Last Chapter "Naalala mo ba 'yon? It's clear now! Palagi akong ginugulo ng senaryong 'yon na hindi klaro sa isipan ko pero ngayo'y malinaw na sa 'kin, Casper. 'Yong aampunin sana nating bata na nasa labas ng simbahan, umiiyak habang buhat mo si Caleb... Buhat ko na 'yong bata pero dumating si... Albert, ang kapatid mo!" Narinig ko ang boses ni Mama nang makauwi ako galing sa bar. Hindi muna ako pumasok at nakinig sa usapan nila sa sala. Nakita ko kung paano biglang parang nagkaroon ng ideya si Papa bago tumango. "Oo, unti-unti naalala ko na. Matagal na 'yon at ngayon ko lang naalala ang lahat. Si Albert 'yon?" Mama nodded. "Oo... Nagtataka lang ako ngayon, ngayon ko pa lang 'to naisip at hindi noon... if that child was really his... Why was Lucie not there? Halatang kapapanganak pa la

