chapter 6

2524 Words
Bukod dito'y nagsigamit n~g almás na nakapagpapahilagpos n~g maraming sibat, n~g m~ga lantaka ó m~ga munting kanyón: kaya n~g dumating rito di umano, ang m~ga kastila ay nan~gakasumpong dito sa Maynila, Kainta, Taytay at Lubang n~g m~ga kuta na may m~ga lantaka ó munting kanyon.   At dito sa Maynila, anáng ibang m~ga mananalaysay ay nagkaroon n~g pagawaan n~g kanyón at n~g pabubuan n~g pulburá, na di umano'y wari nasa pan~gan~gasiwa n~g isang portugés at n~g isang tagarito na nagn~gan~galang Panday Pira.   Sa Kabisayaan ay wari gumamit din n~g m~ga almás na ito, dahil sa isang sulat ni Legaspi sa hari tungkol sa m~ga morong natuklasan sa Panay, na anya'y: "Itong m~ga huli ay may m~ga artillería (ó pagawaan at pabubuan n~g kanyón, baril at pulburá) na sila rin ang bumububô at gumágawa pati n~g m~ga pulburá at n~g iba't ibang almás" saka niya sinundang "Ipinadadala ko po sa iyo iring dalawang almás na tanso na yari n~g m~ga moro sa lupaing ito upáng paniwalaan po n~g iyong kamahalan ang katalinuan nila sa paggawa at pagbububô n~g m~ga canyón."   Ani J.P. Sanger at n~g m~ga kilalang mananalaysay n~gayon ay sa m~ga insic at m~ga moro marahil nan~gatuto nito.         =Ikalabingtatlong Pangkat.=   =Dating ugali tungcol sa Pag-aasawa.=     Lahat n~g lupain ay may canicanyang caugalian sa pag-aasawa, at ang Pilipinas, palibhasa'y isang lupain, ay may sarili ring caugalian tungcol sa bagay na ito.   Sang-ayon sa ugaling ito cung nag-aasawa ang sinoman ay pinagsisicapan na ang maging asawa ay caangcan at cabalan~gay, maliban sa lubhang malapit na camag-anac na ibinabawal.   Ang sino man ay hindi nacapag aasawa n~g hihigit sa isa, at cung sacaling may ibang kinacasama, ay pinan~gan~ganlang _sandil_; datapwa't, sa Bisaya, palibhasa'y malapit sa Mindanaw, ay inuugali n~g iba ang asal n~g camorohan na nag-aasawa n~g dalawa ó tatlo, bucod pa sa m~ga kinacasama.   Sa pag-aasawa naman ay kinauugalian na ang maginoo ay sa kapwa maginoo, ang timawa ay sa kapwa timawa at ang alipin ay sa kapwa alipin; n~guni't naghahalo-halo rin kung minsan, ano pa't mabuti (ani Rizal) kay sa dating ugali sa Roma at sa ibang lupain sa Kanluran ó Europa na ang may mababang uri ay hindi na naaaring makapag-asawa ó makalakip sa may mahal na uri.   Bago ipagdiwan ang pag-aasawa ay pinagkakayarian muna ang ipagkakaloob na _bigay-kaya_ (dote) na sa Bisaya ay _bugey_.   Ang nagbibigay n~g _bigay-kaya_[17] ó _bugey_ ay ang lalaki,[18] na hindi gaya sa Europa na babae ang nanunungkol nito[19].   Pagkatapos na pagkayarian ang _bigay-kaya_ ó _bugey_ ay ipinagdidiwan ang pag-aasawa. Ang pagdidiwan namang ito ay naaayon sa kalagayan n~g magaasawa.   Ang maginoo kung ibig mag-asawa sa kauri ay nagpapasugo n~g m~ga maharlika ó timawa upang siyang lumakad n~g pag-aasawa niya. Bago yumaon ang m~ga ito ay nagdadala n~g isang sibat, sibat n~g maginoong mag-aasawa, at pagdating sa bahay n~g magulang n~g kakaisahing-dibdib, ay isinasaksak ang sibat sa hagdanan na nilalakipan n~g pagdalan~gin sa kanilang m~ga diyos at m~ga kanunuan upang sila'y kalin~gai't pagpalain sa kanilang pakay. Pagkatapos n~g pagkakasunduan ay ginaganap ang pagkakaloob n~g _bigay-kaya_ na ang karaniwang halaga ay isang daang putol na ginto na maaaring palitan n~g m~ga alipin ó m~ga hiyas. Kung magkagayo'y sumasama ang babae sa pagparoon sa bahay n~g kanyang bibiyanin na pasan n~g isang lalaki at pagdating sa hagdanan n~g bahay n~g magiging asawa, ay nagpapakunwari munang ayaw pumanhik, at sa ganito'y sinasalubong n~g biyanan at pinan~gan~gakuan na pagkakalooban n~g isang alipin; kung makapanhik na, ay nagpapakunwa uli n~g hindi pagtuloy agad, hangang sa di muna pan~gakuan n~g panibago, at gayon din sa pagpapakain at pagpapainom. Pagkatapos n~g m~ga pagpapakunwang ito at pag nagkatabi na ang lalaki at ang babae, ay tumatayo ang isang matanda at sumisigaw na tumahimik ang lahat, saka sinasabing: _Si Gat Maitan ay nakikipag-isang-dibdib kay Dayang Matî; n~guni't kung kanyang pababayaan at hindi niya kakalin~gain, ay iiwan siya at di sasauli sa kanya ang "bigay-kaya", at si Dayang Matî ay mag-aasawa sa iba. Datapwa't kung si Dayang Matî naman ay masamang asal ay babawiin sa kanya ni Gat Maitan ang "bigay-kaya", iiwan siya at mag-aasawa sa ibang babae,_ saka pinasasaksihan sa m~ga kaharap. Pagcatapos nito ay kumukuha n~g isang pingang kanin, lumalapit ang isang matandang babae at hinahawakan ang m~ga kamay n~g m~ga nag-iisang dibdib, na idinuduop muna sa tapat n~g puso saka pinapagkakamay at kung magkayo'y tinatagnan ang pingan n~g kanin at isinasabog sa lahat, saka sumisigaw n~g malakas ang matandang babae na tinutugon naman n~g gayon din n~g m~ga kaharap at sa ganito'y mag-asawa na ang lalaki't babae.   Ang timawa cung mag-aasawa sa capwa timawa ay di na nagdidiwan n~g ganito, cundi pinaglalapit lamang, pinapagsasalo n~g pan~ginoon sa isang lumbó, saca sumisigaw ang matandang babae at mag-asawa na.   At ang m~ga alipin (sagigilir, marahil), palibhasa'y nan~gamaman~ginoon ay di na nagdidiwan n~g ano pa man, cundi sucat na lamang sa pagcacasunduan ay mag-asawa na.   Sa Bisaya naman at gayon din sa ibang lalawigan n~g catagalugan ay may ibang ugali. Mula sa pagcabata ay ipinakikipagkasundo n~g magulang ang canyang anac, at sa ganito'y ipinagpapauna ang calahati n~g _bigay-kaya_ ó _bugey_ na ipagcacaloob na ang tawag sa Bisaya ay _kalabgayan_. Datapwa't cung ang sino man sa magulang n~g lalaki ó babae ay magkulang tungcol sa usapan ay pinarurusahan n~g ayon sa utos at gayon din cung sacaling umayaw ang sino man sa m~ga bata, dahil sa pagsapantahang ang magulan ang nag-udyoc ó humicayat. N~guni't cung ang magulang ay patay na, ay nagsasaulian lamang n~g ipinagpauna at di na naguusapin.   Inuugali rin ang sa paglilingcod ó sa pa ninilbihan na sa Bisaya'y tinatawag na _pangagar_, na ang lalaki ay naglilingcod sa magulang n~g babae hangang sa gayong panahon, at ang cadahilanan n~g ganitong paglilingcod ay upang mataroc ang ugali't asal n~g lalaki cung mácacasundo, na siyang dating caugalian n~g m~ga Hebreo ó m~ga taga Israel: caya't si Jacob ay naglingcod muna sa canyang biyanang cay Laban bago naging-asawa si Rakel.   Pagdating n~g tadhanang panahon ó matapos cayang maibigay ang caganapang _bigay-kaya_ na pinagcasunduan, na ang tawag nito sa Bisaya ay _ligay_ ó _dahik_, ay ipinagdidiwan ang pagcacasal ó pag-aasawa sa ipinaghahanda pa't pinaggugugulan n~g lalaki, ayon sa canyang caya't calagayan.   Datapua't bucod sa _bigay-kaya_ ó _bugey_, na cabuoan n~g _kalabgayan_ at n~g _ligay_ ó _dahik_, ay tungculin n~g lalaki na magcaloob nitong m~ga sumusunod, na lahat ay pawang may canicanyang tawag ó pan~galan: ang caloob na ibinibigay sa pagpanhic sa bahay n~g biyanan ay pinan~gan~ganlang _pasaka_; ang ipinagcacaloob n~g lalaki upang maca upong casiping n~g cacaisahing-dibdib ay _patupar_; ang ipinagcacaloob sa biyanang babae dahil sa m~ga puyat na dinanas at sa gatas na naipasuso sa panahon n~g pag-aalaga, ay _himaraw_ ó _himuraw_ at sa tagalog ay _panghimuyat_ (galing sa salitang pagpupuyat) at di umano'y ang karaniwang ipinagkakaloob ay halagang walong piso; ang ipinagkakaloob sa bumilang n~g _kalabgayan_ ó ipinagpauna n~g _bigay-kaya_ ay _binarian_ at ito'y binibilang sa tugtog n~g kampanang ginagamit at di tinitigilan ang tugtog hangang di matapos ang pagkakasal; ang ipinagkakaloob sa lumakad n~g pag-aasawa ay _himukaw_; kung bao ang babae, ay pinagkakalooban din ang kapatid n~g kinabauhan at pinan~gan~ganlan _himalo_ ang kaloob na ito; ang ipinagkakaloob sa m~ga alipin n~g biyanan ay _pankol_; ang ipinagkakaloob sa natigatig sa bagay bagay n~g pag-aasawa ay _pahinankol_; ang ipinagkakaloob upang maisama ang babae sa bahay n~g lalaki ay _padara_ ó _patabuk_ kung sakaling itatawid pa ng ilog ang ipinagkakaloob, upang mahugasan ang m~ga paa n~g babae pagdating sa bahay ay _pamaú_; at ang ipinagkakaloob sa pag-aalis n~g panyo sa ulo ay _patakas_. Ito'y sa Bisaya n~guni't sa Tagalog man di umano ay ganito rin.   Kung sakaling malaki ang _bigay-kayang_ ipinagkaloob n~g lalaki ay pinagkakalooban naman n~g biyanang kaniya ang anak n~g tinatawag na _pasunod_, na dili iba't isang kuintas na ginto ó dalawa kayang alipin; at ani Colin ay isinasauli ang boong _bigay-kayang_ ipinagkaloob kung maging masunurin ang manugang, at kung hindi ay binabahagi sa m~ga dapat magmana; datapuwa't ani Delgado, ay patanaw-tao lamang na ipinamamalas sa m~ga nagsidalo, dahil sa ang m~ga yao'y hiram na isinasauli pagkatapos.   Sa pagdiriwang n~ga pagkakasal ó pag-aasawa ay humaharap ang _katalona ó babaylona_ na isang matandang babae na siyang tagapan~gasiwa sa m~ga ganitong bagay. Ang lalaki't babae ay nauupo sa dakong kinauukulan nilang upan ó kung dili ay sa kandugan n~g isang matandang babaeng kamag-anak na siyang pinaká-iniina. Pinapagsasalo nito n~g pagkain ang lalaki't babae sa isang pingan at sa pag-inom sa isang lumbo, at pagkakai't pagkainom ay hinihiling n~g lalaki na maging asawa niya ang kanyang kaharap at pagpapaoo n~g babae ay pinagpupurihanan n~g m~ga kaharap na saksi sa pagdiriwang yaon, saka binabasbasan n~g tagapan~gasiwa at tuloy binabati na sila nawa'y guminhawang lubos, magkaanak, magkalupain at magtaglay n~g mahabang pamumuhay. Kung magkagayo,y sumasayaw na sinisibat ang isang baboy na handa na kapagkaraka at dito natatapos ang pagkakasal, saka naman ipinagdidiwan n~g m~ga inanyayahan na pinupuri ang bagong kasal na nan~gagsasayaha't nan~gaglalasin~gan. Ang pagdiriwang ito ay hangang sa paglubog n~g araw at ang iba'y tumatagal n~g ilang araw ayon sa kalagaya't katungkulan n~g ikinakasal.   Kung sakaling di nagkasundo ang lalaki't babae ay nagdadaos n~g panibago at muling naghaharap n~g isang baboy, na sa harap noo'y sumasayaw ang lalaki na may hawak na isang sibat, at habang sinisibat ang baboy ay nakikipanayam sa kanyang _diwata_ ó _dios_ at hinihiling na papagkaisahing lubos ang kanilang kalooban at sa gayo'y inaasahang ang lalaki't babae ay magkakasunod at mabubuhay na payapa.   Kung ang mag-asawa naman, sa kanilang pagsasama ay hindi magkaanak, ay tinutulutan n~g babae na lumakip ang lalaki sa kanilang aliping babae na dati ring kaugalian n~g m~ga Hebreo at ito't ating natutunghan sa Banal na Kasulatan na tinulutan ni Rakel si Jakob na lumakip sa kanyang aliping kay Bala, dahil sa siya'y hindi mag-kaanak.   Tungkol sa m~ga anak, ay ang anak lamang sa asawa ang kinikilalang anak sa kautusan at ang sa _sandil_ ó babae ay hindi.   Kung nagkakaalit, ang mag-asawa ay naghihiwalay, at ang humahatol sa m~ga ganitong sigalot ay ang m~ga kamag-anakan nila't ang m~ga matatanda at ito, ani Rizal, ay lalong mabuti kay sa kautusan n~g m~ga inglés at n~g m~ga frances tungkol sa paghihiwalay n~g mag-asawa, sapagka't sa m~ga ganitong sigalot n~g m~ga kabahay ay makapupong mabuting humatol ang m~ga kamag-anaka't matatanda kay sa sino mang pantas at hukom, magpakadunong dunong man. Basahin ang Kaugalian Pinanununtunan sa kapasla~gan at Sigalutan.   TALABABA:   [17] Ang _bigay-kayang_ ito, ay sinapantaha n~g m~ga manunulat na pagbili sa babae; n~guni't sa akala ko ay dahil sa di nila pagkabatid n~g kahulugan n~g salitang ito na dili iba't kaloob ó handog na ayon sa abot n~g nagdudulot at hindi bayad: kaya't kay Rizal, ang asawang tagalog ay hindi babaeng insik ó aliping mahometana na nabibili sa magulang ó sa _bazar_ upang pagtamuhang lugod n~g asawa ó pan~ginoon; at hindi rin babaeng taga Europa na sa pag-aasawa ay nawawala ang pan~galan, (kundi ang asawang tagalog ay malaya at pinakukundan~ganan, siyang sinasangunian n~g lalaki sa ibang gagawin; siya ring tagapag-in~gat n~g salapi at siyang nan~gan~gasiwa sa m~ga anak na ang kalahati ay kanya ano pa n~ga't ang bigay kayang ito ay hindi bayad, (ani Rizal) kungdi isang alaala sa pagod at puyat na ginugol n~g magulang sa pagpapalaki sa kanya.   [18] Lalong mabuti, ani Rizal, na lalaki ang manungkol n~g pagkakaloob n~g _bigay-kaya_ kay sa babae, dahil na sa ganitong paraan, ay hindi nagkakalalayo ang magmamagulang, samantalang sa Europa, kung magkaasawa ang lalaki n~g mayaman at magkasalapi ay nagkakalalayo na.   [19] Matwid, ani Rizal, na ang babae ang pagkalooban n~g _bigay-kaya_ (dote), sapagka't ang babaeng pilipina ay hindi isang pasan maging sa asawa at maging sa magulang, kundi tulong, at sa ganito'y kailan~gang alalahanin n~g ano mang kayang kaloob ang kanyang nilisang magulang sa pagkahiwalay niya. At ang gayon pa mang magulang na n~g babae ang tumatangap n~g _bigay-kaya_ at hindi siyang nagkakaloob, ay namamalas pa rin ang malabis na kapanglawan, na kaiba sa Europa na wari ipinagmamadalian n~g magulang na ihiwalay ang anak na dalaga hangang sa lumalabas na katuwan hitsura kung minsan ang ina.   Bukod dito, ani Rizal din, kung nag-aasawa ang lalaki ay hindi nagtataglay n~g mabigat na pasan sa pag-aasawa, kundi bagkus nakakasumpong n~g kasama't katulong sa pag-aayos n~g kanyang pamumuhay kaya't ang babaeng pilipina ay hindi namamalakaya n~g asawa, kundi pumipili n~g kanyang ibig.         =Ikalabing apat na Pangkat.=   =Dating Kaugalian Tungkol sa Paghihin~galô, Paglilibing at Pagluluksâ.=     Ang dating ugali n~g m~ga Tagarito tungkol sa bagay na itó, ay hindi lubhang kaibá kay sa dating ugali n~g iba't ibang lahi at lupain. PAGHIHIN~GALÔ:   Kun ang sino man ay may-sakít at naghi-hin~galo ay nagdáraos n~g kanilang kaugalian, na ang gumaganap ay ang _katolona ó katalona ó babaylana._ Ang _katolona_ ay siyang pinaka _paré _ ó pinaka _pastor_ na tagapan~gasiwa sa anomang pagdiriwan na kinaugaliang gawin. At ang _katolona,_ kung dumádalo sa ganitong pagdiriwan, ay nagpuputong sa ulo n~g inikid na bulaclác, nagsusuót n~g canyang m~ga hiyás, nagdadalá n~g canyang m~ga gamit na casangcapang lalagyán n~g alác at canin at sa harap n~g isang baboy na buháy at nang m~ga pagcaing nahahayin ay sumasayaw na dumadalan~gin sa _anito_ ó _diwata_ na kanilang pinapan~ginoon, at pagkatapos ay hinuhulaan kung ang may-sakít ay mamamatay ó hindi. Habang ginanagawa itó n~g _katolona_ ay itinutugma ang canyang sayaw sa tugtog n~g isang campana saca humahawac n~g isang sibat na isinisibat sa baboy, at pagcamatay ay inilalagay sa pingan at inihahayin sa pinaka _alta_ ó dambana na casabay n~g canin, saging, alác, at iba pang pagcain. Kung matapos ang m~ga pagdalan~gin ito at ang maging hula ay gagaling ang may-sakit, sila'y nan~gagsasaya't at nagkakainan, naglalasin~gan at tulo'y inaawit ang m~ga pagca bantog n~g m~ga kanunuan n~g may-sakit, na siyang m~ga _anito_ ó _duratang_ canilang dinadalan~ginan; n~guni't kun ang naging hula ay mamamatay, inaaliw n~g katolona ang may-sakít sampu n~g m~ga pinagcacasactan, at sinasabing ibig n~g m~ga _anito_ na ang may-sakít ay macasama nila at mácabilang. Sa ganito ay maginhawang namamatay, ang may-sakít, sanhi sa paniniwalang siya'y luluwalhati, sa cabilang buhay[20] at gayon din ang m~ga cabahay na sa pananalig na ang may-sakít ay luluwalhati, hindi na nan~gagtataglay n~g samá n~g loob, kundi ang pagbibilin na cung siya'y mapasa caginhawahan sa cabilang buhay ay alalahanin sila at huag limutin, tuloy nagagsasaya, nagcacaina't nag-aawitan. Sa casayaha't pagcacainang ito, ang katolona ang cumacain n~g pinacamabuting lamán n~g baboy at n~g iba pang m~ga hayin[21]. Datapwa't kun ang pagsasayang ito ay abutin n~g pagcalagot n~g hininga n~g may-sakít ay agad itinigil ang pagsasayá at ang nahahalili ay ang panaghuyan n~g m~ga cabahay dahil sa pagcalisan sa canila at ang ibang nakikinabang sa namatay dahil sa mawawaláng sila n~g pagcacakitaán at di umano'y bumabayad pa n~g ibang m~ga tagapanaghoy.[22] Pagkatapos na mataghuyan ay hinuhugasan[23] ang bangkay sa tugma n~g isang mapanglaw na tugtugin na sinusuob n~g m~ga panuob na dagta n~g m~ga kahoy na di makapagpapabulok[24] at ang m~ga ito'y nangatutuklasan sa m~ga bundukin dito sa Pilipinas, saka binibihisan n~g m~ga pinakamainam na bihis, ayon sa kalagayan n~g namatay na tuloy sinapatan. Ang m~ga may kapangyarihan ay pinapaban~guhan[25] bukod pa sa sinusuob at ginágamot[26] n~g m~ga gamot na di makapagpapabulok na pinakatatan~gi ang katás n~g aloe. Ginagamit din ang katás n~g ikmo na ibinubuhos sa bibig anopa't, mapasok hangang sa tiyan, at sa ganito, n~g makaraan ang malaong panahon ay maraming bangkay ang násumpun~gang di pa bulok ó tunaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD