Chapter 1
"Wala na bang papalag diyan? yun na yun?!" Sigaw ng kaibigan kong si Jillian. Paano ba naman kasi, tatlo lang kami tapos pina taob namin ang sampong tanga na nag hamon sa amin ng suntokan.
Agad kong hinawakan ang buhok ng leader nilang naka handusay nalang sa lupa. "Ano greg? Tsk tsk tsk parang napurohan ka ata ng malala ah" halos hindi na niya maidilat ang mga mata sa sobrang maga at basag pa ang nguso.
"Tara na walang kwenta mga tao rito. Alis!" Sabat naman ni vincent at sinipa pa ang isang nakahandusay.
Kaming tatlo ni Vincent at Jillian ang binansagang 3 man gang sa school na ito. Kasi kahit tatlo lang kami ay kami naman ang pinaka malakas dito. Subukan lang nila.
Kilala ang school namin sa pagiging bayolente. Nandito ang lahat ng klase ng sira ulo.
Droga, alak, m*******a at kung ano man ang trip mong hithitin ay pwedeng pwede sa school na ito. Tinatawag ka nga kaming Kolehiyo ng mga salot sa lipunan. Tama naman.
"Ano R tambay muna tayo sa computer shop? Boring naman nong mga mokong na yun." Yaya ni Vincent sa akin. Ayaw ko mang tanggapin pero si Vincent ang pinaka mabilis sa aming tatlo. Hindi siya sobrang lakas pero sobrang bilis niyang gumalaw. Mabilis din siyang mag isip in short matalino tong mokong na to. Ewan ko ba diyan ba't siya nagsasasama sa mga tulad namin eh may utak naman siya pwede siyang mag aral ng mabuti.
"Oo nga mas nahihirapan pa akong mag counter strike keysa makipag suntokan dun e" Sabat naman ni Jillian. Siya ang pinaka matangkad sa amin at siya rin ang may pinaka malaki ang katawan. Pero siya rin ang pinaka tanga makipag away. Dinadaan niya lang sa laki at lakas ang kalaban. Hindi marunong umilag.
"Tsss ikaw lang may pasa sa ating tatlo. Praktis mo ring umilag pre binabato ka na ng upuan sinasalo mo ng suntok ano ka si hulk? bobo." Sabat ko naman. Tumawa naman si Vincent at napakamot nalang ng ulo si Jillian.
Ako naman si Harold Raven Estacio. Ako ang leader sa aming magkakaibigan. Dating MMA champion ang Papa ko at taekwondo naman ang ate at kuya ko. Pareho silang successful sa mga careers nila kung di lang sana......
Anyway bata pa lang ako tinuruan na nila ako ng mga basic self defense hanggang sa mas lumawak na ang kaalaman ko sa pakikipag laban. Kaya ginagamit ko ito ngayon sa pakikipag away.
Halos limang oras din kaming nag laro sa computer shop ni Vincent at Jillian. Dito lang umiikot ang mundo namin. Hindi naman kasi kami mahilig sa yosi at alak. Minsan napapainom pero hindi kami lasinggero.
Mag aalas syete na ng gabi nang makalabas kami ng computer shop. Parang ayoko pang umuwi ng bahay. Kinakain ako ng kalungkutan.
"Tol ano? Class dismissed na ba? May natutunan ba kayo?" Pabirong sambit ni Jillian.
"Tanga, ayoko munang umuwi tol. Nababagot ako sa bahay." Agad namang napatingin ang dalawa sakin na para bang nag aalala "Mga ugok! A-ayaw ko lang talaga dun sa bahay k-kasi wala naman akong gagawin dun."
"Ikaw talaga. Tara samin muna tayo. Vincent sama kana text mo nalang mama mo friday naman e" Sagot ni Jillian.
Agad namang tinawagan ni Vincent ang ermat niya at pumayag naman ito. Kilala rin kasi namin yung ermat niya kaya ganun.
Pagkarating namin sa bahay nila Jillian ay pareho kaming nagkatinginan nang makita namin ang mga kotseng naka parada sa harap ng bahay nila. Lahat ng mga kotseng ito ay kulay itim.
Sa aming tatlo ay si Jillian ang pinaka mayaman. Sa sobrang tagal na naming magkakaibigan ay hindi na bago sakin ang makita tong mansyon nila. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ka laki ang bahay nila tapos iilan lang silang nakatira.
Pagka pasok namin sa bahay nila ay bumungad kaagad sa amin ang malaki nilang sala at may mga bisita sila. Bisita ng kuya ni Jillian. Ilang taon na rin ang lumipas nung huli ko silang nakita.
"Oh long time no see children!" Sabi ni Froiland. Children mo muka mo baka tadyakan kita e.
"Anong children baka gulpihin kita!" Dinuro ka siya ni Jillian. Nagulat naman si froiland at agad na itinaas ang dalawang kamay.
"Ganyan ka ba makipag usap sa bisita?" Malamig na boses mula sa likuran namin ang nagsalita kaya agad kaming napa lingon.
Zeus Marquez.
Kasing tangkad lang niya si Jillian pero mas mukha itong mabait. Pero hindi talaga siya mabait sa tingin ko. Hindi ko rin kasi siya nakakausap.
"Dun muna kayo sa kwarto mo Jillian ay may pinag uusapan pa kami." Dagdag niya at nilampasan na niya kaming tatlo.
Habang paakyat kami sa hagdanan ay dun ko lang napansin na nandun pala si Arianna at Jessica sa malaking sofa. Mga Crush ko to dati e Hahaha
"Hoy! tara na tumitingin ka pa e!" Hinablot na ni vincent ang kwelyo ng damit ko.
Pagkapasok namin sa kwarto ni Jillian ay agad niya akong hinamon na mag laro ng tekken. Habang si Vincent naman ay naka higa lang sa kama at nag lalaro ng mobile legends.
"Ang weweirdo ng mga kaibigan ng kuya mo e no?" Agad kaming napatingin kay Vincent. Bigla nalang kasi siyang nagsalita. Hindi na pala siya nag lalaro at naka tingin nalang sa kisame habang nakahiga.
Nagkatinginan kami ni Jillian. Minsan talaga weirdo rin tong si Vincent e.
"Ha? Ba't mo naman nasabi?" Natatakang tanong ni Jillian. Napaisip rin ako. Medyo mabigat yung awra kanina nung pumasok kami.
Ano namang konek? Mabigat naman talaga pakiramdam ko kanina pa kasi ayokong umuwi. Tong si Vincent talaga nakakahawa.
"Hindi ko masabi tol e, pero parang may Iba." Nagtatakang sagot niya.
"Kaka selpon mo yan!" Nababagot na sagot ni Jillian.
"Tsk! bahala ka nga" Sagot naman ni Vincent at agad na kinuha ang cellphone.
Masyado na kaming nalibang sa pag lalaro ng kung anu ano kaya napag desisyonan na naming mag sleep over sa bahay nina Jillian dahil malalim na ang gabi at nakakatamad ng lumabas. Pinahiram niya nalang kami ng shorts ang tshirt.
tok tok tok.
"Sino yan?" Si Jillian
"Zeus."
Agad kaming napa ayos ng upo ni Vincent at parehong naka tingin sa pintuan. Pa dabog namang tumayo si Jillian sa kama at naglakad papuntang pintuan. "Hays distorbo." Mahinang sambit niya.
"Anong kailangan mo."
"Kayong tatlo." Sagot ni zeus. Sabay turo sa direksyon namin.
Kahit di ko tinitingnan si Vincent ay alam kong nagulat din siya. Ngayon ko masasabing parang may kakaiba nga.
Anong kailangan niya?