chapter 7

2515 Words
Matapos mapanan~gisan at malapatan n~g gamot na laban sa pagkatunaw ay isinisilid sa kabaong, datapwa't bago isilid ay ginagayakan at nilalagyan n~g m~ga putól-putól na gintô sa bibig at sa m~ga mata[27]. Ang kabaong naman ay buong kahoy na may takip na lapat: anopa't, di masisimuyan n~g han~gin ang loob, at ang tabas at anyô ay parang munting bangka.   Pagkatapos n~g lahat na ito ay inililibing at sa paglilibing ay walang ano mang paghahatiran ó kung sakali ma'y ang m~ga kasambahay lamang ang nagsisisama; n~guni't ani Colin, ay may m~ga tagapanaghoy na nagsisipanan~gis.          *       *       *       *       *   =PAGLILIBING=   Tungkol dito sa paglilibing ay iba ang sa m~ga taga Bisaya at iba ang sa m~ga taga Hulo at Mindanaw.   Ang m~ga Tagalog ay naglilibing n~g kanilang bangkay sa kanikanyang sariling bahay, na iniin~gatang malaon sa m~ga kaban ang m~ga buto[28] at iginagalang ang m~ga bun~go[29] na parang buhay at kaharap.   Ang m~ga kabaong na ito ay inilalagay sa tatlong dako, ayon sa ibig at pasya n~g namatay: sa itaas n~g bahay na kasama n~g m~ga hiyas[30] ó sa ibaba kaya sa lapag ó kun dili ay sa silong na inilalagay sa hukay na di tabon at nababakuran, saka sinisipin~gan n~g isang baul na punô n~g m~ga pinakamaiging damit n~g namatay at tuloy hinahainan n~g sarisaring pagkain sa oras oras. Ang m~ga lalaki ay sinisipin~gan n~g kanilang m~ga kasakbatan at ang m~ga babae ay n~g kanilang kasangkapang pangawa.   Kung minsan ay inilalayo sa bahay at kung gayon ay nagsisiga sa silong at tuloy tinatanuran ang bahay dahil sa baka magbalik at kunin ang iba pang nan~gatitira, n~guni't ani Delgado ay dahil sa nilalapitan n~g asuwang ó n~g ibang hayop at sinisira ang kabaong hangang sa umalin~gasaw at di tuloy main~gatan.   Pagkatapos na mailibing ang bangkay ay nagdiriwang n~g isang kasayahan sa ikatlong araw na ang tawag ani P. San Antonio, ay _tibaw_ at sa bahay n~g namatayan idinaraos[31]. Sa pagdiriwan n~g kasayahang ito ay naglalagay sa pintuan n~g bahay n~g isang pasóng tubig upang mapaghugasan, n~g isang banig na may abo upang mabakas ang m~ga paa sa pagpasok; at sa dulang ay tinataanan n~g pinakapan~gulong upuan ang namatay saka nagkakaina't naglalasin~gan na tuloy inaawit ang pamumuhay at kagalin~gan n~g namatay, kung siya'y naging magaling na man~gan~gaso ó mamamalakaya ó sa ibang bagay kaya.   Ang m~ga taga Bisaya naman ay karaniwang naglilibing sa m~ga yun~gib[32] n~g m~ga bundok at ang tabi n~g libin~gan ay hinahainan n~g m~ga pagkain at sinisipin~gan n~g kaban n~g damit at kung lalaki ay sinisipin~gan n~g m~ga kasakbatang ginagamit nila gaya n~g sibat kalasag at ibp. tuloy pinababaunan n~g m~ga kambing baboy usa at ibp. at kung sakaling naging matapang at mabuting mangdidigma, ay sinasamahan n~g aliping may sakbat; kung sakaling magdaragat ang m~ga kasangkapan naman sa pagdaragat at sinasamahan kung minsan n~g m~ga mangagaod at m~ga alipin[33] na kanyang makakatulong at ang tawag dito n~g m~ga taga Bisaya ay _bálon_ na sa Tagalog ay _baon_; at kung babae naman ay m~ga kagamitan n~g babae ang isinisiping gaya n~g m~ga panghabi kayo at ibp.   Nagsisipaglibing din naman sa m~ga batong burol[34] na malapit sa dagat at sa ibabaw n~g isang malapad na bato sa Katbalogan ani Delgado ay nakita niya ang maraming kabaong at m~ga bun~go at buto. Ang m~ga gayong dako na pinaglilibin~gan ay lubhang pinagpipitaganan nila, dahil sa kapaniwalaang kung yao'y bangitin ó galawin ó lapastan~ganin ay may mangyayari sa kanila na ang kanilang tawag ay _balin_ ito'y dili iba't maging bato, ó magkasakit ó matamaan n~g kidlat ó iba pang kapahamakan kaya: kaya't sa m~ga dakong libin~gan nila ay naglalagay n~g bantay ó tanod upang huag daanan n~g ano mang sasakyan at sino man ay huag magsalita n~g kahit ano sa gayo't gayong panahon, dahil sa malaking kasalanan sa kanila ang lumabag sa gayong ugali.   Sa Hulo at Mindanaw naman ay iba; iniupo ang bangkay sa isang upuang maybutas pagkatapos ay nilalamnan ang katawan n~g alkampor na isinisilid sa pamamag-itan n~g isang panghihip na bungbóng na hinihipan sa bibig at sa ganitong paraan ay napananatili ang bangkay at di natutunaw. Matapos ito ay inililibing n~g paupo[35] sa yun~gib na kanilang ginagawa sa ilalim n~g lupa, saka hinahainan sa harap n~g isang bungbong na tubig, isang pingang ikmo at n~g iba't ibang pagkain pa, at niwawakasan sa pagdaraos n~g kanilang kaugaliang pagdiriwan, na ani Delgado, ay naaáyon sa pananalig kay Mahoma at kay Pitágoras.          *       *       *       *       *   =PAGLULUKSÂ=   Tungkol naman sa pagluluksa, ani Chirino, ay nagdadamit n~g itim ang m~ga tagalog at hindi kumacain n~g carne't isda, kundi kaunting gulay lamang, at ang tawag sa ganitong pagcuculasiyón ay _sipa_; n~guni't ani Delgado ay hindi kumacain n~g canin, hangang sa di macabihag (n~g kaaway marahil) at nagdadamit n~g yantók na inikid na umaabot hangang sa bisig, at ang ipinagpapawing gutom lamang ay saging at kamote: ano pa't kung hindi makabihag ay nagluluwat n~g hangang isang taón na nan~gan~galirang at nan~gan~gayayat tuloy, at ang tawag, anya, sa kaugaliang ito ay _maglahi_.   Ang m~ga taga Bisaya kung nagluluksa ay nag-dadamit n~g puti, saka nag-aahit n~g buhok sa ulo at gayon din sa kilay na pinakatanda n~g kanilang pagdaramdam.   Pagka pan~gulo ang namatay ay tumatahimik ang bayan n~g malaon ó ilang araw ayon sa kalagayan n~g namatay, at sa boong panahong ito ay walang maririnig na pukpukan ó kain~gay man sa alin mang bahay. At ang m~ga tao sa pangpan~gin ay naglalagay n~g pinagcacakilanlang tanda upang huag daanan n~g anomang sasakyán na ang lumabág sa ugaling itó ay nagdaranas n~g maban~gis na parusa.   Ang namatay sa digma ay ipinagdiriwan n~g di kawasa sa kanilang m~ga panaghoy at sa kanilang paghahandog n~g m~ga hayin na lubhang ipinagsasayá.   Ang namatay na pinagliluhan sa digma ó sa capayapaan ay ipinagluluksa n~g malaon at hindi ipinag-aalis n~g luksa hangang di maigantí. Ang pagganting itó ay ginaganap sa m~ga pumatay, sa m~ga kaaway at sa m~ga taga ibang bayang di kaibigan.   Ang luksa naman n~g m~ga babae na pinan~gan~ganláng _moratales_ ay gaya rin n~g sa m~ga lalaki; n~guni't hindi n~ga lamang nangbibihag ó pumapatay man upang makakain n~g canin, kundi nagsisisakay sa isang balan~gay (bangka) na nilululanan n~g saganang pagkain, saka nagsasama n~g anim na lalaki na isa ang namimiloto, isa ang sumasaguan at isa ang tumitikin at tatlo pang matatapang na lalaki na may naipakita n~g kagilasan. Ang m~ga ito'y napasa sa ibang bayang kasundo nila na habang namamangka ay inaawit ang kanilang m~ga katapan~gan, ang kanilang m~ga nabihag at napatay sa digma na itinutugma sa paggaod; at pagdating sa bayang pinaroroonan ay nakikipagsayaha't nakikipag-lasin~gan doon at kung gayon ay inaalis ang kanilang m~ga balabal na puti at ang kanilang m~ga suot na yantok sa bisig at n~galan~gala saka kumakain n~g kanin at nagsusuot uli n~g m~ga hiyas[36].   TALABABA:   [20] Ito'y minasama n~g m~ga paring manunulat n~guni't ani Rizal, ay matwid at si Cristo man anya, kaya naparito sa lupa ay upang magturo n~g isang Religion n~g pag-ibig at pag-asa na makaaaliw sa kahirapan n~g nasa hirap, at sa ganito anya ay bakit pa paitin ang m~ga huling oras n~g pamumuhay, bakit papaghihirapin at papag-aalapapin ang isang kapatid sa gayong kakilakilabot na m~ga sandali n~g paglipat doon sa walang hangang bayan?   [21] Hanggang dito, ani Rizal, ay napagkikilala na ang ganitong hanap buhay ay pinakikinabangan saan saan man.   [22] Ang ugaling ito ay natutunghan pa natin sa m~ga santong kasulatan na si Job ay isa sa nanganyaya n~g m~ga taga panaghoy at gayon din sa Kanaan at iba't iba pang lupain.   [23] Hindi kakaunting aklat ang ating kababasahan n~g ugaling ito na dating ginagawa n~g m~ga taga Persia, taga-Ejipto at ipa ba.   [24] Itong ugaling pagsuob sa pagpapanatili sa bangkay na huwag matunaw ay lubhang matandang ugali na di malaman kung ito'y katutubong ugali sa Ejipto ó ating minana pa sa iba. Ang m~ga taga Peru ay nag-ugali rin nito, datapwa't karaniwa'y di pa nilalagyan n~g gamot at sa lupang maapog na lamang itinatapon.   [25] Ang pagsuob at pagpapaban~go sa bangkay ay lubhang matandang kaugalian at hindi lamang ang m~ga dating Romano at Griego ang nag-ugali nito, kun di pati n~g Hebreo na gaya n~g ating nababasa sa paglilibing kay haring Asa.   [26] Itong paggamot sa bangkay upang manatili at huag mabulok ay inugali rin n~g maraming lupain at lalo na sa Ejipto, dahil kapaniwalaang ang kaluluwa'y nagbabalik uli at ani Simon Henry Gage, ay sinaysay ni Diodoro ang kapanalígang ito noong taong 484 bago nakatawang tao ang Pan~ginoóng Jesucristo.   [27] Anang iba ay dahil sa kapaniwalaan na kung mayaman ó may maraming baon ay sasalubun~ging mabuti saan man dumating; at sa ibang lupain ay inugali rin ito upang maibili, di umano, nang pagkain at kung sakaling magdadagat ay maibayad sa sasakyán at sa ganito ay ating nababasa ang pagtawa ni Luciano sa kanyang m~ga kalupain noong una, tungkol sa bangka at bayad ni Caronte na gaya rin n~g ginawa nina Hircano at Herodes sa libin~gan ni David.   [28] Ang pag-iin~gat n~g m~ga buto ó abo kaya na pinakaalala ay ugali n~g maraming bayan at sa akala ko ay upang madala nila saan mang lupain ó bayan sila malipat, gaya na n~ga n~g ibinilin ni Jose sa kanyang m~ga kapatid na kung tamuhin nila ang lupaing sa kanila'y inpinan~gaco n~g Dios ay huag iwan ang kanyang m~ga buto sa lupain n~g Egipto.   [29] Ani Rizal ay makapupong magaling na igalang ang m~ga bun~go't butó n~g kanilang m~ga magulang at kanunuan na siya nilang pinagkakautan~gan n~g buhay, bait at n~g halos lahat, kay sa igalang ang buto't buhok (reliquia) n~g m~ga di umano'y santo na di man lamang nila nakilala ó nakaulayaw at marahil ay di makaalala sa kanila kailan man. [30] Ito'y naaayon sa ugali n~g m~ga dating taga Hebreo, Persa at India, at gayon din sa dakong kanluran n~g Arabia noong panahon ni Job na ang yama't hiyás sa libin~gan ay marami pa kay sa na sa bahay nilá.   [31] Ang ugaling ito ay ugali rin n~g iba't ibang lahi na, magpiging ó mag anyaya pagkatapos n~g paglilibing; at dito sa Pilipinas ay pinagtakhang malabis n~g m~ga taga Europa at hangang sa tinatawanan kung minsan; datapua't ani Rizal, ay matwid gawin ang kasayahan yaon, dahil sa kapaniwalaan dito noon una na ang namatáy ay giginhawa. At n~gayon, ani Rizal, bagá man napawi na ang kapaniwalaáng yaón at sinusunod pa rin ang dating ugali, ay wala n~g iba pang kahulugan, kundi ang kaugalian na lamang n~g m~ga Tagarito na di maaring di aluki't handaan n~g umaaliw at umaambag sa namatayan, ay sinasapantaha n~g m~ga taga Europa na isang pigin~gan. Ang katunayan, anya, na hindi pigin~gan ay hindi inaanyayahan ang wala sa bahay at ang nandoon naman ay hindi na pinipilit sa pagdulóg sa dulang na kung sa bagay ay ugali rito. Anya'y ang _pasiyam_ sampu n~g _katapusan_ ay isang pakikipagsiyam n~g m~ga kaibiga't kamag-anak sa kabahay n~g namatay, at ang m~ga ito, palibhasa't nan~ga sa bahay ay hinahandaan n~g kahit ano na siyang ugali; n~gunit hindi piging ó paganyaya, sapagka't ang m~ga Tagarito ay hindi nagaanyaya n~g _chaá_ lamang sa anomang pigin~gan. Ang _catapusan_ na pinakahuling araw n~g pagsisiyam, ay tila anyayahan na dahil sa higit na sa _chaá_ at ang katunaya'y hapunan na n~ga; dapatwa't ito'y sanhi n~g ugali n~g kalahatan dito na ang ano mang bagay ay niwawakasan n~g mainam, at sa ganito'y lalong sumasaya dahil sa siyang huling araw, at sapagka't ang Tagarito ay walang ugaling magwalang kibo na di paghandaan ang m~ga panauhin ay sinapantaha ito n~g m~ga taga ibang lupain an isang pistahan ó sáyahan.   [32] Ang pag-iin~gat n~g bangkay sa m~ga yun~gib at kung saan saan ay ugali n~g m~ga taga Egipto, dahil sa kapaniwalaan nila na habang ang bangkay ay hindi natutunaw at habang kalakip n~g _ba_ (ó káluluwa) at n~g _chu_ (ó pag-iisip, ay boo ang pagkatao at hindi hinihiwalayan n~g _ka_ na espíritung nananahanán sa libin~gan at siyang sa tao ay "kumakalin~ga: nagpapanatili, nakapagpapalinis, nakapagpapa galing at nakapagpapasaya" at di umano'y isang espiritung laging kasamasama n~g tao, at sa ganito'y pinakaiin~gatan ang bangkay at ipinipili n~g m~ga mapagtataguan.   [33] Ani Colin ay nakita niya ang paglilibing sa isang pan~gulo sa Bohol na sinamahan n~g pitong pung alipin. Si P. Chirino ay may binangit din sa kanyang aklat na ganito.   [34] Ang paglalagay n~g bangkay sa matataás na lugal ó dako at gayon din ang pagbibitin sa m~ga punong kahoy ay inugali n~g ilang lahi noong una at marahil, ay upang main~gatang huwag malapa n~g hayop.   [35] Itong ugaling maglibing n~g paupo ay dating kaugalian sa Hilagang América at di umano'y naging kaugalian din sa Timog n~g Bretania.   [36] Sa akala ko ay sa Bisaya inuugali ito dahil sa ang luksa ay puti at marahil ay ginaganap ito pagcatapos na maiganti ang namatay kung sa digma namatay, ó kung pinagliluhan.         =Ikalabing limang pangkat.=   =Dating Pagsamba't Pananampalataya n~g m~ga Tagarito.=     Kung paanong ang m~ga tagarito ay may dating sariling ayos n~g pamamayan at pag-uugali ay may dati ring sariling religion ó ayos n~g pagsamba't pananampalataya.   Ang pagsamba't pananampalatayang ito n~g m~ga Tagarito ay iba't iba, dahil dito sa Luzón ay may kaibahan at gayon din sa Bisaya at Mindanaw.   Ang religion dito sa Luzón ay ang pananampalataya sa Diyos na Maykapal at Lumikha n~g boong sangsinukob na pinan~gan~ganlang _Bathala_[37] n~g m~ga Tagarito.   Itong Diyos _Bathala_ na kadakidakilaan at nasa kaitaas-itasaan ay hindi ipinagtatayo n~g simbahan ó inaalayan man n~g ano mang hayin[38].   Ang Diyos _Bathala_ ring ito ay mayroong maraming Tagapan~gasiwa dito sa sandaigdigan na siyang nan~gan~gasiwa sa kanikanyang kinaroroonan. Ang m~ga ito'y ang m~ga pinan~gan~ganlang _anito_ n~g m~ga Tagalog, na ang iba'y nan~gan~gansiwa sa m~ga magsasaka, ang iba'y sa m~ga magdadagat, ang iba'y sa m~ga mandidigma, ang iba'y sa m~ga sakit at ibp. Bawa't isa nito'y may kanikanyang pan~galan at siyang m~ga pinakapintakasi; kaya't ang kanilang pasintabi't hayin ay naririnig at námamalas sa lahat n~g dako dahil sa ganang kanila'y may pintakasi saa't saan man, mapa sa kati't mapasa tubig at mapa sa lupa't, mapa sa lan~git: anopa't ang sangsinukob sa ganang kanila ay puno n~g m~ga pintakasing anito nila.   Ang karamihan nitong m~ga anitong pinipintakasi nila ay ang kanilang m~ga kanunuan[39] na lubha pa yaong nan~gabantog sa pamumuhay, dahil sa ayon sa kapanaligan n~g m~ga dating Tagarito ay napapa sa kaluwalhatian ang m~ga namamatay.   Bukod dito sa m~ga anitong nabangit ay kumikilala sa m~ga larawang sarisaring hugis na kanilang iniin~gatan sa kanikanilang bahay at gayon din sa m~ga yun~gib na pawang inaalayan n~g m~ga paban~go, pagkain at m~ga bun~ga n~g kahoy. Ang m~ga hugis di umano n~g m~ga ito ay nan~gakahalokipkip ang m~ga kamay at nan~gapapatong ang m~ga siko sa m~ga tuhod (na marahil ay nan~gakapaninkayad), kung minsa'y nan~gadidiit ang m~ga bisig sa m~ga tagiliran at nan~gapapatong ang m~ga kamay sa puson ó kun dili ay nan~gahabalokipkip sa dibdib at ang kamay ay nan~gapapatong sa m~ga dakong itaas n~g s**o.   Nan~gagsisisamba rin sa araw at buwan[40] gaya n~g m~ga taga Asiria at sa m~ga hayop at ibon na gaya n~g m~ga taga Egipto. Dito sa katagalugan di umano'y may sinasambang ibong[41] kulay bughaw ó asul na pinan~gan~ganlang _Bathala_ na dili iba't siyang pan~galan n~g Dios: at sa uwak na pinan~gan~ganlang _May-lupa_ ó may-ari n~g lupa ang ibig sabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD