"Ashia! Miss me?" My forehead creased when someone hugged me from behind.
Nakahawak pa rin ako sa yellow pad paper na may lamang essay ni Venice. We're still outside the church. Venice was just smiling at me... but then, there's Shiela who interrupted us. There's Shiela who interacted with me again for the very first time after a month of being so distant to me.
I immediately removed her hands away from me because it's irritating me. Ayaw ko ng ganito. 'Yong aaktong parang normal na para bang walang nangyaring hindi pagpapansinan.
"No, I don't miss you at all," I coldly said before turning my back at her to finally enter the church.
I don't want to sugarcoat my words because that's the truth. There's nothing I can filter for the truth.
Hindi pa masiyadong marami ang tao dahil wala pa namang ala una. Pabor din sa 'kin 'to dahil ayaw ko talagang naglalakad sa loob na maraming nakatingin. Ganoon kasi halos kapag maraming mas nauna. Hindi pa nagsisimula dahil wala pa ang iba.
"Bakit, Ashia? Ano bang nagawa ko?" ma-dramang tanong ni Shiela na mas lalong nagpakunot ng noo ko.
Really? I'm sorry, Lord, but I want to call her stupid. Pinansin niya ako ngayon dahil wala pa ang ibang kaibigan niya ngayon sa Youth Ministry.
I immediately sat on one of the long chairs in the church on the second row where the other youth servants were sitting while having a conversation to each other.
Naramdaman ko ang dalawang presensiyang umupo sa tabi ko. Si Venice na nakatingin nang masama kay Shiela na nasa kanang tabi ko at si Shiela na nakangusong napatingin sa 'kin. Mas lalo lang sumama ang timpla ng mukha ko.
"Really, Shiela? After a month of being so distant to me, you are asking that?" walang emosyon kong turan habang ang mga mata ay nasa harapan lang.
"Oo nga naman, Shiela! Kapal naman ng mukha mo!" sabat ni Venice.
"Sino ka naman? Bagong kaibigan ni Ashia? Ay oo kilala nga pala kita. Oh, ang cheap naman pala ng taste mo, Ashia."
There she is, showing her true colors. Alam kong ganiyan talaga ang tunay na ugali niya dahil inoobserbahan ko 'yon noon pa.
"Anong cheap? Alam mo, Shiela, umalis ka nga rito. Nandidilim paningin ko sa 'yo."
"Ikaw ang umalis. You don't own the church kaya bakit mo ako pinapaalis?"
"Dahil epal ka! Ilang linggong nananahimik si Ashia tapos ngayon manggugulo ka ulit? Tatanungin ano bang nagawa mo? Alam mo, ang tanga mo literal."
Halos magsigawan na silang dalawa sa harapan ko kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
"Enough. You are both stupid so no need to have a nonsense argument in front of me. Nasa loob kayo ng simbahan pero ganiyan ang asal n'yong dalawa? Please know the word 'respect'."
Pareho silang natahimik at natigilang dalawa lalo na noong umalis ako sa harapan nila. Kaya ayaw kong makipag-socialize eh, sakit lang sa ulo.
Umupo ako sa unahan kung saan nandoon din ang ibang youth pero umupo ako sa isang mahabang upuan na may dalawang lalaking mahinang nag-uusap at nagtatawanan. Hindi naman siguro nakamamatay kapag minsanan akong umupo na may kasama sa ibang upuan.
At least they don't know me. Hindi katulad ng dalawang babaeng halos magpatayan na sa harap ko. Nakakairita. Napapikit na lang ako sa inis at taimtim na nagdadasal.
"Dude, kilala mo 'yong chinitang babae na parang istrikta na may maikling buhok? Taga ibang Baranggay ata 'yon. Ganda no'n."
"Kilala ko, Ivan. Ayaw ko siyang ipakilala sa 'yo dahil 'di naman masiyadong nakikipag-usap 'yon kaya 'wag na lang."
"Bakit ba? Sabihin mo oh kung anong pangalan. Type ko kasi 'yong si istrikta at tahimik. Gusto ko ng challenge at ganda rin alagaan."
"Manahimik ka, Ivan... 'Wag nga!"
Napakunot na naman ang noo ko nang marinig ang pag-uusap ng dalawang lalaki na kasama ko sa mahabang upuang inuupuan ko. Nasa gitna silang dalawa kaya naririnig ko talaga kahit pa medyo nagbubulungan na lang sila.
Pamilyar ang boses ng huling nagsalita, sa tono ng huling salita niya ay parang naiinis siya. Out of curiosity, I glanced at them with no trace of emotion on my face.
Pareho silang nagulat at natigil sa pagsasalita. I realized that I was right. The guy who mentioned the name 'Ivan' is no other than Caleb. His eyes widened in shock but afterwards, he smiled. He's really crazy.
"N-Narinig mo ang pag-uusap namin?" nauutal na tanong ni Ivan at kita ko ang dahan-dahan nitong paglunok.
Based on his astonished reaction, I concluded that I am the girl he's pertaining earlier. It was really nothing to me. Sanay na rin naman ako.
I nodded without giving any interest. Ibinaling ko ulit ang aking ulo sa harapan at tiningnan ang malawak na altar.
Nandoon ang imahe ni Santo Niño, sa harapan ng mimisahan ng pari ay nandoon ang isang may kalakihang imahe ni Kristo na ginagamit every year for the mass of holy week na kung saan hinahalikan ito isa-isa ng mga tao.
"Galit ka?"
"Hindi," tipid na sagot ko kay Ivan. Ano naman ang ikagagalit ko, 'di ba? Basta 'wag niya lang akong guluhin, that's not fine. "Just don't bug me."
I saw his reaction saddened. Ilang dipa lang ang layo namin. Ang nasa kanan niya ay si Caleb na sinasamaan ng tingin si Ivan nang palihim.
"Bakit naman?"
Hindi ko na siya pinansin. It's a waste of time. Sana hindi na lang ako umupo sa upuang may ibang tao. Hindi ko alam kung nasaan na ba sila Shiela at Venice. Bahala silang mag-rambulan basta 'wag lang sa harapan ko at dito sa loob ng simbahan. Hindi nakakatuwa.
"Ivan, tumigil ka na nga. Respetuhin mo na lang." Narinig kong sabi ni Caleb kaya napalingon ako. Our eyes met which made something in me skipped a beat. My forehead creased. What was that?
"Ashia! Ba't mo naman ako iniwan kay bruhang Shiela!" Nakaramdam ulit ako ng pagkairita nang makitang tumabi sa akin si Venice.
"Ayaw kong nakakakita ng nag-aaway at nagsasagutan sa loob ng simbahan, Venice. The answer is too obvious," walang reaksiyon kong sagot.
"Sorry na, Shia... Shia, naman, sorry na! First day of friendship natin today tapos galit ka sa 'kin..." Nag-puppy eyes pa siya habang niyayakap ako patagilid.
She's annoying but knowing that she made an effort to befriend me touched my heart so I closed my eyes intently.
Inis pa rin ako sa kaniya dahil sa sagutan nila ni Shiela pero naisip kong umaayon lang siya sa 'kin kanina kaya siya sumagot... but still, I don't agree to her way of agreeing me, however, it was all done, so...
"It's fine. No need to hug me this... tight," sabi ko at inalis na ang mga kamay niya sa katawan ko because she accidentally touched my chest.
"Talaga? Okay na tayo?" Tumango lang ako sa kaniya. Nagliwanag ang mukha niya at ngiting-ngiti, at hindi ko alam... nahawa ako.
My lips curved for a smile at nilingon agad si Venice na may kinukuha sa bag kaya hindi niya nakita pero natapat ang tingin ko sa inosenteng nakatitig na si Caleb sa akin. Ang mas ikinagulat ko pa ay tinatapat niya ang hawak na phone at agad akong p-in-icture-ran na may kurba pa rin akong kaunti sa labi.
My small smile faded in exchange of glaring him right away. He just chuckled. Wala na si Ivan sa tabi niya kanina pa dahil umalis.
He just took a photo of me smiling! Naging masama ulit ang timpla ng mukha ko. How dare he? Sarap niyang tadyakan.
If he wouldn't listen to me, I will really use my skills in martial arts. My father taught me since I was eleven so I know how to defend myself or I know how to kick someone that is annoying and wouldn't listen to me.
Ilang sandali pa'y may iba pang mga youth sa simbahan na dumating. Prente lang na nakaupo at kung nakikipag-usap man ay bulungan lang. I'm glad that we are this disciplined.
"Ashia, nand'yan na ang crush ko! So, sign na na magsisimula na tayo, ack!" kinikilig na bulong sa 'kin ni Venice kaya inilayo ko agad ang tenga ko sa kaniya dahil kahit bulong lang 'yon ay para akong nabibingi.
Nakangiti lang siyang nag-peace sign. I hope she will build a lot of patience to be with me.
Napatingin ako sa bagong dumating na lalaki na tinutukoy ni Venice. He is the strict youth leader in our Youth group in the whole Parish. I once heard him saying that he is 19 years old. He always wears eyeglasses.
Hindi na ganoon karami ang um-attend na youth ngayon hindi katulad noong team building.
"Good afternoon, everyone. So here we are to have sharings again, another BEC. After the prayer, we will tackle about the different Bible verses in the Bible and you can share your insight or saying about it. Ang purpose sa notebook at ballpen na pinadala namin sa inyo ay you can write down anything about our communication later... So, let's start now the prayer," mahabang announcement ng youth leader. His name is Aiden.
Tumango kaming lahat at agad nang lumuhod para sa prayer. Venice requested na magpalit daw kaming dalawa ng puwesto sa upuan. Gusto niya raw sa gilid. Wala naman akong reklamo kaya pumayag ako.
Halos magkatabi na kami ni Caleb dahil nasa gitna pa rin siya ng upuan. Nakabalik na rin si Ivan sa tabi niya.
May iba pang youth na umupo sa upuang inuupuan namin kaya naman napausog si Caleb at 'di sinasadyang nasagi ang balikat ko kaya inis ko siyang nilingon.
The prayer already started but I can't focus. Nginititan lang ako ni Caleb and he mouthed 'sorry'.
After the prayer, Kuya Aiden led the sharing of Bible verses. Sunod-sunod ding nagtaas ng kamay ang mga youth to share their insights about the verse he said. Isa ako sa mga 'yon kaya naiilang ako dahil halos lahat ng youth ay eager sa sasabihin ko. My insight was long. My heart warmed when I saw their smiles at me, in return, I also gave a small smile. Kapag tungkol talaga sa Panginoon at sa mga salita niya ang pag-uusapan ay napapangiti ako.
For the first time, my heart warmed as well when I saw Caleb's wide smile and I know that genuine smile for sure as well. Pinasadahan niya ng kaniyang kamay ang buhok niyang medyo natatabunan ng kilay niya habang nakangiti pa rin sa 'kin. Napaiwas ako ng tingin at agaran nang umupo.
"Galing naman ng bestie ko," nakangiting sabi ni Venice at ikinabit ang braso niya sa braso ko.
"Okay, I will group you into six now, every group should consist at least six members. Vertical way or column ang start ng counting. Let's start with you, Mister Rozen," saad ulit ni Kuya Aiden.
The guy he mentioned started with number one, sumunod naman ang ka-column niya. Nagpatuloy ang counting at napunta ako sa group six, ganoon din si Venice na halos yakapin ako sa sobrang tuwa dahil magkasama kami sa grupo for sharing ng personal experience.
By column kasi ang counting kaya nagka-posibilidad talagang magka-grupo kami ni Venice kahit magkatabi kami dahil hindi horizontally ang counting.
I'm not ready for this one... I'm not ready to share my personal experience na alam kong... painful experience. May ganito rin last year pero hindi ako sumasali sa ganito dahil hindi ako ready. I'm not comfortable sharing my painful experience at home.
"Pumunta na kayo sa mga ka-groupmate n'yo then form a circle on the place that you are comfortable."
Kahit man kinakabahan dahil first time kong sumali sa ganito ay sumama ako kay Venice para hanapin ang mga ka-grupo namin. Medyo nag-ingay at nagkagulo rin ang ibang youth sa paghahanap ng kani-kanilang grupo kaya agad silang sinaway ni Kuya Aiden na nandoon pa rin sa mic stand.
"Sana lima lang tayo para sa atin gu-grupo si Mr. Youth leader." Venice chuckled after saying those words of her. Tiningnan ko lang siya at kinunotan ng noo.
Nagkatotoo nga ang hiling ni Venice dahil lima nga lang kami kaya kulang ng isa. Dagdag pa ni Kuya Aiden kanina na kung anong group number daw ang kulang ng isa ay doon siya sasali.
Perhaps he will be added here in group six. Isa rin si Caleb sa grupo. His hands are inside his pocket while looking at me again with his innocent eyes.
Bakit ba ito 'laging nakatitig sa 'kin? Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil may atraso pa siya sa akin.
"Hi! I'm Venice Gonzales! Ekis na lang muna sa first name dahil ang badoy. Just call me Venice. Ano names n'yo? Kilala ko na itong si Caleb pero kayong dalawa hindi pa." Venice approached them right away with her wide smile.
May isang babae at isang lalaki pa kaming ka-group. Sumunod lang ako sa likod ni Venice at tiningnan lang sila. Ako na lang talaga ang nahihiya sa kadaldalan ni Venice but I can say that she's perfect for the Youth Ministry because she's sociable and friendly, unlike me.
"Hello, I'm Pearl Angelie Ferrari... Kayo?" The girl smiled shyly lalo na noong binalingan kami nito ng tingin. What I first noticed in her is her straight brown hair that looks natural. Ang isang lalaki naming ka-grupo ay kanina pa palihim na nakatingin sa kaniya.
"Nathaniel Romano," the guy stated. He's familiar to me. Oh, I remember that he's one of the three altar servers na palaging sinasama ni father tuwing linggo kapag may misa sa iba't-ibang chapel including our Chapel.
Nagpakilala na rin ako. Halos magkasabay pa kaming nagsalita ni Caleb pero pinauna niya ako kaya nagkatinginan ulit kaming dalawa.
My forehead creased when I saw Venice laughing at me while whispering to Pearl's ear. Feeling close talaga! Napangiti na lang din si Pearl kaya alam kong komportable siya kay Venice.
Ilang sandali pa'y nag-form na rin kami ng circle na may kandila sa center. Naiinis pa ako dahil katabi ko na naman sa kanan si Caleb na ngumingiting nakikipag-usap kay Nathaniel pero paminsan-minsa'y sinusulyapan ako.
Si Venice naman ay pareho kaming dinadaldal ni Pearl. Tahimik lang din si Pearl gaya ko pero ngumingiti naman siyang nakikisabay kay Venice.
"So, let's start. The question for you to answer through sharing it to each other is... Anong karanasan n'yo sa buhay na naging dahilan para muntikan nang mawala o maputol ang inyong pananampalataya sa Panginoon?" Sa sinabing iyon ni Kuya Aiden ay bigla akong natigilan.
May maisasagot ako... pero hindi ko alam kung paano sambitin.
"Okay, so, let's start. Since ang grupo n'yo naman ang lima lang, dito ako sasali sa sharing."
Napatigil lang sila Caleb nang sumali na si Kuya Aiden sa circle namin. Ikinagulat 'yon ni Venice dahil bigla itong tumabi sa kaniya, sa kaliwa niya. Her round monolid eyes widened and then she gazed at me.
"H-Hi, Kuya Aiden."
Kuya Aiden looked at her and then he nodded and smiled afterwards bago ulit kami tingnan isa-isa.
"Sino ang mauuna?"
At dahil walang nagtaas ng kamay sa kanila, ako ang nagtaas ng kamay dahil gusto ko na agad matapos ang sa akin. I don't want to be the last.
"Okay, Miss Ashia... go ahead," nakangiting aniya.
Pressure filled inside me when they looked at me in unison as if they are so eager to know my experience dahil hindi talaga ako palakibo. I closed my eyes as I recalled a memory mula nang mamulat ako sa mundo.
It was so painful that something in me has the urge to cry... pero ayoko. Ayokong may nakakakita sa aking umiiyak. Lord, please help me not to burst out into tears.
"At a young age, namulat na ako sa mundo. I realized my reality that I have a cruel mother, an unlovable mother to her daughter... In my sixteen years of existence, I didn't experience being taken care by her, being loved by ber... Hindi ko naramdaman ang pagmamahal na inaasam-asam ko galing sa isang ina..." Nakatitig lang ako sa isang kandila sa gitna nang simulan ko ang pagsasalita.
They were so eager but I didn't take a glance at them because I am too shy. Naramdaman ko ang paghawak ni Venice sa balikat ko.
"Kaya mula nang araw na matanto ko 'yon ay naging bato na ang puso. I remember one time in my room, I cried so much and I screamed... I... I blamed God for giving me a mother like her. Sa araw na iyon ay sinabi ko sa sarili kong wala naman ata talagang Diyos. I prayed in myriad times na sana baguhin na ni mama ang trato niya sa akin at maging pantay na ang tingin niya sa akin at ng kapatid ko pero walang nangyari that's why I blamed Him. I felt so unloved, I felt so useless... pero natanto ko rin naman kalaunan na hindi dapat sisihin ang Diyos..." I swallow the lump on my throat.
"I said sorry to Him... because I realized that I am still lucky that I have a loving father that is far different from my mother. Hindi pala ganoon kadamot sa akin ang mundo. And that's how I joined Youth Ministry, that's how I became a youth servant."
I didn't cry. I just hold back my tears and I thanked God for that.
It was overwhelming. It seems like a burden that has been carried by my heart was suddenly gone because my reason for being so cold hearted one has been revealed. Even if it's not in front of everyone, I am contented to share it with the five of them.
They all smiled. Especially Caleb who's now looking at me so close with a smile on his face.
"If you feel so useless, remember the verse, Ephesians 2:10. You are made for a purpose. For we are God's handiwork, created in Christ Jesus to do good works, which God prepared in advance for us to do."
My heart skipped a beat when Caleb said those words sincerely while smiling when our faces are so close because we glanced at each other in unison. I looked away and just nodded at him.
Nagpatuloy ang sharings. Ang iba ay napaiyak. I handed a handkerchief to Venice when she cried. Caleb also cried... broken family pala sila. He's only living with his mother because his father left them.
Alas singko ng hapon nang matapos kaming lahat. Karamihan ay nagpupunas ng luha dahil sa sharing. Isinukbit ko agad ang backpack ko nang matapos.
"Venice, mauna ka na. May kailangan pa akong gawin," sabi ko kay Venice nang ngiti-ngiti niya akong inakbayan.
She pouted.
"Bakit naman, Shia? Ayaw mo akong kasabay? Kakatampo naman."
My forehead creased. "Don't think beyond the lines. May kailangan nga lang gawin. Babawi ako. You are now my friend, so..."
Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa at lumundag-lundag pa. Nasa simbahan pa kami kaya agad ko siyang pinahinto.
"Talaga?"
"Oo nga. Sige na, mauna ka na."
Her smile was wide as she bid farewell to me. I just nodded at her.
Napalingon ulit ako sa kung nasaan si Caleb kanina. It's not what you think. I want him to delete my smiling picture. Baka i-post niya pa sa social media o ano. That would be my death.
Kaunti na lang ang nasa loob na youth dahil nakauwi na ang iba. Wala na si Caleb sa kinatatayuan niya kanina kaya naman nairita na naman ako dahil hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Paikot-ikot ako sa loob ng simbahan but there's no trace of him anymore. Napapikit na lang ako sa inis.
An idea came up on my mind when I saw the starting point of the stair towards the rooftop. I just found myself walking on the stairs to be there.
Bago ko maabot ang rooftop ay napahinto pa ako sa puwesto ng mga choirs sa tuwing kumakanta sila. There were a lot of musical instruments that were perfectly aligned including my favorite instrument... piano. I was about to go near it because I want to play it, but I halted when someone spoke.
"Pangalawang litrato para sa isang binibining nakangiti."
I glared at Caleb who's now smiling again while holding his phone.
"You're annoying. Delete those pictures of mine!" My voice was serene but I was dead serious. Mas lalo akong nainis nang ngumiti lang siya.
"Ayaw ko. You are more beautiful when you smile."
Hindi ako natinag sa compliment niya. I don't need a compliment. I need him to delete my pictures. Agaran akong lumapit sa kaniya at pilit na inaagaw ang phone niyang tinataas niya habang tinatawanan lang ako.
He's so tall at hanggang balikat lang niya ako kaya hindi ko naaabot pero hindi ako sumuko. But it was a wrong move dahil ang lapit-lapit na ng mga mukha namin kaya agaran ko siyang tinulak. I'm just glaring at him.
"Please, I'm begging, Caleb. Delete it." It was my first time begging a person.
Napaatras ako nang dahan-dahan siyang umatras papalapit sa 'kin pero nagtira siya ng espasyo sa gitna naming dalawa. I just looked at him with my emotionless face.
Hinarap niya sa 'kin ang phone at pinakitang d-in-elete niya ang dalawang pictures. I sighed in relief.
He smiled apologetically.
"I'm sorry... I know it was wrong to take a photo of a person without consent from them that's why I'm sorry, Julienne... G-Gusto ko lang talagang makita kahit saglit ang ngiti mo sa picture."
"I am respecting you, so... before you even ask me to delete it, I already made a decision. Hindi na mauulit..." He sincerely smiled.