chapter 4

2531 Words
Ang karaniwang kahatulan sa m~ga usapin ay pagbayarin. Ang pagbabayad ay ganito; na ang kalahati n~g bukid at n~g tanang tinatangkilik ay napapa sa pan~ginoon, na tuloy paglilingkuran niya samantalang siya at ang kanyang m~ga anak ay pakain at padamit. Kung sakaling hindi makabayad sa kaukulang panahon ay nan~gagiging alipin; at di umano'y kung sakaling makabayad man ang amá ay sinisin~gil n~g pan~ginoon pati n~g ipinakain at ipinadamit sa m~ga anák at kung walang maibayad ay nagiging alipin ang m~ga anák.   Kung ang nagkausaping nahatulang magbayad ay walang ibayad at ipagbayad n~g isang kaibigan ay sa kaibigan nagbayad maglilingkod, datapua't hindi parang aliping sagigilir, kungdi parang aliping namamahay. N~guni't kung hindi maglingkod n~g ganito ay ipalalagay sa kanyang patubuan.          *       *       *       *       *   =Pagcaalipin.=   Ang sino mang mabihag sa balan~gay na kaalit ay inaalipin.   Ang may utang na walang ikabayad ay inaalipin at di umano'y sa m~ga ganitong bagay ay anák ang karaniwang napapasanla na tumutubos sa magulang.   Inaalipin din ang lumabag sa isang pan~gulo ó maginoo na gaya halimbawa n~g magdaan sa silong ó bukiran nila, ó makasira n~g ano mang pag-aari nila, ó makatapon kaya n~g ano mang dumi kung nagdaraan sila ó magkasala n~g ano man sa m~ga kabahay n~g pan~gulo, at iba pa.   Ang m~ga anak n~g talagang alipin na ay alipin din.   Ang m~ga anák n~g amáng laya at n~g inang alipin ay nagiging alipin ang ikalawa, ikapat, ikaanim at ibp, at kung may labis na isa ay magiging gaya n~g sa bugtong na anák.          *       *       *       *       *   =M~ga di lubos na alipin.=   Ang bugtong na anák n~g isang magulang na alipin at isa'y laya ay kalahatí lamang ang pagkaalipin. Ang ganitong alipin ay naglilingkod n~g salisihang buan sa makatuid baga'y isang buang ipinaglilingkod ang bahagi niyang laya.[12]          *       *       *       *       *   =Katungkulang n~g alipin.=   Ang aliping namamahay ay nakapagbabahay n~g sarili, n~guni't kailan~gang maglingkod sa kanyang pan~ginoon sa panahon n~g paghahasik at pag-aani sa bukiran, gumaod sa sasakyan kung may paroroonan, tumulong sa pagtatayo n~g bahay at maglingkod sa bahay niya kung may panauhin.   Ang aliping sagigilir ay hindi nakabubukod n~g bahay at may katungkulang gumawa n~g ano mang ipagawa sa kanya n~g pan~ginoon sa tanáng buhay niya.   Ang kakalahati ang pagkaalipin ay naglilingkod n~g salisihang buan. At sa buang ikinalalaya ay maaaring ipaghanap niya n~g sa ganang kanyang sarili ó kung sa pan~ginoon din niya ay may matuid na maipakabig sa kanyang utang ang dapat niyang kitain sa panahon n~g kanyang kalayaan na ipinaglilingkod niya. At ang halaga ay isinasan-ayon naman sa kanyang pagkaalipin kung namamahay ó kung sagigilir.   Ang tatlong ikapat na bahagi ang pagkaalipin ay tatlong araw na naglilingkod sa pan~ginoon at isa'y sa kanyang sarili. Ang asawa nito ay naglilingkod din sa kanyang pan~ginoon n~g kapara niya.   Ang ikapat na bahagi lamang ang pagkaalipin ay naglilingkod na isang araw sa pan~ginoon at tatlo'y sa kanyang sarili.   Ang aliping námana n~g dalawa, tatlo ó limang magkakapatid ay naglilingkod sa bawa't isa sa kanila n~g ayon sa panahong pinagkasunduan nila na ipaglilingkod sa bawa't isa sa kanila. At kung sakaling hindi lubos ang pagkaalipin ay pagbabayaran ang kanyang paglilingkod sa panahon n~g kanyang kalayaan at ayon sa kanyang pagkaalipin.          *       *       *       *       *   =Pagcalayà n~g alipin.=   Ang m~ga aliping _sagigilir_ at _namamahay_ ay nakaaalis sa pagkaalipin kung nagbabayad sa pan~ginoon n~g katampatang halagá.   Ang halaga n~g salaping dapat ibayad n~g _aliping sagigilir_ upáng maging _aliping namamahay_ ay limang putol na ginto ó higit pa, at saká ang kalahati n~g boong hiyas at pag-aaring tinatangkilik, at kung sakaling may lumabis na isang paliyok ó ban~ga sa paghahati ay binabasag, at kung kumot ay hinahapak sa gitna; at upáng lubos na mawala sa pagkaalipin at maging _timawà_ ó _maharlika_ ay kailan~gang magbayad n~g sampung putol na ginto ó higit pa.   Ang paraan n~g pagbabayad ay nag-aanyaya n~g m~ga tao ang alipin at sa harap n~g pan~ginoon at n~g m~ga kaibigan ay ginagawa ang pagbabayaran at iba pang kailan~gan.   Di umano'y karaniwan ding ugali n~g m~ga Tagalog na sa oras n~g kamatayan ay pinapagiging laya n~g pan~ginoon ang m~ga anák n~g m~ga alipin na ipinan~ganak sa kanyang bahay.   At gayon din na kung ang sino mang laya ay magkaanak sa kanyang aliping babae ay pinapagiging laya ang anák sampu n~g alipin, na dili iba't siyang inugali ni Abraham kay Agar at kay Ismael.   TALABABA:   [5] Aní Rizal ay siyang lalong mabuti, dahil sa siyang nakapagpapayapa sa m~ga tao, sapagkat, anya'y may higit na tibay ang ugali kay sa isang kautusang nasusulat ó nalilimbag, lubha pa't itong kautusang nasusulat ay naipananaksil n~g m~ga may kapangyarihan. Ang katibayan, anya n~g isang kautusan ay wala sa pagkakalimbag sa isang dahon n~g papel, kung di na sa pagkalimbag sa ulo n~g magsisiganap, malaman mula sa pagkabata, maayon sa kaugalian at lalong lalo n~g kailan~gan na mátatag n~g walang pagkabago. Ang Tagarito n~gá, anyá, mula sa pagkabata ay nakatátanto n~g kanilang m~ga alamat namumuhay at lumalaki sa pan~ganorin n~g kanilang m~ga kaugalian, at hindi gaya n~gayon na nagtatatag n~g m~ga kautusan sa bayan na di man lamang nalalaman ó nauunawa at madalas pang binabago.   [6] N~guni't ani P. Placenecia ayon sa salaysay ni Dr. T. H. Pardo de Tavera, kung may hilig sa kanino man ang pan~gulo ay pumipili sa ibang balan~gay n~g mailalagay na pinakahukom at di umano'y may m~ga kilalang gayong tao na humahatol n~g walan hilig.   [7] Aní Rizal, ay napagkikilalang may malabis na kasunduan kay sa digmaan dito sa pagkakaayon-ayon n~g m~ga tuntunin, at di malayó anyang, may isang malaking pagkakasunduan dito; sapagka't ang pinakapan~gulo rito sa Maynilà, ay pinakapunong-hukbo n~g Sultan sa Borneo. Anya'y may m~ga kasulatan noong siglo XII na nagpapatotoo nito.   [8] Ang ganitong asal sa sarisaring anak, ani Rizal, na ang m~ga anak sa tunay na asawa ay nagsisipagmana n~g magkakasindami; ang m~ga anak sa babaeng kinasama ay nagmamana n~g isang gayon; ang m~ga anak sa alipin ay hindi pinamamanahan n~g ano man, n~guni't pinapagiging laya sampu n~g kanilang Ina; at ang anak sa kaagulo ay inaaring masamang uri ay nagpapakilala n~g taos na katalinuan at bait n~g m~ga dating Tagarito.   [9] Ang dating ugaling ito n~g m~ga Tagarito, ani Rizal, ay inuugali n~gayon n~g maraming lupain sa Europa, at anya'y wari lalong mabuti't matuid kay sa awáyin ang umagulo na ang kadalasang nangyayari ay siya pang nalalagay sa katua.   [10] Ani Rizal ay makapupong magaling kay sa kautusan n~gayon n~g m~ga Frances at m~ga Ingles, sapagka't anya'y wala nang iba pang magaling na humatol sa m~ga sigalot n~g sambahayan na gaya n~g matatanda't m~ga kamag-anakan nila na lubos nakatatalos n~g kanilang pamumuhay.   [11] Ito'y minagaling ni Rizal, dahil anya, tao rin sa kanikanyang umpok ang humahatol at sapagka't halal kapua n~g nagkakasira ay sapat makabatid n~g usap n~g ugali at lubhang mabuti kay sa hukom (n~gayon) na humahatol n~g usap na di niya talos, at sa m~ga taong ang kilos, pan~gun~gugali at wika ay gayon din. Dito n~ga, ani Rizal, ay napagkikilala ang pagkaurong natin sa pagkakaroon natin n~gayon n~g lubhang maraming kautusan at pasiyang kung ano-ano, hangang sa kung minsan ay kailan~gang magsakdal sa kataastaasang hukuman kung sakaling di nasiyahan sa hatol n~g hukom, at ang m~ga usapin ay nagluluat n~g di ano lamang na inaabot tuloy n~g m~ga anak, apo at pinagkakailan~ganang paggugulan n~g lubhang maraming salapi n~g naapi upang magtaglay n~g kaukulang hatol.   [12] Dito, ani Rizal, ay napagkikilala na ginaganap ang lubos na kaugaliang matuid sa m~ga pan~ganoring malayo-pilipino, dahil sa isinasa isa't isa ang kaukulang matuid.         =Ikapitong Pangkat.=   =Wikà=     Dito sa Pilipinas na gaya rin sa lahat n~g lupain ay may maraming wika, palibhasa't "ang bilang n~g pagkakapangkatpangkat, n~g wika sa isang lupain" anang isang manunulat, "ay naaayon sa pagkakahagdanghagdan n~g katalinuan n~g bayánbayán." N~guni't halos lahat n~g wika rito, maliban sa wikang _ita_ ay kagyat na wikang _malayo_, at ayon sa sapantaha n~g halos lahat n~g mananalaysay ay pawang suplíng ang lahat na ito sa isang matandang wika.   Ito'y lubos na mapaniniwalaan at may m~ga aklat at pangyayaring nagpapatotoo nito. Halimbawa sa aklat ni Padre Concepcion ay may nasasaysay, na "noong unang pumarito ang m~ga kastila ay nagsipagsama n~g isang tagapagpaaninaw (ó interprete) na malayo at nákaunawaan n~g m~ga tagarito." Ayon kay Padre Colin naman ay "may isang taga Kapangpan~gan na nakarating sa Sumatra (isang lupaing malaya) at sumapit sa isang dako na kanyang kinaringan n~g kanyang sariling wika at siya'y nakisagot na parang siya'y ipinan~ganak sa dakong yaon, anopa't tuloy sinabi sa kanya n~g isang matanda na kayo'y m~ga inapó n~g m~ga nagsialis dito noong unang dako na nan~gamayan sa ibang lupain at di na namin nan~gabalitaan (basahin ang Pinangalin~gan n~g Lahing Pilipino). At ako noong taong 1902 na naglalakbay na patun~go sa Melbourne ay nakipag-usap akong maminsanminsan sa m~ga grumeteng malayo sa bapor at madalas na kami ay nagkakaunawaan sa kanilang wikang malayo at sa aking wikang tagalog na gaya rin n~g pagkakaunawaan n~g m~ga portugés, kastila't italiano sa kanikanyang wika.   Datapua't sa m~ga wikang pilipino ay ang tagalog at bisaya ang m~ga pinakamalaganap. Ang dalawang ito ay masasabing magkapatid na wika sapagka't ang karamihan n~g salita ay magkapara at ang kaibahan n~g ibang m~ga salita ay nasa dulo lamang, na pagkain sa tagalog ay _un_ sa bisaya, gaya n~g _sulatin_ ay _sulatun_, _kanin_ ay _kanun_, _patayin_ ay _patayun_. At sa dalawa pang ito ay ang wikang tagalog ang siyang lubhang kilala na ani Baron Willam von Humbold ay "siyang pinakamayaman at pinakadalisay sa lahat n~g wikang _malayo polinesia_", at ani P. Chirino naman ay "ang luhang nakalugod at nakahalina sa akin ay ang wikang tagalog. At siya ko n~gang sabi sa unang arzobispo at sa ibang matalinong tao na nálalaman sa wikang tagalog ang m~ga kainaman n~g apat na pinakapan~gulong wika, dito sa sandaigdigan na dili iba't ang hebreo, griego, latin at kastila: sa hebreo ay ang m~ga kababalaghan at m~ga malalalim na kahulugan; sa griego ay ang m~ga artikulo at ang dali n~g pagbangit n~g ano mang n~galan, sa latin ay ang kayabun~ga't karikitan; at sa kastila ay ang pagkamagalang, pagkamapagpitagan at pagkamapagbigay-loob." Siyang totoó sapagka't ang wikang tagalog ay isang wikang naipagbabadya n~g tanang soloobin at damdaming sumasapuso't isip n~g tao. Nariyan ang ating m~ga awit, dalit, salawikain; ang ating m~ga padalahan, novena't dasalan; ang ating komedia, dupluhan, panawagan at bugtun~gan; ang ating kundiman at kumintang; ang ating m~ga palabas-dulaan, m~ga aklat, man~ga pahayagan at iba't iba pang nagtatanghal n~g kayamanan n~g tin~gig n~g wikang tagalog. Gayon din ang pagtula na sa wikang tagalog ay katutubo at lubhang mayamang gaya n~g wikang árabe, at malinaw nating namamalas sa m~ga awit, salawikain at babasahin ang gawi't sadyang pananalitang tagalog na patula. Sa tulang tagalog n~ga ay mapuno puno n~gayon n~g m~ga korrido ó awit ang ating m~ga tindahan n~g aklat. At sa tulang tagalog ay sumilang ang m~ga bantog na sina Francisco Baltazar G, Pilapil, at ibp.   Datapua't ang wikang tagalog, baga man mayaman at sagana sa tin~gig ay haluan din na gaya n~g inglés at iba't ibang wika, palibhasa't galing sa kamalayahan, saka nakapamayanan n~g m~ga tagá iba't ibang lupa: ano pa n~ga't sa wikang tagalog (sampú sa ibang man~ga wika rito) ay may nahahalaw na man~ga salitang árabe, gaya n~g _utak_, _alak_, _paningkayad_, _lahi_, _taksil_, _libo_, _lasap_, _sipat_, _sulat_, _luhod_, _salamat_, _salawal_, _hukom_, _hiya_, _asawa_ at ibp; may man~ga salita ring sanscrito, gaya n~g _kastuli_, _halaga_, _kalapati_, _kuta_, _pana_, _sinta_, _kasubha_, _tinga_, _tumbaga_, _laksa_, _yuta_ at ani Dr. Pardo de Tavera ay lahat n~g salitang may kahulugang katalinuan, kabaitan, damdamin, pamahiin, pan~galan n~g m~ga dios, n~g m~ga tala, n~g bilang na may kataasan, n~g m~ga halaman, n~g digma sampu n~g m~ga bagaybagay at hanga nito at katapustapusan ay ang m~ga pan~galan n~g m~ga titik n~g kamahala't pagkamaginoo, ang pan~galan n~g ibang m~ga hayop, n~g m~ga kasangkapang pangawa at ang pan~galan n~g m~ga salapi. Ano pa n~ga't ayon dito'y ating mapagbubulay na doon pa sa Malaya ay hiniram na n~g m~ga tagarito sa m~ga taga India ang m~ga salitang iyan at marahil ay noong panahong ang kapangyarihan n~g India ay lumalaganap sa kamalayahan na siyang pinagbuhatan n~g m~ga tagarito.   Bukod sa m~ga salitang hiram sa árabe at sa sanscrito ay may hiram rin sa m~ga insik, gaya n~g _susi_, _impo_, _chaa_, _pisaw_, _tinsem_, _sotanhon_, _mike_, _misua_, _pansit_, _bulang-lang_, _bihon_, _mangkok_, _suliaw_, at ibang m~ga salitang kalakal-insik.   Gayon din ang kastila, na sapagka't namuno ritong malaong panahon ay nakapaghalo rin n~g m~ga salitang tungkol sa pananampalataya, sa karunun~gan, sa kasangkapan at sa pagkain at ibapa, gaya n~g _Dios_, _Espiritu_, _Santo_, _Vírgen_, _manzanas_, _sapatos_, _kabayo_, _kumpisal_, _baso_, _misa_, _piso_, _tabako_, _parè_, _cura_, _pamalo_, _biguela_, _karwahe_, _tranvia_, _mantika_, at iba pa. Sa m~ga lupaing _malaya_ ay di natin masabing may hiram sapagka't ang m~ga tagarito ay malaya rin, at ito'y malinaw nating natutunayan sa pagkakahawig n~g m~ga salita sa m~ga salita n~g lahat n~g wikang malaya,[13] gaya n~g m~ga wika sa Java, Sasak, Makassar, Bugis, Bouton, Salayer, Tomere, Tomohon, Langowan, Ratahian, Belang, Tamawanko, Kema, Bantek, Menado, Bolang-Itam, Sanguir, Salibabo, Sula, Kaheli, Wayapo, Massaratty, Amblaw, Ternate, Tidore, Kaioa, Batchian, Gani, Sahoc, Galela, Liang, Morella, Batu-merah, Lariki, Saparua, Awaiya, Kamarian, Teluti, Ahtiago, Gah, Wahai, Goram, Matabello, Teor, Ke, Aru, Mysol, Dorey, Teto, Baikeno, Brissi, Sabu, Rotty Allor, Solor, Bajaw, at iba pa.   TALABABA:   [13] Basahin ang kay Alfred Russell Wallace na "The Malay Archipielago"     =Ikawalong Pangkat.=   =Pagbasa't Pagsulat.=     Tungkol dito sa pagbasa't pagsulat, ayon sa m~ga mananalaysay, ay pawang marunong bumasa't sumulat ang m~ga lalaki't babae rito.   Ang hitsura n~g sulat ay sulat-maláyo at di umano'y han~go sa sulat n~g m~ga taga Arabia.   Ang sa tagalog ay may labing apat na konsonante na gaya n~g sa Árabe at n~g wikang pahlabi n~g m~ga Persa noong Edad media; ang sa Pangasinan, Ilokano at Bisaya ay tiglalabing dalawa, at ang sa Kapangpan~gan ay lálabing isa; n~guni't ang paraa't ayos ay magkakaisa, gaya n~g makikita sa sumusunod:          *       *       *       *       *   =Sa Tagalog.= Ang m~ga bokal ay tatatlo lamang na gaya rin n~g sa árabe dahil sa ang _e_ at _i_ ay iisa at gayon din ang _o_at _u_.   [Baybayin: "a" "e,i" "o,u"]   Ang m~ga konsonante ay labing apat at kasama na n~g bawa't isa ang bokal. Ang bokal namang kasama ay nakikilala ayon sa tudlít na gaya rin n~g sa m~ga árabe. Pagca walang tudlit ay _a_ ang tinig, hlb.   [Baybayin: ba, ka, da, ga, n~ga, ha la, ma, na, pa, sa, wa, ya, ta]   Pagca may tudlít sa itaas ay _e_ ó _i_ ang tiníg, hlb.   [Baybayin: be ó bi, ke ó ki, de ó di]   Pagca may tudlít sa ibaba ay _o_ ó _u_ ang tiníg, hlb,   [Baybayin: bo ó bu, ko ó ku, do ó du]   Kaya't cung ang isusulat ay bata ay,   [Baybayin: ba]   [Baybayin: ta]; kung bató ay [Baybayin]; cung butó, ay [Baybayin]; kung bati ay [Baybayin] at iba pa.   Ang ayos n~g lahat ay ganito rin.   Ang may tudlit sa itaas ay _e_ ó _ú_ ang tiníg at ang tudlit sa ibaba ay _o_ ó _u_ na gaya rin n~g sa Tagalog.   _Sa Bulakan at Tundó._ Ang sa Bulacan at Tundó ay may caonting caibahan sa Tagalog at itong sumusunod:   M~ga bokal: [Baybayin: a, e ó i, o ó u]   M~ga konsonante:   [Baybayin: ba, ka, da, ga,ha, la, ma na, n~ga, pa, sa, ta, wa, ya]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD