chapter 5

2546 Words
=Sa Kapangpangan.=   Ito naman ang sa Kapangpan~gan.   M~ga bokal.   [Baybayin: a, e ó i, o ó u]   M~ga consonante.   [Baybayin: ba ka da ga la ma na n~ga pa]   [Baybayin: sa ta]          *       *       *       *       *   =Sa Pangasinan.=   Ang sa m~ga taga Pangasinan ay ito naman. M~ga bokal:   [Baybayin: a, e ó i, o ó u]   M~ga konsonante:   [Baybayin: ba ka da ga ha la ma na]   [Baybayin: pa sa ta wa]          *       *       *       *       *   =Ilokano.=   Ang sumusunod naman ang sa Ilocano. M~ga bokal   [Baybayin: a, e ó i, o ó u]   M~ga konsonante:   [Baybayin: ba, ka, da, ga, la, ma, n~g]   [Baybayin: pa, sa, ta, ya]            *       *       *       *       *   =Sa Bisayà.=   Ito naman ang sa Bisaya.   M~ga bokal.   [Baybayin: a, e ó i, o ó u]   M~ga konsonante.   [Baybayin: ba, ka, da, ga, ha, la, ma]   [Baybayin: na, pa, sa, ta, ya]   Ang ayos n~ga n~g lahat ay parapara na ang may tudlít sa itaas ay _e ó i_ ang tinig, at ang may tudlít sa ibaba ay _o ó u_.   Ito ang ayos n~g pagsulat n~g m~ga tagarito at sa ganito'y nagcacaunawaan at agad nailalakip n~g bumabasa ang letrang kulang at di umano'y nilalakipan din n~g m~ga tanda na gaya halimbawa n~g || na aní Mass ay inaaring m, n, t at ibp.; ano pa't gaya rin n~g wicang _pahlabi_ ó _pehlebi_ n~g m~ga persa noon Edad media.   Ang paraan naman n~g pagsulat n~g tagarito ay minumulan sa itaas na paibaba at pinasisimulan ang hanay sa dacong kaliwa at niwawakasan sa dacong kanan, na kaiba sa m~ga insik at m~ga hapón na minumulan sa kanan at niwawakasan sa caliwa.[14]   Ang karaniwang sulatán ay kawayan ó m~ga dahon n~g halaman na siya ring inugali n~g m~ga taga ibang lupain n~g di pa natutuclasan ang paggawa n~g papel at ang panulat na ginagamit ay matulis na bakal ó patpat at di umano'y tinatawag na _sipol_. Ang m~ga susulatín naman ay ang canilang m~ga tula at awit na siya nilang gawî ó kung dili ay ginagamit sa pagtatala n~g bilang n~g canilang m~ga hayop at m~ga kalakal at gayon din sa pagsulat n~g liham.   Ang paraang ito n~g pagsulat n~g m~ga tagarito ay agad napawì n~g masacop na n~g m~ga castila, at noong taong 1705, ani Padre Totanes, ay totoó n~g mahirap macasumpong n~g tagaritong nacasusulat n~g gayon; n~guni't ani Dr. Borrows ay gumagamit pa hangang n~gayon ang m~ga Tagbanua sa Paragua n~g gayong pagsulat.   TALABABA:   [14] Tungkol dito sa ayos n~g pagsulat n~g m~ga tagarito ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g m~ga mananalaysay. Ani Marche ay pahalang, ani Jambaulo na nakikita mandin n~g kasulatan dito na malaong panahon bago ipinan~ganak ang Pan~ginoóng Jesu-Kristo ay gaya rin n~g sabi ni Chirino na paibabang mula sa itaas, at ang sabi naman nina Colin at Esguerra ay patiwali sa nabangit, dahil sa anila'y paitaas na mula sa ibaba at ang pahalang ay inugali na lamang n~g dumating ang m~ga taga España.         =Icasiam na pangcat.=   =Asal at gawi=     "Ang m~ga tagarito"; ani P. Chirino. "ay hindi gaya n~g m~ga insic at hapón na mapagsikotsikot sa canilang pagbati, gayon man ay may sariling bait at asal. Lalong lalo na ang m~ga tagalog na sa salita at sa gawa ay m~ga magalang at mapagbigay loob. Nagsigaya sa atin (sa kanila na m~ga kastila) n~g pagbati na nag-aalis n~g putong na isang toalla ó diadema. Ugali rin na di tumatayo sa harap n~g m~ga taong canilang iginagalang, kungdi nauupo sa lupa n~g di lubhang sayad na nag-aalis n~g takip sa ulo at ipinapatong ang putong sa kaliwang balikat saka nakikipag-usap sa nakatataas sa kanila. Ang pag-galang na inuugali sa pagpasok ó sa pagcacasalubong ay ang magpakayukod at iunat ang isa ó dalawang kamay sa mukha: iduop sa m~ga pisn~gi, at saka maupo ó maghintay kayang tanun~gin n~g ibig; inaaring masama ang magsalita, kung hindi tinatanong...."   Sayang at di nasiyasat ni P. Chirino ang dahil n~g m~ga ganitong galaw, na marahil ay may catuturan. Sa India ay may isang bayan na cung magbatian ang m~ga tao ay tumitigil muna saca, idinuduop ang camay sa tapat n~g pusò (na tahanan n~g damdamin), itinutuloy sa noo (na tahanan n~g isip) at itinitigil sa bibig (na tahanan n~g salita),--na ang ibig sabihin ay bago co salitain ang aking na sa _loob_ ay akin munang _iisipin_ saca co bubukhin sa _bibig_: at di malayong ang gayong pag-galang n~g m~ga tagarito ay may cahulugan ding gaya naman n~g sa m~ga taga Indiang yaon.   Di n~ga caila na sa asal nakikintal ang pagcatao n~g tanang kinapal,--at ang bayang pilipino,--cung bagá ma't di siyang pinacasacdal ay di naman siyang pinacahamac. Marahil ay walang gasinong carunun~gan datapua't paraparang may sacdal na damdamin,--mapagpatuloy sa walang matuluyan, mapagbiyaya sa mahirap, at ito'y namamalas natin mula sa cayamanyamanan hangang sa carukharukhaan. Sa caibigan ay idinadamay ang buhay at sa isang pakitang loob ay iginaganti ang yaman.   Sa m~ga gawain ay gayon din, at ani Morga'y: "ang m~ga tagarito ay may mabubuting licás sa anomang hipuin, malilicsi't matatalino, bagá man maiinitin."   At sa paghahanap buhay ay di rin maliligtaan nino man ang cay Morgang salaysay na anya'y: "Ang gawa't hanap buhay n~g m~ga tagarito (na babae) ay manahi n~g sarisari; gumawa n~g saya, humabi n~g sinulid, at mag-ayos n~g bahay n~g canicanyang asawa't magulang, magbayó n~g palay na bibigasin, at maghanda n~g bala na, mag-alaga n~g manoc at baboy at man~gasiwa n~g bala na sa bahay, samantalang ang m~ga lalaki naman, ay siyang sa pagbubukid, sa palaisdaan, sa pagdadagat at pan~gan~gaso." Ano pa't dito sa licás n~g canilang pamumuhay ay malinaw na natatanghal ang matuid na gampaning isinatao n~g Maycapal, na ang magaang gawa ay sa babae sapagca't mahina at ang mabigat ay sa lalaki sapagca't malacas.   Sa acalá co, sa hangang dito ay sapat n~g makilala ang asal n~g tagarito sa canilang kilos at galaw, n~guni't hindi lamang ito. Sa wica man ay namamalas rin ang asal, palibhasa't siyang calulua n~g bayan: at sa _wicang tagalog_ hangang n~gayo'y nababacas pa sa m~ga batian ang tawag na _Ale_, mang ó mama (amain) Ginoó at iba pa na nagpapakilala n~g pagcamagalang; at gayon din ang tawag na _ka_ gaya n~g _ka Maneng ka Biang_ at iba pa na nagpapakilala n~g pagcacapatiran.   Sa catagang sabi n~ga ay di asal gubat na gaya n~g sabi n~g ibang mananalaysay, cungdi isang ugaling mahal na tangkilikin n~g alin mang lupaing may inimpoc na bait.         =Icasampung Pangcat=   =Pagkakalakalan.=     Ang pagkakalakalan dito na noon pang una'y laganap na bago natuklasan ito n~g m~ga taga Europa ay isa sa m~ga pinakamahalagang bahagi n~g kasaysayan n~g Pilipinas.   Kapagkaraka n~ga, di umano, ay may m~ga sadya n~g pamiliha't tiyangihan ang m~ga bayan-bayan at balabalan~gay, lalong lalo na rito sa Kalusonan at Kabisayaan, ang m~ga karaniwang kalakal ay bigás, palay, isda, kayo, almas, m~ga bun~ga n~g kahoy, hiyas at iba't iba pang m~ga kakainin kasangkapan at m~ga kagamitan sa lupaing ito.   N~guni't bukod sa m~ga pagkakalakalang ito n~g m~ga tagarito ay may pakikipagkalakalan rin sa m~ga kalapit lupain, lalong lalo na sa m~ga taga Malaya na nagsisidayo rito: kaya't n~g dumating rito sina Legaspi ay may isang sasakyan n~g m~ga morong malayo na totoo nilang nakalaban sa pulo n~g Bohol, at anáng m~ga nabihag (na m~ga morong malayo) ay pan~gan~galakal ang kanilang ipinarito. At sa Cebu man ay may nakatagpo rin ang m~ga kastila na sasakyang mula sa Siam na doo'y nakikipagkalakalan.   Sa China at Hapón ay di mapag-aalinlan~gan na ang m~ga tagarito ay may pakikipagkalakalan kapagkaraka dahil sa m~ga kasangkapang insik na dito'y nan~gasumpun~gan noong una, saka maraming katunayan na sa atin ay nagpapatotoo, gaya n~g sulat ni Legaspi kay Felipe II sa España, na anya'y: "Sa dako pa roon niring aming kinatitigilan ay may malalaking pulò na pinan~gan~ganlang Luzón, at Vindoro; na pinaparoonan taon-taon n~g m~ga insic at m~ga hapón, upáng man~galakal. Ang kanilang dala'y seda, lana, porselana, paban~go, tansò, lata, m~ga kàyong babarahin na may culay at iba pa. Sa pagbalic ay nagsisipag-uwi sila n~g gintô at pagkit. Ang m~ga tao sa dalawang pulong ito ay m~ga moro at pagcabili n~g m~ga calacal n~g m~ga insic at m~ga hapón ay kinacalacal naman sa iba't ibang pulò.   "Gayon din ang isang aklat n~g m~ga insic tungcol sa pagcacalacalan na sinulat ni Chau-lu-cua ó Chan Ju-cua na sa pagbangit n~g tungcol sa m~ga lupaing ito ay sinaysay na:   "Pagca ang m~ga sasacyan n~g man~gan~galacal (na insic) ay dumarating sa doon~gang ito (dito sa Pilipinas) ay dumodoong sa isang dacong lual ... na inaaring tiangihan, at doon nan~gan~galacal n~g m~ga calacal n~g lupain. Pagcadoong n~g sasacyan ay inaalayan n~g capitan ang m~ga mandarin n~g m~ga puting payong. Ito naman ay ginaganti n~g m~ga man~gan~galacal upang sila'y pagpakitaan n~g mabuting-loob n~g ginoong ito. Ang m~ga calacal n~g lupaing ay pagkit na dilaw, sinulid, perlas, susô, (ó sigay marahil), m~ga bun~ga n~g cahoy at cáyong yuta (na marahil ay sinamay ó huse ó pinya), ang calacal n~g m~ga insic ay porcelana, ginto, tinga m~ga basong sarisaring culay, cawaling bacal at m~ga carayom."   Ang paraan naman di umano, n~g pan~gan~galacal n~g m~ga insic dito, anáng ibang m~ga mananalaysay ay tinatambol ang canilang _gongs_ pagdating upáng malaman n~g m~ga tagarito na may sasacyan n~g calacal na dumating at agad naman sumasalubong ang m~ga tagarito na sumasacay sa canilang m~ga munting bangca.   Bucod sa nan~gabangit na lupaing ay nan~galacal rin dito marahil ang m~ga taga iba't ibang lupain sa Asia, sapagca't noong siglong ica labing pito, ani P. Delgado, ay nakikipagcalacalan rito ang m~ga taga Malabar, taga Koromandel, taga Bengala, taga Kambodhe, at marami pa.   Balican co uli ang m~ga calacal ay di dapat ligtaan ang calacal na alipin na di umano'y dito napagkikilala ang yaman n~g m~ga tagarito na gaya rin marahil noong panahon nina Abrabam, na ang may pinacamaraming alipin ay siyang pinacamayaman. Ang pinacamalaking pamilihan sa calacal na ito ayon sa m~ga casaysayan ay sa Butuan, (Mindanaw,) na doon nagdadalá ang m~ga tagá Borneo, at taga iba't ibang lupaing calapit upang magbilí, hangang sa nagcamurang totoo, na noong 1573 ay ipinagbili rito sa Maynila, n~g anim na piso't cahati lamang ang isá. At maraming sasacyan dito sa Luzón, anáng isang mananalaysay, ay dumadayo sa Butuan, upáng mamili, sapagca't bucod n~ga sa m~ga bihag n~g m~ga moro roon na ipinagbibili ay nagbibili rin, di umano, pati m~ga insic at hapón n~g m~ga galing namán sa canicanilang lupain.   Gayon din ang calacal na sigay na isa sa m~ga calacal na dinadayo rito n~g m~ga taga Siam, taga Kambodhe at m~ga taga iba pang lupain dahil sa siyang pinacasalapi sa canicanilang lupain.   Bagay naman sa m~ga mahalagang bató rito na ang iba'y kinacalacal n~g m~ga tagarito ay di co na bangitin dahil sa nan~gan~gailan~gan n~g totoong mahabang salaysay sa cayamanan n~g lupaing ito sa m~ga mahalagang bató.   Tungcol sa pagbabayaran ay hindi gumagamit n~g salapi, cung di gintong durog ang itinitimbang na totoong macapal sa lupaing ito anang m~ga mananalaysay. Ang pan~galan n~g m~ga panimbang, ani Dr. Pardo de Tavera, ay pan~galang insic gaya n~g _tael_ ó _tae_ na nababahagi n~g dalawang _tinga_ at isang _tinga_ ay may isang _sapaha_ at isang _sapaha_ ay pitong _sema_ at ang caliitliitan, di umano, ay ang _sangasahe_; n~guni't sa pagtimbang n~g m~ga calacal ay gumagamit n~g _pikul_. At sa pagsucat ay dangcal, sico at dipa ang inuugali. Sinasapantaha rin ni Dr P. de Tavera na dito'y nagcaroon n~g m~ga salaping galing sa India, dahil sa tawag na _salapi_ na pan~galan n~g salapi sa India.         =Ikalabing isang Pangcat.=   =Sasakyang-tubig.=     Ang m~ga tagarito ay gaya rin n~g hapón at ibp. na nagkaroon n~g kanilang m~ga sasakyan-tubig na ayon sa kanilang katha. Kung paano at saan nila pinag-aralang gawin ay di natin batid, bagá man sa akala ko'y sa kamalayahan Ang m~ga sasakyang ito ay siya nilang ginamit sa pamamalakaya n~g isda sa pagtawid-tawid at pagkakalakalan at gayon din sa pakikidigma.   Tungkol sa m~ga sasakyang ito, ani Morga, ay sarisaring hitsura. Ang iba'y m~ga bankáng lulanán n~g kanilang m~ga kalakal na m~ga isinasadsad cung gabi sa m~ga pasigan at baybayin, at ang iba sa m~ga ito ay malakílalakí na iisahing layag at taganás na tablang pinapagduopduop. Ang m~ga ito ang canilang ginagamit sa m~ga ilog at bangbang na nan~galoloob sa lupain. Nagsisigamit din n~g m~ga balan~gay na malalaking sasacyan at matutuling patacbuhin magíng sa unahan at magíng sa hulihan at nacapaglululan n~g maraming mangagaod sa magcabicabilang panig at napatutulin n~g tulong n~g saguan, pangaod at tikin habang tinitimban~gan n~g iba sa magcabilang panig na tuloy tinutugmaan nilang lahat n~g m~ga awit[15] na siya nilang pinagcacaunawaan cung patatacbuhin n~g matulin ó n~g marahan. Sa ibabaw nito ay may isang lapag na nacatatakip sa m~ga mangagaod. Ang lapag na ito ay matibay na nalalacaran n~g m~ga taong pangdigma at nilululanan n~g ayon sa caya n~g sasacyan. Sa lapag na ito naglalagay n~g layag na pinapagtitibay sa dalawang cahoy ó cung may calac-han ang sasacyan ay pinapagtatatlo ang cahoy ó cawayan at ang namamahala naman sa tun~go n~g takbo n~g sasakyan ay sa hulihan lumalagay. Bukod dito'y may hinubugang balangkas na may atip na pawid at siyang ginagamit na pinakakarang kung umuulan ó sumisikat ang araw: anó pa,t, pawang nasisilong ang tanáng lulan. Ang magkabilang panig n~g sasakyan ay may katig na malalaking kawayan na duopduop na baga ma,t, sumasayad sa tubig ay dí nakababagal sa takbo at ito'y siyang tumitimbang na mabuti sa sasakyan at nakahahadlang tuloy sa pagkataob kung sakaling napúpunô n~g tubig. Ngunit may lalo páng malalaki na nakapaglululan n~g isang daang mangagod sa bawa't panig at sa ibabaw ay tatlong pung sundalong pandigma.[16]   Sa m~ga tagarito naman, dí umano, ay maraming marunong tumabas at gumawa n~g m~ga sasakyang-tubig, na lalong lalo na sa Katanduanes na aní Morga ay magagaling na mangagawa ang m~ga tagaroon na nan~gakagágawa n~g malalaki,t matutulin na ipinagbibili nila sa m~ga kalapit pulo. At saká dí umano'y nan~gakagágawa rin n~g m~ga huegong sasampuin at lalabing dalawahin na pinapagsususonsuson at pawang buong puno na pinag-ukáan lamang saka pinapahiran n~g alkitran.   TALABABA:   [15] Ani Colin ay m~ga awit na kanilang isinasaulo at itinutugma na kanilang paggaod sa m~ga sasakyan, at binabangit sa kanilang m~ga pistaha't sayawan at sa lahat n~g gawaing pinagtutulun~gan. Ang binabangit, di umano, sa m~ga pag-awit ay ang m~ga kagilagilalás na pamumuhay n~g kanilang m~ga Dios.   [16] Ang m~ga tagarito, ani Rizal, na di lubhang alan~gan sa m~ga taga Marianas tungkol sa pagdadagat ay dí lamang dí nasulong, kungdí naurong pa sa katalinuang ito, at kung baga man anya't n~gayo'y nakagágawà rito, n~g m~ga sasakyang-tubig ay halos pawang kaanyo na n~g sa m~ga taga Europa. At yaong m~ga sasakyang nakapaglululan n~g isang daang mangagaod at tatlong pung sundalong pandigma ay naparam na; at ang m~ga lupaing ito na noong unang dako ay nakagágawa n~g m~ga sasakyang halos 2000 tonelada ay nan~gan~gailan~gan na n~gayong sa m~ga kalapit lupain magpagawa na gaya sa Hong-Kong upáng doon ibigay ang salaping kinukuha rito sa m~ga mahirap.         =Ikalabing dalawang pangkat.=   =Almás=     Ang m~ga almás na ginagamit n~g m~ga tagarito, anáng m~ga unang nakakita ay pana't bosóg, sibat, sungdang, sandata ó kris, talibong, kampilan, baluti na sun~gay n~g kalabaw na di umano'y sa Siam nangagaling at iba't iba pa na hangang n~gayo'y ginagamit n~g m~ga moro at n~g m~ga taong gubat. Nagsisigamit din n~g sarisaring kalasag at n~g m~ga damit na cuero at iba pa na sa labanan ay makasasangalang sa kanilang katawan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD