-25 ang score at sila ang magse-serve.
"Bigay niyo sakin," mariin an sabi ko sa mga kasamahan ko habang nakatingin kay Ate na nasa harap ko at si Sandra ang magse-serve sa kanila.
"Wag ang mga kaibigan ko, Little Sis. Kami ang mananalo," sabi nito.
Hindi ako sumagot at na-focus. Tinira ni Sandra at na-save ng kasama namin. Bumalik ang bola ng ilang beses hanggang sa makakita ako ng pagkakataon.
"Mine!" Sigaw ko. Mabilis akong tumalon at hinampas nang napakalakas ang bola patungo sa banda ni Ate Janica.
Madaming nagsigawan ng matumba ito habang ang kamay ay nakaprotekta sa ulo.
"THE WINNER IS SECTION 3!" Sigaw ni Sir kaya naghiyawan ang buong section 3.
Nakatingin pa rin ako kay Ate Janica na hindi pa tumatayo at mukhang gulat pa rin.
Lumapit ako at tinignan siya. Galit itong tumingin sakin pero wala akong paki.
"Wag ako, Ate Janica!" Inis na sabi ko. Tinignan ko ang grupo nila. "Be ready for tomorrow."