CHAPTER FOUR

994 Words
Star Levine's POV: "Hindi.." mahina kong saad sabay umiling. "Please, maawa ka sa'kin. Ayoko pang makasal lalo't hindi naman tayo magkakilala!" "What about the contract?" Seryosong saad n'ya sabay tinignan ako gamit ang mga walang emosyon na itim na mata. "Your fingerprint is here as well. You agreed on marrying me." "Makinig ka sa'kin, hindi ako naglagay n'yan!" Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. "Hindi ako magpapakasal." "It's final Ms. Star Levine. You either go to Jail or marry me. Choose your fate." Nilapag n'ya sa kama ang isang puting folder. "And stop overreacting. It's not like I'm going to do something to you. As you've said, hindi tayo magkakilala. And besides, you are far from my type." Nakita kong tinignan n'ya ako simula paa hanggang ulo. "You're not even that sexy nor hot." Hindi ko alam kung saan ako kumuha nang lakas para sampalin s'ya nang malakas. Rinig na rinig ang malakas na pagtama ng palad ko sa pisngi n'ya. Napayuko s'ya habang patuloy ang pagtulo ng luha ko. "Hinding hindi ko hihilingin na magustuhan mo ako!" Ngayon lang ako naka-encounter ng lalaki na gaya n'ya. Paano n'ya nasasabi ang mga 'to ng parang wala lang? Hindi n'ya ba iniisip ang mararamdaman ng ibang tao? Nakita kong ngumisi s'ya, hinawi n'ya ang mahabang itim na buhok tapos ay tinignan ako ng matalim. "That's good then. Let's never ever fall in love with each other. This is just a temporary and meaningless wedding. I will divorce you once my grandmother die from her illness." Tumalikod s'ya at nagsimula nang maglakad. Nakatingin lang ako sa kan'yang likuran habang nanlulumo. Nang marating n'ya ang pinto ay huminto s'ya at nagsalita, "and oh, happy 18th birthday and welcome to Adams' life. You will surely have a great time here," sambit n'ya nang hindi man lang ako nililingon tapos ay tuluyan nang lumabas at sinara ang pinto. Agad akong napaupo sa sahig at napatulala sa kawalan. Paano sa'kin nagawa to nila Mama at Papa? Paano nila akong nagawa na ibenta sa isang taong walang puso? Sabagay, ampon lang naman nila ako. Hindi ako importante sa kanila, kahit konti nga ay hindi nila ako minahal. "Mag-isa na lang talaga ako sa buhay.." mahinang saad ko. Maya-maya, matapos kong iiyak ang lahat ng bigat na nararamdaman ko ay tumayo ako at napalingon sa kama nang mapansin ang folder na nakapatong doon. Napakunot ang noo ko at naalalang iniwan nga pala ito kanina dito. Umupo ako sa kama at binuklat ang folder. Nakasulat dito ang personal information n'ya. Ang pangalan n'ya ay Knight Crassus Adams at s'ya ang tagapagmana ng Adams Company. Mayroon silang Malls, restaurants, resorts at hotel. Hindi lang dito sa Pilipinas ang business nila, mayroon rin sila sa ibang bansa. Hindi ko inaasahan na ganito kayaman ang mga Adams. Pakiramdam ko ay nasa isa akong pelikula. Isa lang akong babaeng nagtatrabaho sa fast food pero heto ako ngayon, sa isang iglap ay ikakasal na sa isang Bilyonaryo. Nilipat ko ang sumunod na pahina at nakita ko ang pangalan ko rito. Tama ang mga detalye ko rito pero hindi nakalagay rito na nagtatrabaho ako sa isang fast food kung hindi isa akong full time student lang na nag-aaral sa isang malaki at sikat na Crest University. Nakalagay rin dito na nasa ibang bansa ang mga magulang ko at naninirahan lang ako sa apartment mag-isa habang sinosoportahan nila ako. Pagkalipat ko ulit ng pahina ay nabasa ko naman ang pekeng unang pagkikita namin ni Knight. Nagkakilala raw kami sa isang cafe. Nagkabungguan kami at parehas na nalaglag ang phone namin na parehas ng brand at kulay kaya naman nagkapalit kami. Kinagabihan ay nagkita kami para ibalik ang cellphone ng isa't isa at dito nagsimula ang pag-uusap namin hanggang sa magkagusto s'ya sa akin at ligawan ako. Two months n'ya akong niligawan bago ko s'ya sinagot at last month lang ay nag-propose s'ya sa akin. Pagkalipat ko sa huling pahina ay nakasulat rito na magkakaroon ng breakfast feast kasama ang pamilya ni Knight. Aralin at kabisaduhin ko raw ang mga nakasulat sa folder at huwag magkakamali. Ang nakasulat naman na schedule sa evening ay ang kasal namin na magaganap pagka-6pm at 7pm ay reception at pagkapatak ng 10 ay pupunta na kami sa honeymoon destination namin na isang private pool and beach resort na pagmamay-ari nila. Napalunok ako nang mabasa ang lahat ng nakasulat sa folder. Paulit ulit kong binabalikan ang bawat pahina dahil hindi naglo-loading sa isipan ko ang mga ito. Sobra akong nabibigla sa mga nangyayari at bukas ay kailangan kong umakto na girlfriend ni Knight at kailangan kong magsinungaling tungkol sa pagkatao ko. Bakit ako pa kasi ang napili n'ya? Ang dami-daming babae sa mundo. Bakit ako pa? Sinara ko ang folder at napalingon ako sa body mirror sa gilid ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Kakayanin ko ba ang lahat ng ito? Kakayanin ko ba ang ugali ni Knight pati na rin ang pagtrato n'ya sa akin? Paano kung katulad n'ya pala ang pamilya n'ya? Bastos ang bibig at masama ang ugali. Paano ako makakatagal ng isang taon dito kasama sila? Pero sabagay, kung hindi ako binenta ni Mama sa kanila, for sure ay naghihirap pa rin ako sa kanila. Siguro nga ay mas mabuti na lang na napunta ako rito. At least dito, walang nananakit sa akin physically at walang kukuha ng mga ipon ko pangpa-aral sa sarili. Hindi na rin ako magugutom, magtitiis sa bahay na puro sigaw at utos ang naririnig. Humiga ako sa malambot na kama at tinignan ang kisame. Kakayanin ko ba maging isang asawa ng bilyonaro? "Kayanin mo, Star," mahinang sambit ko sa sarili. Sawa na ako umiyak at maapi. Ayoko nang pagdaanan ulit iyon. Bagong buhay itong binigay sa akin at dapat ay subukan kong makipagsabayan rito. Fine, Knight. I will play as the Billionaire's wife. As your wife and I will never ever fall in love with someone like you. I will never play that game of love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD