Chapter 2

1706 Words
LIESELOTTE HALOS lumuwa na ang mata ko kakabasa sa kontrata na dinaig pa ata ang encyclopedia sa kapal. Ang dami ng rules and regulations na nakatala na hindi ko na rin maalala bukod sa no selfie or stolen shot with Caius Montealegre. Bawat page ay kailangan may pirma at thumb mark din para mas masigurong hindi ko itatakbo ang bunos na ibibigay niya. Nagtaas ako ng kamay na ikinalingon niya at ni Sir Cascade. Pati ng dalawa nitong kasama na hindi ko kilala ay dumako rin ang tingin sa akin. "Bakit, Liesel?" tanong ni Sir Cascade. "Wala bang recess? Nangangalay na ako kakapirma at thumb mark. Yung mata ko luluwa na rin oh," saad ko at pinalaki ang aking mga mata para mas makumbinsi ko sila. Tumawa lang si Sir Cascade pati na rin ang dalawang kasama nito samantalang si Sir Caius ay blanko ang ekpresyon ng mukha na nakatitig sa akin. Parang nanuyo naman ang lalamunan ko dahil sa takot. Kung halloween ngayon, tiyak na pasado ang costume niya dahil natural lang. "Do you think this is funny?" masungit na tanong nito. Siguro nang pinagbubuntis si Sir Caius laging badtrip nanay niya. Pinaglihi sa kasungitan. Dinaig pa babaeng may regla ng isang buwan. "Medyo nangangalay lang po—" "Then, don't accept the job," mabilis na sabi nito na nilingon si Sir Cascade. "Find me another applicant—" "Hala! Ano ka ba Sir Caius, ito lang ba pipirmahan? Todo na ba 'to? Gusto mo pati likod pirmahan ko eh," mabilis kong sabi na para bang nagkaroon ako ng superpowers bigla dahil bumilis ang basa ko at pagpirma. Hindi ko p'wede pakawalan ang once in a lifetime opportunity na 'to. Dito nakasalalay ang isang bagay na gusto kong gawin at dahilan kung bakit ako patuloy na nabubuhay. Habang pumipirma ay sinulyapan ko si Sir Caius na napapailing na lang. Matapos ang ilang minuto ay natapos ko rin ang pagpirma ng kontrata at umupo ng tuwid saka inusog ang mga papel papunta kay Sir Caius. Ginalaw-galaw ko pa ang daliri ko dahil pakiramdam ko naabuso iyon. Nang kinuha niya ang mga papel ay tumingin siya nang mataman sa akin. Napangiwi naman ako at pinaliit ang mata ko dahil hindi ko makita ang itsura niya dahil sa mahaba niyang bangs at bigote. Nang tuluyan kong maaninag ang mata niya ay napatuwid ako ng upo dahil ang sama pala ng kaniyang tingin. "Give me three rules you have read in this contract," saad niya dahilan para mapalunok ako ng laway. Recitation agad? "No selfie or stolen photo of Caius, No loud sounds during night at No entering in Caius room." Taas noo ako dahil tama ang mga sagot ko. "Tanggap na ba ako?" "Silly," singit ng isang lalaki na may salamin, "of course. Pumirma kana ng kontrata. It means you're hired." "Talaga?!" hindi makapaniwalang sabi ko at napalakpak sa tuwa. Agad naman akong natigilan nang may mapagtanto ako. "Teka, sino ka nga?" Tumawa lang ang lalaking may salamin sa tanong ko. "I'm Cali, and this one," aniya at tinuro ang katabi nitong may hikaw sa tenga at may ngiti sa labi. "That's Hunter." "Hi! Lotte!" Nagtaas ako ng kilay dahil sa pagtawag niya sa akin. "Liesel na lang po. Hindi ako iyakin kaya huwag na Lotte—" "Hi, Lotte na hindi iyakin," pangaasar ng lalaking Hunter ang pangalan. "Hi mukhang aso este mangangaso," sagot ko na ikinaikot ng mata niya. Hindi na ako nag-abala pang magtanong ng kung ano-ano na tungkol sa kanila. The less people you know, the more you can adjust. Paulit-ulit kong tinatak iyon sa isip ko. "It settled then." Tumayo si Sir Cascade at lumapit sa akin para iabot ang bunos. Tinanggap ko iyon agad at mabilis na binulsa. Baka biglang bawiin ng boss ko. Malakas kasi ang topak no'n. "Thank you, Sir Cascade, thank you, Sir Caius," wika ko at ngumiti nang matamis. Napailing lang si Sir Cascade at tinapik lang ako sa balikat saka lumabas kasama ang dalawa nitong alipores. Inirapan lang ako ng Hunter at sumunod kay Cali. Naiwan naman ako sa loob ng study room kasama si Sir Highblood na nanatiling tahimik. Tumikhim ako at naupo muli. "Nasa itaas na ang gamit mo. Ang kwarto mo ay ang pinakadulo sa left side." Tumango lang ako. "Sir Caius, ano palang gagawin ko today?" Tinitigan niya lang ako nang matalim kaya tumawa ako nang pagak. Kahit kailan talaga napakasungit ng ermitanyong highblood na 'to. "Sabi ko nga, maglilinis na lang ako—" "Do you know how to cook?" Kumunot ang noo ko at napangiwi dahil mas gugustuhin ko pang maglaba ng isang linggong brief niya kaysa magluto. "Opo!" pagsisinungaling ko. Hindi ako p'wedeng humindi dahil baka mag-hire siya ng cook. Kahati ko pa 'yon sa sahod. Tumango siya at tinuro ang labas, partikular na ang puno ng malunggay. "Cook a chicken tinola with that tiny leaves. Maraming ganiyan." Napatitig ako sa puno ng malunggay at binalik ang tingin kay Sir Caius na nakataas ang kilay. Napalunok ako ng laway dahil sa kaba. Sunod-sunod akong tumango para siguraduhin sa kaniyang maluluto ko iyon. "No problem, Sir!" sagot ko na ikinatango niya at muling pumasok sa kaniyang study room. Nanghihina naman akong napaupo dahil wala talaga akong alam sa pagluluto. Napalatak naman ako nang maalala kong may load nga pala ako pang-data kaya agad kong binuksan ang search bar at hinanap ang instruction ng pagluluto ng tinola. "Bingo!" NGAYON ang unang araw ko bilang personal assistant ni Sir Caius at ang una kong gagawin ay ang ipagluto siya ng tinolang manok na mas marami pa atang malunggay dahil iyon ang bilin niya sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako at naglagay ng isang kutsarang asin tulad ng nakalagay sa instruction at nang matapos ay pinuntahan ko siya sa study room at kinatok. “Sir, luto na ang tinolang malunggay este tinolang manok.” Bumukas ang pinto at bumulaga sa akin ang ermitanyo este boss ko pala. Sinamaan niya ako ng tingin kaya agad akong tumalikod at bumalik ng kusina para ipaghain siya. Sakto naman na nakapwesto na rin siya sa dulo ng lamesa. Inilapag ko ang mangkok na may laman sa kaniyang harapan kasama ng mga kubyertos at baso. Tinitigan muna nito ang pagkain at nang dahan-dahan nitong iangat ang kutsara at isinubo ay napapikit ito na para bang nasarapan. Napasuntok naman ako sa hangin dahil sa tuwa. Baka sakaling makalimutan niyang masungit siya. “Dagat ba ‘to?” Natigilan naman ako na nasa ere pa rin ang kamay at dahan-dahang ibinaba iyon nang makitang hindi natutuwa si Sir Caius. Tumikhim ako at bahagyang lumapit sa kaniya. Iniatras naman niya ang ulo niya at nagtaas ng kilay. “Tinola ‘yan, Sir—“ Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla kong magpagtanto ang sinabi niya. Dagat? Ang dagat ay maalat. Ang ibig sabihin gusto niya ng maalat? Bakit hindi niya sinabi sa akin agad edi sana inubos ko yung asin para matuwa naman siya sa akin. Tumikhim ako at lumapit sa mga condiments at kinuha ang asin saka naglagay sa kaniyang mangkok. “What the f**k?!” mura niya at pinagulong paatras ang wheelchair. “What the hell are you doing?” Nanlaki ang mata ko at napaatras din. “Nagdadagdag ng asin?” Mariing napapikit si Sir Caius at hinilot ang batok. Napakurap naman ako dahil pakiramdam ko ay matatanggal na ako sa unang araw ko sa trabaho. Nang magmulat siya ng mata ay masama ang tingin pinupukol niya sa akin at bigla na lang umalis. “Order a food online. I’m too young to die from kidney failure,” habilin niya bago umalis at dumiretso sa tila isang maliit na kwarto na paniguradong mini elevator. Napanguso naman ako at lumapit sa kaldero at saka tinikman ang niluto kong tinola. Nanlaki ang mata ko at dinura ang sabaw na tinikman ko saka napangiwi. Tama nga si Sir Caius, dagat nga ito dahil sa sobrang alat. Muli kong hinanap ang instruction at napapadyak sa inis dahil isang kutsaritang asin pala dapat ang ilalagay at hindi isang kutsara. Napahilamos ako dahil sa unang kapalpakan ko sa trabaho. Sinunod ko na lang ang inutos niyang umorder ng pagkain at inayos ko naman ang niluto ko para matimpla ko ulit mamaya. Nang matapos ako ng ilang minuto ay dumating naman ang inorder ko at agad kong pinuntahan sa labas. Agad akong umakyat para ihatid ang pagkain. “Sir Caius?” tawag ko ngunit walang sumasagot kaya pumasok na lang ako ng kwarto niya. Halos malaglag ang panga ko ng makita ang loob ng kwarto ni Sir Caius. Kulay dark blue ang pintura ng mga pader at ang mga bintana ay sarado pati na rin ang kurtina dahilan para maging madilim sa loob. Ang kulay itim niyang kama ay malaki rin at ang paligid ay puro painting na paniguradong mas mahal pa sa sasahurin ko ng ilang buwan. Ngunit ang mas lalong nagpamangha sa akin ay ang lamesa niyang may tatlong monitor at mga keyboard. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng kyuryusidad sa nakita. Lumapit ako sa keyboard at nang akmang gagalawin ko ang mouse ay narinig ko ang pagsara ng pinto ng banyo. “That is not part of your job, Miss Guerrero.” Animo’y naging toud ako nang marinig ang boses ni Sir Caius mula sa likuran ko. Napalunok ako ng laway at dahan-dahan ako ng lumingon at napaatras dahil sa gulat. Bukod kasi sa mukha siyang matandang ermitanyo kahit na halos ilang taon lang ang tanda niya sa akin ay nakakatakot rin ang presensya niya. "B-bukas kasi, Sir kaya... kaya—" "You're not allowed to enter my room. It's one of my rules and you just disobey it." "S-sorry—" "Get out." Masama rin ang tinging pinupukol niya sa akin dahilan para ilapag ko ang pagkaing dala ko sa bakanteng parte ng lamesa at paatras na lumapit sa pinto. “Enjoy your food, Sir,” saad ko at isinara ang kaniyang pinto. Napasandal ako at hinawakan ang aking dibdib dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Ano kayang trabaho ni Sir Caius? Hacker? O baka special intelligent? Baka naman streamer? P'wede ring vlogger? Zumba instructor? Napalatak ako nang mahulaan ko ang trabaho niya. "Alam ko na! Online seller siya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD