“Galit ka ba?” tanong niya sa binata nang makita niya itong nakatayo sa harap ng pool. Kanina pa niya ito gustong lapitan pero natatakot s’yang mapagalitan na naman nito. Hanggang ngayon kasi nasa isip pa’rin niya ang galit sa mata nito kanina nang lumabas ito sa kwarto niya. Naabala niya ang pag-idlip nito oo, pero hindi niya maunawaan kung bakit ga’non ito kagalit sa ka’nya. “Sorry S-sir, hindi ko naman sinasad---” “It wasn’t your fault, Celestine, stop saying sorry,” ani nito pagkatapos magpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Pero galit ka pa’rin,” mahinang sabi niya. Mabigat sa loob niya na alam niyang galit ito sa ka’nya. At hindi niya iyon maintindihan. Basta ang alam lang niya mabigat sa loob na hindi siya nito kinakausap pagkatapos ng paglayas nito sa loob ng kwarto ni

