LIESELOTTE
MAHIGPIT ang pagkakahawak ko sa kutsilyo na aking hinuhugasan dahil sa sobrang inis ko doon sa bisita ni Boss Caius na doktora. Kung makapag-utos kasi sa akin ay akala mo siya ang boss ko gayong wala naman siyang ambag sa sahod ko kahit pisong duling. Akala mo kung sinong maganda, e lamang lang siya sa akin ng limang paligo.
Mariin kong pinikit ang mata ko at sunod-sunod na umiling upang alisin sa isipan ko ang babaeng iyon. Hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis sa kaniya ng ganito. Baka talaga nabubuhay lang siya para inisin ako? At saka kaano-ano kaya niya si Boss Caius? Hindi naman siya mukhang jowa dahil hindi naman sila sweet katulad ng nakikita ko parke minsan na halos maglaplapan na.
“Lieselotte?”
“Ay k**i!” Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat at nilingon ang tumawag sa pangalan ko. Nanlalaki ang mata ni Sir Cascade na nakatingin sa hawak kong kutsilyo na hindi ko napansing nakatutok na pala sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang matawa dahil mukha siyang pinigang labahin dahil sa pamumutla.
“Damn, Lies! Ibaba mo nga iyan!” aniya at napatingin sa bandang itaas ng bubong. Tinagilid ko ang ulo ko at bahagyang tumingala para sundan ng tingin ang kaniyang tinititigan. Bigla akong napanganga nang makita ang pulang maliit na ilaw dito at hindi naman ako ganoon katanga para hindi malamang CCTV camera iyon.
Bakit may camera sa kusina? Ano bang tingin sa akin ni Boss Caius? Magnanakaw ng pinggan niyang mas mahal pa sa isang linggong sahod ko? Well, p’wede naman pero hindi ko naman iyon magagawa. Grabe naman trust issue ni Boss Caius.
“Bakit may camera diyan? Paano na lang pala kapag naghubad ako dito sa kusina? Makikita ni Boss Caius?” hindi makapaniwalang tanong ko na nagpalingon kay Sir Cascade. Salubong ang kilay niya at napahawak sa batok at bahagyang hinilot iyon.
“Bakit ka naman maghuhubad sa kusina, Lies? Baliw ka ba?” Matalim ang tingin pinupukol niya sa akin.
Napanguso ako. “Makabaliw ka naman, Sir. Kunwari lang naman. What if, baga.”
Napapikit nang mariin si Sir Cascade at huminga nang malalim. Nang magmulat ito ng mata ay hindi na masama ang tingin niya bagkus ay malamlam na iyon at naglakad palapit sa akin. Nang makalapit siya ay kinuha niya mula sa kamay ko ang kutsilyo at inilapag sa lababo. Pero dahil nakaharang pa rin ako sa lababo ay hindi maiwasan na magkalapit kaming dalawa. Ang bango ni Sir Cascade, amoy baby na pulbo sa pwet.
“Sa banyo, Sir? May camera din ba?” tanong ko ulit dahil kung may camera sa banyo ibig sabihin nakikita ni Boss Caius ang aking perlas ng sinilangan? Ay, putcha! Ang virgin forest ko baka nakita niya!
Huminga siya nang malalim at tumayo sa aking harapan saka namulsa. “Lies, walang camera sa mga pribadong lugar mo—“
“Sa kwarto ko kaya?
Sa pagkakataong ‘to ay natigilan siya at kumunot ang kaniyang noo. Nagtaas naman ako ng kilay habang hinihintay ang kaniyang sagot. Hindi naman siguro maglalagay si Boss amo sa kwarto ko ng camera? Baka makita niya ‘yong isang bag ng pera na pinakatago-tago ko. Baka isipin niya ninakaw ko iyon at saka minsan hindi ako nagba-bra kapag natutulog.
“Wala rin,” sagot ni Sir Caius dahilan para mapabuntong-hininga ako.
“Buti naman—“
“Cascade.”
Natigilan ako at napalingon naman kaming dalawa ni Sir Cascade sa tumawag sa kaniyang pangalan. Napalunok ako ng laway nang makita si Boss Caius na salubong ang kilay na nakatingin sa aming dalawa, gumalaw ang panga nito na para bang nagagalit kaya agad akong lumayo kay Sir Cascade. Kasama nito si Sir Cali at Hunter na malapad ang ngisi, pati na rin ang babaeng doctor na masama ang tinging pinupukol sa akin.
At dahil mukhang masama ang timpla ng Boss ko ay naglakad ako para umalis ng kusina. Ayokong mapagbuntunan ng galit niya dahil baka bigla akong maging unemployed. Nang akmang lalagpasan ko na si Boss Caius ay napaigtad ako nang hawakan niya ako sa braso para pahintuin. Natigilan naman ako at kumabog nang malakas ang aking puso. Medyo mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya bahagya akong napangiwi.
“Go to your room,” utos niya at binitawan ako.
Tumango lang ako at mabilis ang paglalakad na umalis. Nang marating ko ang kwarto ko ay napaupo ako sa kama at napahawak sa aking dibdib dahil mabilis pa rin ang t***k niyon. May sakit na ba ako sa puso? Mamatay na ba ako? Shet! Hindi pa p’wede!
Pabagsak akong nahiga sa kama pero agad din akong napabangon nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Napalunok ako ng laway nang makita si Boss Caius na matalim ang tinging pinupukol sa akin. Napaupo ako nang tuwid nang pagulungin nito ang wheelchair palapit hanggang sa huminto siya sa aking harapan.
“What were you doing?” tanong niya dahilan para magsalubong ang aking kilay.
“Po? Ngayon ba? Ano, nakaupo—“
“Lieselotte,” bigkas niya sa pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit kumabog bigla ang dibdib ko. Jusko, kailangan ko na ata magpagamot.
“Ano po bang ibig niyong sabihin?”
“Were you trying to seduce Cascade?” aniya dahilan para magsalubong ang aking kilay.
“Seduce?” Nanliit ang mata ko at inisip ang tagalog ng salitang sinabi niya. Nang ma-realize ko iyon ay nanlalaki ang mata ko na sunod-sunod na napailing. “Hindi, Boss! Hindi ko siya type.”
Natatabunan man ng makapal na bigote at mahabang buhok ay alam kong nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Mukhang hindi na siya galit dahil hindi na nakakunot ang kaniyang noo. Tumango lang siya at pinaikot ang wheelchair saka lumapit mula sa pinto. Nunit bago siya tuluyang lumabas ay nilingon niya pa ako.
“Remember, you can't engage in conversation, grin, or flirtation with other males,” aniya na nakaigting ang panga.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Paano na lang kung nag-joke pala si Sir Cascade, o si Sir Cali? Iiyak ako, gano’n? At saka mukha pa lang ni Hunter natatawa na ako—“ Natigilan ako nang tumalim ang tingin niya kaya tumango na lamang ako. “Teka? Nasa kontrata ba ‘yon? Parang wala akong nabasa—“
“You must obey this additional rule or I won't pay you, choose.”
Nanlaki ang mata ko at tumango. “Walang problema, Boss! Mabilis akong kausap, mas mabilis pa sa internet mo.” Ngumiti ako sa kaniya nang matamis. “Sa ‘yo lang ako ngingiti.”
Natigilan siya at napakurap saka umismid. Napapailing siyang lumabas ng kwarto. Lumapit naman ako sa pinto at isinara iyon saka bumalik sa kama para humilata. Iniisip ko pa lang na hindi ngumiti ay napapangiwi na ako. Parang ang hirap naman ng ganoon? Dapat dinagdag niya sa rule na p’wede ko irapan ‘yong masungit na doktora para quits.
NAALIMPUNGATAN ako at napabangon bigla dahil nakatulog pala ako. Dapat hihiga lang ako pero bigla naman akong hinila ng antok. Napatingin naman ako sa wallclock at napamura nang makitang mag-gagabi na. Dali-dali akong bumangon at halos madapa pa na tumakbo palabas ng kwarto. Dire-diretso ako sa hagdan at nagtali ng buhok. Akmang hahakbang ako pababa sa hagdan nang bigla na lang may magsalita sa aking likuran.
“What are you doing?”
Napaigtad ako nang marinig ang baritonong boses ng Boss ko sa aking likuran. Huminga muna ako nang malalim upang ihanda ang sarili sa isa na namang sermon galore niya sa akin. Dahan-dahan akong lumingon. Napanganga naman ako nang makita ko siya dahil bukod sa nakatali ang kaniyang hanggang balikat na buhok ay parang nabawasan din ang kaniyang balbas at bigote. Malinaw ko ng nakikita ang kaniyang mukha at doon ko napagtanto na talaga pa lang ang gwapo ni Boss.
“Lieselotte, what are you doing?” ulit niya. Lumikot naman ang mata ko dahil ayokong tumingin sa kaniyang mukha. Para kasing tinatambol ang puso ko at hindi ko alam kung bakit. Siguro ay kinakabahan ako dahil hindi pa ako nakapagluto ng pagkain niya.
“M-magluluto po,” sagot ko. Umabante naman ang wheelchair ni Boss Caius dahilan para lumakas lalo ang kabog ng puso ko.
“Don’t cook, Cali already did,” aniya at mas lalong umabante.
Dahil sa ginagawa niyang paglapit ay umatras ako pero nakalimutan kong hagdan na pala ang nasa aking likuran. Nanlaki ang mata ko at napapikit nang mariin dahil sa takot ngunit agad na may humawak sa kamay ko at malakas akong hinila at inikot.
“s**t! What the hell, Lieselotte?!”
Unti-unti akong nagmulat ng mata nang marinig ang boses ni Boss Caius at napasinghap dahil nasa harap na ako ng hagdan at nakaupo. Muntik na akong mahulog mabuti na lang—teka? Nanlaki ang mata ko at unti-unti na napayuko nang maramdam ang matigas na bagay na iyon sa aking p’wet. Ilang beses akong napakurap at tinagilid ang aking ulo.
“Are you stupid?” nakaigting ang panga na saad ni Boss Caius na ang mukha ay halos ilang pulgada na lang ang layo sa akin. Amoy na amoy ko ang hininga niyang amoy mouthwash.
Bumibilis ang t***k ng puso ko at basta na lamang tumayo. Napaigik pa si Boss Caius na tinamaan ang baba ng balikat ko. Mabilis akong kumaripas ng takbo pababa ng hagdan at nang marating ko ang kusina ay kumuha ako ng malamig na tubig at tinungga iyon. Ang init-init ng pisngi ko. Mukhang may lagnat na rin ako ngayong araw.
Paulit-ulit akong huminga nang malalim upang pakalmahin ang puso ko. Nabitin sa ere ang kamay kong may hawak na baso nang makita ko si Boss Caius na palapit. Napalunok ako ng laway at mariin na napapikit nang maalala ang matigas na bagay na naupuan ko. Iyon ba ang tinatawag nilang flagpole?
“Lieselotte.”
“Ay, flagpole!” sigaw ko at wala sa sarili na napatingin ulit doon.
Shet! Flagpole nga!