ZIANNA Nasa kwarto na kami ay hindi maalis sa isipan ko ang tanong ni Chantea sa amin kanina. Mahimbing ng natutulog ang mag-ama ko pero ako ay dilat pa ang mga mata. Posible kayang si Daddy Ravi ang nagsabi sa kanya? Ito lang naman ang nakasama niya ng matagal at sila lang din dalawa sa study room kaya posible nabanggit niya kay Chantea. Sinulyapan ko ang anak ko na mahimbing ng natutulog sa tabi ko. Paano kaya kung sumapi ito sa organisasyon kapag tumuntong na ito sa tamang edad nito? Parang lagi na lang ako kakabahan kapag nangyari iyon. Pero kahit hindi siya sumapi, posibleng malagay pa rin siya sa kapahamakan dahil miyembro ng mga mafia ang nakapalibot sa kanya. Bumaba ang mata ko sa braso na nakapatong sa baywang ko. Hinawakan ko ito at marahang inalis saka maingat na bumangon.

