Chapter 7

2294 Words
LIESELOTTE “ANAK ka ng tokwa’t baboy naman oh!” naiinis na sambit ko at marahas na bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Napatingin ako sa wallclock at napangiwi nang makitang halos ala-una na ng madaling araw pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Napabuntong-hininga ako at sa halip na humiga ulit ay padabog akong tumayo saka nagpasya na lang na lumabas ng kwarto. Kung bakit naman kasi hindi mawala sa isip ko si Boss Caius pati na rin 'yong flagpole niya na p'wede na ata sayawan ng seven dwarfs ni snow white. Nang makalabas ako ng kwarto ay dumiretso ako sa kusina para sana uminom ng gatas pero agad akong natigilan nang may marinig akong mga kaluskos. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Pinasok ba kami ng magnanakaw? Bakit naman sa kusina? Anong nanakawin niya doon? Itlog? Hotdog? Pechay? O baka naman kanin? Dahan-dahan kong dinampot ang vase na malapit sa akin at patingkayad na lumapit sa may bandang sliding glass door. Masyadong madilim sa gawi na iyon pero hindi ito dahilan para makaramdam ako ng takot. Kailangan kong protektahan si Boss Caius kahit na anong mangyari. Huminga muna ako nang malalim at walang sabi-sabing binato ang kung sino na nagnanakaw sa kusina. “Bull’s eyes! Ano ka ngayon—“ “What the f*****g hell?!” Tila yumanig hindi lang ang boung bahay kundi ang utak ko nang marinig ang pamilyar na masungit na boses na iyon. Napatayo ako nang tuwid at nanlalaki ang mga mata na agad binuksan ang ilaw sa kusina. Natutop ko ang aking bibig nang makita si Boss Caius na dumudugo ang bandang braso na mukhang tinamaan ng binato ko. Masama ang tinging pinupukol niya sa akin na kung nakakamatay ay baka kanina pa ako dead on the spot. “B-Boss! Shet!” natatarantang tawag ko sa kaniya. Kumakabog ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Dios mio! Mukhang magaalsa balutan na talaga ako. “What the f**k, Lieselotte?! Why did you do that?!” malakas niyang sigaw at inaalis ang piraso ng basag na vase na tumama sa kaniya. Nakaigting ang kaniyang panga at mukhang gigil na gigil sa galit. Pakiramdam ko tuloy kapag lumapit ako sa kaniya ay baka tupiin niya ako sa lima. Napalunok ako ng laway at ngumiwi. “A-Akala ko kasi… ano magnanakaw ka, Boss.A-Ano ba kasi ginagawa mo diyan? Bakit hindi mo kasi binuksan ang ilaw—” “Are you f*****g blaming me?” mariing tanong niya. “Bahay ko 'to.” Bumaling ang tingin ko sa kamao niyang kuyom na kuyom na tila may tinatago. Siguro kapag sinuntok niya ako, ang next ko ng makikita ay si San Pedro. “Oo—” “What?!” “I mean, oo, kasalanan ko po,” sagot ko pero feeling ko kasalanan niya talaga e, ayaw lang aminin. “Pero akala ko talaga, magnanakaw ka, Boss. Sorry na, huwag ka na magalit, uwu—“ mabilis akong huminto sa pagsasalita nang tapunan niya ako ng matatalim na tingin. “No one can get into my house, Lieselotte,” mariing saad niya at napapailing. “And if someone intruded, you should’ve run and called for help. You’re not a f*****g superhero.” Natigilan naman ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Sino ba naman ako para protektahan siya, kung yung sariling pamilya ko nga hindi ko nailigtas. Huminga ako nang malalim at marahang pinilig ang aking ulo. Hindi na ako sumagot at napatingin kay Boss na pinagulong ang wheelchair papunta sa island counter at ginamot ang sarili. Nakanguso akong lumapit sa lilinisin ko ngunit huli ko nang na-realize na nakakalat ang mga piraso ng basag na sa vase sa lapag. Napaigik ako at napangiwi nang maramdaman ang sakit sa aking talampakan. Naiiyak ako na nilingon si Boss Caius na abala sa paglinis ng sugat niya. Mabuti na lang at hindi ako napansin ni Boss dahil sasabihan na naman niya ako ng stupid nito. Pagyuko ko sa paa ko ay may dugo na doon kaya mas lalo akong napangiwi. “Ano pang tinatayo mo diyan—” natigilan siya sa pagsasalita at kumunot ang noo saka lumapit. “Are you really stupid or you're just reckless?” aniya nang makita ang paa ko na dumudugo. Sabi na e! Napabuntong-hininga siya at pinagulong ang wheelchair palapit sa akin. Nag-iwas naman siya ng tingin at tinapik ang kaniyang hita. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Muli niyang tinapik ang hita niya pero hindi ko talaga ma-gets. “Boss, bakit ka ba tapik nang tapik sa hita mo? Masakit ba—” Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang bigla niyang hablutin ang aking kamay at inikot para mapaupo sa kaniyang kandungan. Nanlaki naman ang mata ko at napangiwi dahil mas lalong sumakit ang aking talampakan dahil sa ginawa niya. “Damn,” bulong niya na narinig ko at pinagulong palayo ang wheelchair. “B-Boss, bumaon!” “W-What?” aniya na natigilan sa sinabi ko. Bahagya ko siyang nilingon at sinalubong ako ng mga mata niyang matamang nakatitig sa akin. “Bumaon po,” saad ko at mas lalong ngumiwi. Lumalim naman ang kunot ng kaniyang noo at napayuko saka muling ibinaling ang tingin sa akin. “What the f**k are you saying—” “Yung bubog, Boss,” mabilis kong sagot dahil nagagalit na naman siya. “Bumaon ‘yong bubog nang hilahin mo ako.” “Fuck.” Nawala ang kunot ng kaniyang noo at napakurap saka agad na pinagulong ang wheelchair papunta sa island counter. Inutusan ako nito na maupo roon at na agad kong sinunod dahil matalim ang tingin niya sa akin. Napaigtad ako nang inabot niya ang paa ko hindi dahil sa gulat kundi dahil sa tila kuryente na nasa palad niya. Shet! Mukhang may lahing Volta pa ata 'tong Boss ko. “I’ll count three and take this glass splinter, okay?” aniya na nakataas ang isang kilay. Tumango ako at huminga nang malalim dahil nga bumaon na nga ang bubog as aking talampakan kaya paniguradong masakit iyon nang bongga. “One and two—“ “Aray!” bulalas ko at nanlalaki ang mata na tinitigan si Boss Caius. “Sabi mo count three? Nasa number two ka pa lang?” naiiyak na saad ko. “The less you expect, the less it hurt,” saad niya habang binabalutan ng benda ang paa ko. Tumingala siya sa akin at bigla na lang siyang natigilan saka malakas na hinawi ang paa ko palayo sa kaniya. Kamuntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa ginawa niya. “Aray ko! Boss naman! May galit ka ba sa akin?” nagtatakang tanong ko at ngumuso. Muli siyang tumingin sa akin nang matalim. Nakaigting rin ang kaniyang panga dahilan para muli na naman akong kabahan. Hindi ko alam kung moody lang ba siya o pinagtitripan niya ako. “Binabayaran kita para pagsilbihan ako. It’s not the other way around, Lieselotte. Clean that mess.” Nang matapos siya sa paggamot sa sugat ko ay umatras na siya at basta na lamang umalis. Napanguso naman ako at umalis mula sa pagkakaupo sa island counter at tinitigan si Boss Caius na papunta sa mini elevator niya paakyat. Hindi ko maiwasan ang kainin ng kyuryusidad kung bakit bukod sa napakasungit niya ay bakit kaya siya naka-wheelchair? Napabuntong-hininga ako at humalukipkip. Nanlaki naman bigla ang mata ko at kinapa ang aking dibdib. Doon ko lang napagtanto na hindi nga pala ako nakasout ng bra at naninigas ang nips ko kaya bakat na bakat iyon sa aking damit. “Hala! Putragis, yung dede ko na sight-seeing niya!” HINGAL NA HINGAL akong pabagsak na naupo sa malambot na sofa pagkatapos ko linisin ang kabuuan ng bahay. Siguro naman ay mapapatawad na ako ni Boss Caius sa ginawang kong pagbato sa kaniya ng vase kaninang madaling araw, at saka naka-bonus pa siyang live show ng korona de kape ko. Tulog pa rin siya kahit alas-nueve na ng umaga, baka nanaginip pa? O baka naman hindi maka-move on sa chocolate hills ko? “Lieselotte.” Napaigtad ako nang marinig ang baritonong boses na iyon na kahit ata tulog ako kilalang-kilala ko na. Seryoso ang mukha nito na nakataas ang kilay kaya agad akong tumayo nang tuwid. Ang aga-aga pa pero mukhang highblood na agad ang Boss ko kahit wala pa akong ginagawa. “Boss?” “Get dressed, we need to go the Hospital,” aniya dahilan para mapatayo ako at malalaki ang hakbang papunta sa kaniya. “Hala? Bakit Boss? Na-impkesyon ba yung sugat mo kagabi? May sakit ka ba? Mamatay ka na ba—” “You will be the death of me,” aniya na napapikit nang mariin. “Just, just get dressed, Lieselotte.” Napanguso ako at nagmamadaling tumungo sa kwarto. Dumiretso ako sa banyo para maglinis ng katawan dahil medyo pinawisan ako mag-general cleaning mag-isa. Matapos magbanyo ay inamoy ko muna ang bra na medyo deformed ang foam dahil sa bangketa ko lang binili. Ito rin ang sout ko kanina at dahil mayaman sa aircon si Boss, hindi naman ako nangamoy. “P'wede pa. Medyo amoy fabcon pa naman,” saad ko sa sarili at sinout iyon. Hindi naman siguro ako ang nag-iisang balahura sa mundo. Ang importante, nagpapalit ng panty. Nagbihis lang ako ng simpleng t-shirt at jeans saka lumabas. Nang makalabas ako ng kwarto ay kunot ang noo ni Boss Caius na napatingin sa akin. “You didn't wear makeup?” aniya na parang takang-taka. “Natural beauty made in Philippines,” nakangiting sagot ko at tinampal-tampal ang aking pisngi. “You're natural but no beauty at all,” sagot ng boss ko. Saka tumalikod at lumabas ng bahay. “No beauty at all,” naiinis na panggagaya ko sa sinabi niya. No beauty, e tawag ng tindera sa palengke sa akin, ganda. Paanong, no beauty at all! “Lieselotte!” Nanlaki ang mata ko at nagkukumahog na lumabas ng bahay. Ni-lock ko muna ang pinto at lumapit kay Boss Caius na kasing init ng araw ang ulo. Napalunok ako ng laway at inikot ang aking paningin dahil wala akong makita na magmamaneho. “Boss, sino magda-drive?” takhang tanong ko. “Ako, ako magda-drive,” galit niyang sagot. “Hala! Pa'no kayo tatapak sa preno—” “Are you stupid?! Malamang ikaw ang magda-drive.” Mas lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Dahil unang-una, wala akong lisensya, pangalawa, hindi ko alam papunta sa sinasabi niya at pangatlo, hindi ako marunong mag-drive. “Boss, hindi ako marunong mag-maneho.” Natigilan siya at tinitigan ako nang matalim saka napahilot sa batok. “Then, what the f**k can you do aside from being stupid?” “Boss, gusto mo mag-bike na lang ako tapos hilahin kita—“ “Gusto mo tanggalan kita ng trabaho?” “Sabi ko nga e,” saad ko at tinikom ang aking bibig. Bahagya ko namang sinulyapan si Boss Caius na tumitipa sa kaniyang cellphone. Mabilis akong nag-iwas ng mata nang bumaling ang matalim niyang tingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang hinihintay namin pero halos thirty minutes na kaming nakatayo, ay, ako lang pala. Ginalaw-galaw ko ang paa ko at nilingon muli si Boss Caius dahil medyo naiinip na rin ako. Huminga ako nang malalim at lumapit sa kaniya. “Boss, hindi naman pasko hinihintay natin ‘di ba?” Tanging matalim na tingin lang ang sinagot niya sa akin kaya mabilis kong tinikom ang aking bibig at tumayo muli nang tuwid. Ilang minuto ang lumipas nang dumating ang asungot na si Hunter na may ngisi sa labi. “Yow! Boss Captain, nandito na ako!” bati nito at umirap sa akin kaya inirapan ko rin siya. “Good. Let’s go.” Nang makasakay si Boss Caius sa backseat sa tulong ni Hunter ay sumakay na ako sa passenger’s seat. Akmang papandarin naman ni Hunter ang kotse nang tumikhim si Boss Caius dahilan para sabay namin siyang lingunin. Matalim ang tingin na pinupukol niya sa akin at hindi ko alam kung ano na naman ang problema niya. “Boss—“ “Sit beside me, Lieselotte,” mariing utos niya. “You always sit next to me, that's an order.” “Nasa kontrata ko rin ba 'yan, Boss—” “Shut your pretty little mouth and just sit here.” Napakurap ako at napalingon kay Hunter na nagtataka rin. Pero dahil ayokong ma-higblood na naman ay dali-dali akong lumabas ng kotse at tumabi sa kaniya sa backseat. Bahagya ko siyang nilingon pero diretso ang kaniyang tingin kaya malaya kong nakikita ang mukha niya. Napahawak ako sa aking dibdib at mabilis na nag-iwas dahil muli na naman umatake ang sakit ko sa puso. “Boss Caius, p’wede ba akong magtanong—“ “No.” Napanguso ako dahil sa mabilis na sagot niya sa akin. Gusto ko lang naman itanong kung anong gagawin namin sa ospital, dahil mukhang kailangan ko rin magpa-checkup ng puso. Napabuntong-hininga ako at dahil puyat ako ay ipinikit ko na lang ang mata ko para makaidlip. Ngunit agad din akong napadilat nang maramdaman ko ang malakas na pag-alog ng kotse. “Anong nangyayari?!” natatarantang sabi ko at napatingin sa likuran. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang kotse na bumubunggo sa likuran ng sasakyan. Binaling ko ang tingin ko kay Boss Caius na blanko ang ekspresyon ng mukha kahit na may kotseng bumubunggo sa likuran ng kotse niya. Akmang magsasalita ako nang ipalibot niya ang kaniyang braso sa katawan ko at isinubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib dahilan para wala akong makita na kahit ano. Napakapit ako sa kaniyang damit dahil sa kaba. “B-Boss…” “You’re safe in my arms, Lieselotte.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD