ZIANNA “Hey, I'm going to work now, baby,” malamyos ang boses na bulong niya sa akin kaya marahan akong kumilos. “Ingat,” namamaos na sabi ko ngunit nanatiling nakapikit. “Si Chantea nasa baba na. Bumaba ka na lang para makapag-almusal ka.” He kissed me on the forehead. "I will give you your phone.” Napamulat ako ng mata sa sinabi niya. Nasa kamay ko na ang phone ko na siya mismo ang naglagay. “Are you sure?” kunot ang noo na tanong ko. Gusto ko makasiguro dahil para siyang sinapian ng mabuting espiritu ngayon. Ngumiti siya. “Ayaw mo ba? Babawiin ko na—” “No.” Pinigilan ko ang kamay niya ng akmang babawiin ang phone ko. “Tatawagan ko si G.” Pero ang totoo, wala akong balak tawagan si G dahil susulpot na lang ako sa bahay nito. Kumunot ang noo niya. “Don't make any wrong move, Z

