Star Levine's POV:
"Saan ka galing?" napahinto ako nang makita si Mama at Papa na nakaupo sa sala. Mukhang hinihintay nila ako.
"Kailan pa kayo nagkaroon ng pake sa akin?" tanong ko. Hindi na gumagana ang preno sa bibig ko dahil sa nangyari kanina. Sa tingin ko ay hindi nila deserve ang respeto na binibigay ko.
"Aba, sumasagot kana talaga ngayon ah!" nang lumapit si papa sa akin at aktong sasampalin na naman ako ay pinigilan s'ya ni mama, "Joseph! huwag mo nang saktan si Star." Napakunot ang noo ko at tinignan s'ya. Totoo ba tong narinig ko? ayaw n'ya akong masaktan? matapos ang lahat ng ginawa nila sa akin?
"Star.. may importante kaming sasabihin sa iyo." Lumapit si Mama sa akin at hinawi ang buhok ko. "Inumin mo muna itong paborito mong gatas. Pinagtimpla kita." Nang iabot n'ya sa akin ang baso na may gatas ay agad ko itong naamoy. Nang maramdaman ko ang mga palad n'ya sa ulo ko ay pakiramdam ko naluluha na ako. Ganito pala pakiramdam nang may nag-aalalang Ina sa'yo. Ang tagal na simula nang huling hawiin n'ya ang buhok ko. "Gusto kong humingi ng tawad sa nangyari kanina." Pinaupo n'ya ako sa sofa habang si papa ay nakatayo lang at pinapanood kami. "Alam ko hindi naging madali ang buhay mo, ang buhay nating pamilya."
Agad kong naalala noong bata ako, tinanong ko si Mama kung bakit Star ang pangalan ko at ang sagot nila ni papa sa akin ay dahil ako daw ang "Star" ng buhay nila. Nang dahil daw sa akin ay naging masaya sila. Ramdam kong mahal na mahal nila ako noon pero nang ipanganak si Ilia ay biglang nagbago ang trato nila sa akin. S'ya na ang lagi nilang binibigyan ng atensyon at pagmamahal. Tinapon na lang nila ako sa isang tabi na hindi ko man lang alam ang rason kung bakit.
Naramdaman kong nanunuyo ang lalamunan ko kaya naman humigop ako ng gatas. "Hindi ka namin tunay na anak ng papa mo."
Nang marinig ko ang sinabi n'ya ay nabitawan ko ang baso. Nabasag ito at tumalsik ang gatas sa amin.
"Anak ng tinapa! nagbasag kapa at nagakalat!" rinig kong sigaw ni Papa.
Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko, hindi ako makagalaw at hindi rin ako makapagsalita dahil sa narinig ko. Naramdaman kong tumulo na lang ang luha ko.
"Ang tunay mong Ina ay patay na." Hinawakan ni mama ang kamay ko. "Natagpuan namin kayo ni Joseph dati sa isang kalsada. Bumangga ang sasakyan n'yo at ikaw lang ang natira."
Napalunok ako at napapikit sa sakit nang marinig ang sinabi n'ya. Kaya ba ganito ang trato nila sa akin? kaya ba palagi nila akong pinapahirapan at sinasaktan dahil hindi nila ako tunay na anak? ang sakit. sobrang sakit. Bata pa lang ako naranasan ko na ang pagmamaltrato nila sa akin. Pinaramdam nila sa akin na isa akong walang kwentang anak, na walag nagmamahal sa akin at na mag-isa lang ako sa buhay.
"Pero ngayon hindi kana maghihirap." Ngumiti si mama sa akin. "At hindi na rin kami maghihirap."
Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi n'ya. Anong ibig sabihin n'ya?
"Gusto kitang pasalamatan dahil dumating ka sa buhay namin. Sabi ko na nga ba at swerte kami sa'yo."
"Anong sinasabi n'yo.." bakit nahihirapan ako magsalita at bakit umiikot ang paningin ko?
"Sorry, Star pero napagdesisyunan ko na kung ano ang makakabuti sa'yo at sa amin. Hindi ka namin makakalimutan. Sigurado akong magiging masaya ka sa bagong pamilya mo."
Bagong pamilya? sinubukan kong tabigin ang kamay n'ya pero wala na akong lakas at unti-unti nang pumikit ang mga mata ko hanggang sa dumilim na lang ang paningin ko.
---
Naalimpungatan ako nang makaramdam ng matinding lamig. Pagkadilat ko ay bumungad sa akin ang madilim na kisame, "Nasaan ako?" mahinang tanong ko at umupo. Wala ako sa kwarto ko! hindi ganito kalaki at kalambot ang kama ko. Wala rin akong aircon.
Dali-dali akong tumayo at kinapa ang phone ko sa bulsa ng pulang dress na suot ko pero wala ito dito. "Sht," mahinang mura ko nang makaramdam ng matinding sakit sa ulo. Napahawak ako rito at muntikan nang matumba. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari kanina.
"Sigurado akong magiging masaya ka sa bagong pamilya mo."
Nang maalala ko ang huling sinabi ni Mama sa akin ay nanlaki ang mga mata ko. Nilagyan n'ya nang pangpatulog ang inumin ko at sigurado akong hindi n'ya ako pinamigay lang ng libre. Kaya ba kakaiba ang kinikilos n'ya kanina dahil dito?
Naiyukom ko ang palad ko. Pilit kong pinipigilan ang luha ko na tumulo. Pagod na akong umiyak. Pagod na akong maging mahina. Ang kailangan kong gawin ay tumakas dito dahil hindi ako sigurado kung mabait ba ang makakasama ko o mas malala pa sa pamilya ko.
Dali-dali kong kinapa ang switch ng ilaw. Hindi ko ito nahanap pero natapagpuan ko ang pinto. Mabilis kong hinawakan ang doorknob at pipihitin ko na sana ito para buksan pero may nauna sa akin sa labas na buksan ito kaya naman napaatras ako. Agad kong nakita ang isang pigura ng lalaki. Matangkad s'ya, malapad ang braso at nakasuot ng itim. Pumasok at kumalat sa loob ng kwarto ang amoy ng alak at sigarilyo, napaubo ako dahil sa tapang nito.
"Sino ka?" sa wakas ay nagawa ko ring magsalita. "Nasaan ako?"
Hindi sumagot ang lalaki, bagkus ay humakbang s'ya papalapit sa akin dahilan para mapahakbang ako nang paatras. Tinignan ko s'ya ng deretso sa mga mata kahit na madilim ay kitang kita ko ang matalim n'yang pagtitig sa akin. Hindi ba s'ya titigil? mauubusan na ako ng aatrasan!
Nang tumama ang likuran ng tuhod ko sa kama ay napangiwi ako at huminto naman na s'ya. "This is kidnapping! kung hindi ka titigil, tatawag ako ng police!" seryoso at takot kong babala sa kan'ya.
Narinig kong napatawa s'ya nang mahina at napailing. "You're funny, Ms. Star Levine."
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Kinakabahan kong tanong.
"I bought you and you have no other choice but to marry me, Ms. Star Levine," seryoso n'yang sambit sabay hinawakan ako sa pulso at tinaas ang kamay ko. "You will play as the Billionaire's wife."