Chapter 4

1688 Words
LIESELOTTE DALAWANG araw na ang lumipas nang huli kong makita ang binata na nahuli kong binubuksan ang gate. Hindi na rin ako nagtangkang magtanong kay Sir Caius kung saan nila dinala ang bata dahil baka mamaya ay ako naman ang biglang mawala. Nagtataka na tuloy ako kung ano ba talaga ang trabaho niya dahil mukhang hindi lang siya basta online seller. Napabuntong-hininga na lang ako at nang akmang papasok ng kusina ay may narinig akong malakas na pagbagsak mula sa kwarto ni Sir Caius. Kumunot ang noo ko at akmang babaliwalain iyon nang tila may kung ano sa isip ko ang nag-uudyok na puntahan ko siya at i-check kung ano ang nangyari. Napakamot ako sa batok at nagdesisyon na umakyat at nang marating ko ang kwarto ay kumatok ako nang ilang beses. “Sir? Sir Caius? Okay lang po ba kayo?” tanong ko pero wala akong ibang naririnig maliban sa daing na tila ba nahihirapan. Huminga muna ako nang malalim at dahan-dahan na binuksan ang pinto. Nanlalaki ang mata ko nang makita ang boss kong nasa loob ng banyo ang itaas na bahagi ng katawan samantalang na sa labas ang ibaba. Nagmamadali akong lumapit sa kaniya at hindi ko ko alam kung saan ko siya hahawakan dahil bukod sa baka bigla niya akong bigwasan ay wala rin siyang sout na pang-itaas. Kitang-kita ko tuloy ang mga masels niya sa likod pati na rin ang pilat na hindi nakakabawas ng kakisigan niya. Ilang babae na kaya nadali nito? Nanlaki ang mata ko at nasampal ang aking sarili upang makabalik sa huwesiyo. Nang akmang hahawakan ko siya ulit ay bigla kong iniwas ang kamay ko dahil parang gumalaw ang mga masels niya. Shet! Kumibot! “Sir, naman! Kung gusto niyo po mag-swimming, huwag naman po dito sa banyo. Mamatay po kayo sa ginagawa niyo eh!” naiinis na saad ko at tumayo nang tuwid saka nameywang. Inilibot ko ang mata ko at napahinto iyon sa side table kung saan nakapatong ang bote ng alak na kalahati na. Mukhang naglasing ang baliw na boss ko. Napabuntong-hininga ako at inayos muna ang kaniyang higaan bago bumalik sa kaniya at kahit hirap na hirap siyang buhatin ay nagawa ko siyang ibalik sa kanyang wheelchair. Napasinghap ako nang makita ang nagdudugo niyang ulo na marahil ay tumama sa kung saan. “Ay, shet! May dugo!” sigaw ko at nagkukumahog na kinuha ang puting face towel na nakasabit sa balikat ko at itinapal sa kaniyang ulo. “G-get out!” sigaw niya at itinulak ako. “P’wede naman akong lumabas, Boss amo, kaso nga parte ng trabaho ko ang alagaan din kayo,” sagot ko at akmang hahawakan siyang muli ngunit agad niya akong tinitigan nang matalim. “Y-You’re not a-allowed here—“ “Sir Caius!” sigaw ko dahilan para mapaatras ang ulo niya at magsalubong ang kaniyang kilay. “Kung hindi ako pumasok at hinayaan lang kitang nakadapa sa cr ay baka isang patak na lang matira sa dugo mo. At saka kapag namatay ka, mawawalan ako ng trabaho—“ “Enough,” pigil niya at nag-iwas ng tingin. Natigilan naman ako dahil mukhang nasobrahan na naman ang bibig ko sa kakasalita. Napapailing akong inilapit siya sa kaniyang kama at tinulungan siyang mahiga. Halos mahimatay ako nang makita ang katawan niya nang maayos. Kung ang likod ay may nagkikibutang masels ang dibdib naman niya ay parang matitigas na pader na kapag inuntog yung ulo ko baka mauna pa ako sa langit. Napalunok ako ng laway dahil nanunuyo ang lalamunan ko nang dumako ang mata ko sa kaniyang anim na pandesal pababa sa umbok sa pagitan ng kaniyang hita na natatabunan ng pantalon. Napa-sign of the cross ako nang wala sa sa oras dahil magkakasala ata ang mga mata ko. “Hoy, babae. Huwag mong titigan ‘yan,” ani ni Sir Caius dahilan para kumalat ang pula sa aking pisngi. “H-Hindi ah!” “Yeah, whatever,” aniya at tinuro ang banyo. “Nasa banyo ang first aid kit.” Napanguso ako at tumayo saka dumiretso sa banyo. Hindi ko mapigilan ang mapahanga dahil sa laki ng loob. May bathtub at full sized mirror sa harap ng shower area. Kailangan bang panoorin ang sarili habang naliligo? Napapailing akong kinuha ang first aid kit sa isang drawer at lumabas na. Naabutan ko naman si Sir Caius na nakapikit habang hawak ang dumudugong ulo. Aminado akong may itsura si Sir, ay hindi, gwapo si Sir. Kung hindi lang dahil sa mahabang buhok, bigote at balbas niya ay hindi malabong maging crush ko si Sir. Napapailing akong lumapit sa bahagi kung saan ang kaniyang sugat at inalis ang kaniyang kamay at ang towel na may dugo. Nang magmulat siya ay hindi sinasadyang magtama ang mga mata naming dahilan para biglang sumikdo ang dibdib ko na para bang bigla akong nakaramdam na nasususka ako. Tumikhim ako at mabilis na nag-iwas ng tingin saka ibinaling ang mga mata sa sugat niya sa ulo. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko si Sir Caius na sinusundan ng tingin ang bawat galaw ko. “Sir, first aid lang ‘to pero tatawag ako ng doctor—“ “Ako na ang bahala. Just treat my f*****g wound, Lieselotte,” masungit niyang sabi at muling pumikit. Napanguso ako at nang dampian ko iyon ng cotton balls na may alcohol para linisin ay napangiwi siya sa hapdi. Mabilis ko naming inilapit ang aking bibig sa kaniyang sugat at hinipan ito. Naglaho ang pag-ngiwi niya at kumalma ang reaksyon ng kaniyang mukha. Maya-maya lang nang matapos ako ay narinig ko na ang malalim niyang paghinga. “Sir?” tawag ko at dinutdot ang kaniyang pisngi. “Sir Caius, tulog kana ba?” Hindi na siya sumagot kaya nagkibit-balikat nalang ako at akmang tatayo nang bigla niya akong pigilin sa braso dahilan para kumabog nang malakas ang aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan. Nang subukan kong alisin ang kamay ko ay humigpit lang ang kaniyang hawak kaya napaupo na lang ako at napabuntong-hininga. Napapailing akong inayos na lamang ang kaniyang kumot habang nakahawak pa rin siya sa braso ko. Nang maayos ang kumot niya at matakpan ang kaniyang kahubdan ay napatitig ako sa kaniyang mukha. Lakas loob kong hinawi ang buhok na nakatabon sa kaniyang mukha at hindi ko mapigilan ang pamulahan ng pisngi nang dumako ang mga mata ko sa nakaawang niyang labi. Sunod-sunod akong napailing at ibinalik ang buhok niya sa kaniyang mukha at umupo na lang sa gilid. At dahil hindi naman ako makaalis sa pagkakawak ni Sir Caius at inilibot ko muli ang mga mata ko sa kabuuan ng kaniyang kwarto. Wala na roon ang malalaking screen at keyboard na unang nakita ko dati. Mukha na itong simpleng kwarto. “Hmm,” daing ni Sir Caius na agad kong tiningnan ang mukha. Ngunit hindi siya nagmulat ng mata at hinila ang kamay ko dahilan para mapadapa ako sa kaniyang ibabaw. “S-Sir Caius?” tanong ko at bahagyang gumalaw ngunit pumalibot lang ang isa niyang kamay sa aking bewang. Rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng aking dibdib dahil sa posisyon na ito. Pero dahil hindi ako komportable ay malakas akong kumala sa mga bisig niya dahilan para hindi ko sinasadyang masuntok siya sa pisngi. Napaigik siya at nanlalaki ang mga mata na nagmulat. Nagkukumahog naman akong umalis sa ibabaw niya at bahagyang lumayo. “What the f**k are you doing here?!” tanong niya na para bang wala siyang maalala sa kaniyang mga ginawa. Nanginginig ang kamay ko at mukhang napansin iyon ni Sir Caius dahil nagbago ang ekpresyon ng kaniyang mukha. Mabilis kong itinago sa aking likuran ang mga kamay ko at nagmamadaling lumabas ng kaniyang kwarto. Nang maisara ko ang pinto ay napasandal ako roon at kinapa ang dibdib kong wala paring tigil sa pagkabog. “Jusko po, Lieselotte! Ano bang nangyayari sa ‘yo!” kastigo ko sa aking sarili at sinabutan ang sariling buhok dahil sa inis. Bumaba na lang ako sa kusina para magluto ng hapunan at dahil wala naman akong alam sa pagluluto ay naghanap na lang ako sa internet ng recipe. Ngunit nakakailang oras na ako sa harap ng lutuan ay wala pa akong nasisimulan ni isa sa mga na-search kong recipe. Pabagsak akong naupo at bumaling ang tingin sa wall clock. Dalawang oras na simula nang lumabas ako ng kwarto ni Sir Caius. Kumusta na kaya siya? Napailing ako sa mga naiisip ko at nang akmang magluluto na lang ay tumunog naman ang doorbell sa labas. Kumunot ang noo ko at tumungo roon. Naabutan ko ay isang magandang babae na hula ko ay mas matanda lang sa akin ng ilang taon. Maputi ito at matangkad saka mukhang mamahalin rin ang mga sout. May bitbit itong briefcase. “Ano pong sadya nila?” magalang kong tanong. “Don’t ask, just let me in,” mataray na sagot nito sa akin. Nagtaas naman ako ng kilay at humalukipkip. Hindi porke’t mas mukhang mayaman ang nasa harapan ay kailangan sila na ang nasusunod. Aba, hindi uubra sa akin ang paganiyan-ganiyan niya. “Hindi ka p’wede pumasok hangga’t hindi mo sinasabi ang sadya mo,” sagot ko at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Bumuntong-hininga lang siya at kinuha ang kaniyang cellphone at nagtipa saka iniharap sa akin. “Where are you, Dana?” tanong na paniguradong galing kay Sir Caius. “I’m outside. Ayaw akong papasukin ng yaya mo,” saad naman ng babae at nagtaas ng kilay. “Let her in, Lieselotte. She’s a doctor.” Nanlaki ang mata ko at binuksan nang malaki ang gate at nakangiting iminuwestra ang kamay papasok. Napapailing siyang pumasok at basta na lang ibinigay sa akin ang briefcase na hawak niya. Nakasunod ako sa kaniya hanggang marating naming ang kwarto ni Sir Caius. Muli na naming kumabog ang dibdib ko nang maalala ang nangyari kanina. Ngunit nang magkaharap ang dalawa ay hindi ko inaasahan ang paghalik ng babae sa pisngi ni Sir Caius. Mabilis kong inilapag ang briefcase at isinara ang pinto saka tumalikod. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ng aking dibdib. Inis? Bakit ako naiinis?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD