LIESELOTTE
HINDI ko maalis ang tingin ko sa lamesa kung saan nakalatag ang pera na ibinigay sa akin ni Boss Caius. Iyon ang paunang bayad nila sa akin bilang pagpayag ko na maging kasambahay niya. Napalunok ako ng laway at dinampot ang isang libo at pinitik-pitik iyon na para bang sinisuguro kong totoo at hindi peke. Nang masiguro kong totoo iyon ay ibinalik ko iyon isa-isa sa sobre at inilagay sa aking bulsa.
Nakangiti akong napatingin kay Boss Caius ngunit nabura ang kurba sa labi ko nang makita ang tingin niya sa akin. Mga mapanghusgang tingin na lagi kong natatanggap sa t’wing nakikita akong tumatanggap ng pera na para bang doon umiikot ang mundo ko. Ibinalik ko ang aking ngiti at lumapit sa kaniya.
“Maraming salamat, Sir Caius,” saad ko at naglahad ng kamay, “napakalaking bagay na po nito sa akin—“
“Mukha nga,” aniya at tinitigan lang ang kamay ko saka napapailing na inikot ang wheelchair. “Money indeed makes people happy.” Pinagulong nito ang wheelchair papunta sa mini elevator saka walang lingon-likod na pinaakyat iyon.
Napalunok ako at huminga nang malalim saka sinamapal-sampal ang aking pisngi. Sanay na ako sa mga ganoong tingin sa akin ng mga tao pero bakit ganoon? Parang may kung ano sa mga tingin niya na naaapektuhan ako. Sunod-sunod akong napailing upang alisin ang anumang naiisip ko at dumiretso na sa aking kwarto saka ini-lock ang pinto. Hindi p’wedeng ma-distract ako ng kung ano-anong klase ng emosyon.
Mula sa ilalim ng kama ay hinugot ko ang isang hindi kalakihang bag at binuksan iyon saka inilagay ang perang nakuha ko. Napangiti ako nang makita ang libo-libong pera na nasa loob ng bag at huminga nang malalim. Hindi pa sapat iyon para ipakain sa mga taga-itaas upang mapilit kong buksan nila ang kaso ng aking pamilya.
“Kaunti na lang,” bulong ko sa sarili at napaigtad ng bigla na lang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nanlaki ang mata ko at nagmamadaling binalik iyon sa ilalim ng kama saka tumayo. Marahas akong huminga at binuksan ang pinto.
Kumunot ang noo ko nang makita si Boss Caius na nasa harapan ng aking pinto at nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung takot ba ako sa kaniya o kinakabahan ako dahil pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko na para bang lalabas na iyon sa dibdib ko.
“Give me your number,” anito na ikinakunot ng aking noo.
“Sir? Seryoso? Wala na ba kayong ibang ka-textmate? P’wede ko po kayong hanapan—“ Natigilan ako nang makita ang sama ng tingin ni Boss kaya napangiti na lang ako at mabilis na kinuha ang aking cellphone na basag-basag ang screen. “P’wede niyo ako i-text anytime, Sir. Kahit tulog ako at humihilik, magre-reply ako.”
Hinablot niya ang cellphone at nagtipa ng numero saka tinawagan. Kumunot ang noo niya at napatingin sa akin na puno ng pagtataka. Napangiwi ako at napakamot ng batok dahil sa hiya.
“Wala po akong load.”
“What?”
Mariin siyang pumikit at muling dumilat saka kinuha ang kaniyang cellphone na nagpa-awang ng aking bibig. Isa sa pinaka-latest na cellphone iyon kaya halos nahihiya akong hawakan iyon. Nang makuha ko iyon ay nagtipa lang ako ng numero ko at nang akmang ibibigay ko iyon sa kaniya ay bigla na siyang tumalikod at pinagulong ang kaniyang wheelchair.
“Sir!” sigaw ko at itinaas ang kaniyang cellphone. “Nakalimutan mo yung cellphone mo!”
“It’s yours.”
Nanlaki ang mata ko nang marinig iyon. “Weh?”
Hindi na niya sinagot iyon at pumasok na sa kaniyang kawarto. Malaki ang ngiti ko na pumasok ng kwarto at agad na binuksan ang cellphone. Napangiwi ako dahil walang kalaman-laman iyon, kahit man litrato o ibang numero. Mukha itong bagong bili—tama bagong bili nga ito. Napatayo ako nang may mapagtanto. May crush ba sa akin si, Sir? Sabagay, maganda naman kasi ako at saka mabait at matalino at seksi at—basta marami pa. Kaya posible talaga na magkagusto siya sa akin.
Hindi p’wede. Kailangan kong patayin ang pagkagusto ni Boss sa akin dahil wala akong panahon para sa mga walang kwentang bagay sa mundo katulad ng pag-ibig. Tumayo ako at lumabas ng kwarto saka naglakad papunta sa kaniyang pinto. Kumatok ako at nang buksan niya iyon ay agad kong inilahad ang cellphone na binigay niya.
“What’s that?”
“Cellphone,” mabilis kong sagot.
Umigting ang panga niya sa sagot ko. Taman naman sinabi ko, cellphone ang hawak ko. Hindi naman ito calculator o sandok—
“I know, woman. What I mean is, why are you giving that back?”
“Sir Caius, hindi ko po matatanggap iyang cellphone o kahit po ang pag-ibig ninyo sa akin—“
“Are you dumb?”
Natigilan ako sa sinabi niya. “May gusto po kayo sa akin ‘di ba—“
Napaigtad ako nang bigla nitong isara ang pinto nanag marahas. Kinagat ko nang mariin ang aking ibabang labi dahil sa sobrang hiya. Mali ata ako nang hinala? O nahihiya lang siya aminin? Bakit naman kasi ako bibigyan ng cellphone? O talagang mayaman lang siya?
Napapailing na lang ako at bumaba para pumunta sa kusina nang sa gayon ay makapaghanda ng pagkain ng boss ko. Nang makababa ay napatingin ako sa isang malaking bintana na kita ang gate. Napakunot ang noo ko nang may makita akong bulto ng tao sa labas na mukhang nagmamasid. Ang mas lalong naglalim ng kunot ng noo ko ay nang kumuha ito ng kung ano sa bulsa at pilit na binubuksan ang pinto.
Napakagat labi ako at napatingin sa nakasaradong pinto ni Sir Caius at sa lalaking nagpupumilit na makapasok sa gate. Mariin kong pinikit ang mata ko at nagdesisyon na tumakbo palabas ng pinto. Nakita kong nagulat ang lalaki at bigla na lang kumaripas ng tumakbo. Nanlaki ang mata ko nang makitang nagawa niyang buksa ang gate.
“Hoy!” sigaw ko at hinabol iyon. Pero dahil mabilis akong tumakbo ay naabutan ko ito at tinalunan sa likod. Sabay kaming nagpagulong-gulong at dahil nasa likuran niya ako ay nagawa ko siyang padapain at inupuan sa likod. Hinuli ko ang dalawa niyang braso saka inalis ang sout na sombrero.
“Pakiusap! Huwag mo akong isusumbong sa pulis!” pagmamakaawa nito.
“Alam kong mahirap ang buhay pero lumaban ka ng tama!” sigaw ko at hinigpitan ang hawak sa kaniyang kamay. Napaawang ang labi ko nang makitang binata pa ito na kung huhulaan ko ay minor de edad pa.
“Pakiusap po!” pagmamakaawa nito at humigpit ang hawak ko nang sinubukan niyang pumalag.
“Lies!”
Dumako ang mata ko sa kotse na nakahinto at bumaba mula doon si Sir Cascade. Umalis ako sa likod ng bata at si Sir Cascade na ang humawak dito. Pinatayo niya at hinawakan sa batok gamit ang isang kamay saka binulungan. Nakita kong namutla ang bata at napatingin sa akin na para bang humihingi ng tulong.
“Anong nangyari?” tanong ni Sir Cascade habang hawak ang bata. “At sino ka?”
“Nahuli kong binubuksan ang gate,” sagot ko at napahawak sa bewang dahil sa hingal.
“Sino ka? Anong gingawa mo sa gate?” tanong ni Sir Cascade sa mapanganib ang boses dahilan para lalong mawalan ang kulay ng mukha nito.
“B-Bright,” aniya na bakas ang takot sa mukha.
Halos lumuwa ang mata ko nang biglang kaladkarin ni Sir Cascade ang bata papunta sa bahay at ang sasakyan naman ay umandar dahil naroon pala si Sir Cali at Hunter. Nakasunod lang ako sa kanila at mukhang hindi magandang ideya na dalhin nila ang bata sa bahay. Dapat sa presinto o turuan na lang kaunting leksyon at paalisin.
Nang marating namin ang bahay at makapasok sa gate ay naroon na si Sir Caius sa main entrance at animo’y santelmo ang mga matang nakatitig sa batang palapit na bitbit ni Sir Cascade. Halos mataranta naman ang bata nang makita ang Boss ko at nagpumilit na kumawala sa pagkakahawak ni Sir Cascade.
Nang makapasok ng bahay ay isinara ni Hunter ang pinto at animo’y sako na itinulak si Bright hanggang sumubsob ito sa lapag.
“Who is he?” tanong ni Sir Caius.
“An intruder? Robber? Or maybe he is a spy,” sagot ni Cascade. Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. Spy?
“Who are you,” mariing tanong ko ni Sir Caius na kahit ako ay nakaramdam ng takot.
“If I were you, Kid. I don’t let him ask for third time,” ani Cali na nakaupo sa isahang couch. “Baka dito ka ilibing.”
Inilibot ng batang si Bright ang kaniyang mata sa aming lahat at nahihirapang napalunok ng laway.
“B-Bright D-David,” sagot nito at nagsumiksik sa gilid.
“What were you doing at my gate?”
“Gusto ko lang mabuhay,” sagot ni Bright.
“Mabuhay? Bakit patay ka na ba?” sarkastikong singit ko.
Napangiwi ako nang bumaling ang tingin nila sa akin at masama ang tinging pinupukol. Nagtaas lang ako ng kamay at nag-peace sign saka bahagyang umatras.
“How the f**k did you open my gate?” tanong muli ni Boss Caius.
“Magnanakaw lang po ako—“
“I know,” saad ni Sir Caius at pinaikot ang kaniyang wheelchair patalikod. “Set him free.”
“Pero Caius—“
“Sandali!” Malakas ang boses ng binata dahilan para paikutin muli ni Sir Caius ang kaniyang wheelchair paharap. Lumakad palapit ang binata sa kaniya at basta na lamang lumuhod. “Pakiusap, tulungan ninyo ako. Sir, kahit ano gagawin ko! Tulungan niyo lang ako.”
Napasinghap ako sa narinig at akmang aalisin siya sa harap ni Sir Caius nang itaas ni Sir ang kamay. “What makes you think that I will f*****g help you? You’re useless.”
“Gagawin ko po ang lahat, Sir! Iligtas ninyo po ang kapatid ko!”
“Anong nangyari sa kapatid mo?” tanong ni Hunter na lumapit dito.
“K-Kinidnap siya at kailangan kong bilhin ang sarili kong kapatid mula sa mga kamay ng hayop na iyon!” galit ang mababakas sa boses ni Bright dahilan para makaramdam ako ng awa. Akmang lalapit ako ngunit agad akong pinigilan ni Sir Caius.
“Liesel, go out and buy groceries.”
“Sir Caius—“
“I said, out,” anito at pinaabot kay Hunter ang isang card.
Hinablot ko yon kay Hunter na napasinghap at saka tumalikod at lumabas ng bahay. Ngunit bago ako tuluyang umalis ay may narinig akong kakaiba na hindi ko alam kung anong ibig nilang sabihin.
“Bring him to the headquarters,” narinig kong sabi ni Sir Caius.
“Headquarters? This f*****g twig? No way, Caius,” boses iyon ni Sir Cascade.
“Cas, Caius will never get wrong about choosing his men,” narinig kong saad ni Sir Cali.
Will never get wrong? Napalunok ako at napakurap dahil tila hindi lang sila basta simpleng mayayamang tao. Mukhang hindi lang basta online seller ang boss ko.
“Hey, woman.”
Napaigtad ako nang makita si Sir Caius na nasa harap na nang nakabukas na pinto. Matalim ang tingin nito sa akin na kung nakakamatay ay baka kanina pa ako bumulagta sa kinatatayuan ko. Napangiwi ako at tumawa nang pagak saka kumaripas ng takbo.
Lagot!