Drix Kailangan ko munang alamin ang buong pangyayari bago ko puntahan sa hospital si Melchora. Alam ko naman na nandoon si Nets at hindi siya pababayaan ganun din naman si Mel at siguradong pati ang kanyang mga magulang. I called my friend to let him know that I am already working on finding out anything about the accident and sinabi niya na rin sa akin ang kalagayan niya. Hindi pwedeng walang managot sa nangyari sa asawa ko. Paano kung bago pa man siya makababa ay napatid na ang lintik na lubid na yon? Trying to be low profiled, I tried to get all the necessary informations para naman maging madali para sa kaibigan ni Nathan ang maimbestigahan ang pangyayari. Hindi pwedeng ang assistant ko ang kumilos dahil iniiwasan nga namin na malaman ng publiko ang aming relationship. Ayaw ko din n

