bc

One More Chance

book_age18+
658
FOLLOW
4.4K
READ
HE
age gap
arrogant
neighbor
boss
heir/heiress
sweet
bxg
mystery
actor
like
intro-logo
Blurb

“Where are you going?” ang tanong nito na halatang galit.

“Bakit ka nandito?”

“Gusto mo talagang mag away kami ng kuya mo ano? Kakalabas mo pa lang ng hospital ay lalabas ka na agad? Ano hindi mo matiis na hindi makita ang kung sino mang lalaking kakatagpuin mo?” ang galit na tanong pa rin nito na ikinagalit din naman ni Monique.

“Eh ano kung lumandi man ako? Tsaka hindi naman ito malalaman ng kuya ko kung hindi ka bumalik. At bakit ka nga ulit nandito?” ang galit na sunud sunod na tanong din ng dalaga.

“Lalandi? Wala talaga akong pakialam sa kakatihan mo! Ang sa akin lang ay ipinagkatiwala ka sa akin ng kuya mo kaya ako bumalik dahil naalala kong hindi ka pa kumain, eh mukhang mas gusto mong madiligan kaysa ang lamnan ang tiyan mo kaya sige go ahead!”

“Talaga! Tsaka baka may lason pa yang dala mo. Mas gugustuhin kong kumain ng basura kaysa kainin ang anumang pagkaing galing sayo. At kahit gutom ako, kapag kasama ko ang lalaki ko ay busug na busog pa rin ang pakiramdam ko. Hindi kagaya kapag pag mumukha mo ang nakikita ko!” sagot naman ni Monique sabay hawi sa binata para makalabas na siya.

“Ah, ganun?” ang sabi naman ni Drix sabay hila sa kanya sa loob ng condo tapos ay isinara ito. Isinandal niya sa likod ng pinto ang dalaga sabay hinalikan. Hindi naman nakahuma si Monique dahil sa pagkabigla. At ng mahimasmasan ay agad niyang itinulak ang binata ngunit mukhang handa na ito sa gagawin niya dahil hindi niya ito natinag.

Patuloy ang naging paghalik ng binata sa kanya at ginalugad ang bawat bahagi ng kanyang bibig at ng mahagilap ang kanyang dila ay walang pasumandaling sinipsip pa niya ito. Nawala na sa kanyang sarili si Drix at tanging ang kasiyahang nararamdaman ang nanaig sa kanya.

Samantala, unti unti nang nakakaramdam ng panghihina ng kanyang tuhod si Monique at ilang sandali pa ay nakakunyapi na siya sa leeg ng binata habang tinutugon ang kanyang halik. Nagulat man ay binalewala na iyon ni Drix at nasisiyahan sa naging pagtugon ng dalaga.

chap-preview
Free preview
Prologue
Masayang masaya si Monique dahil sa inaasahang pangako ni Drix, ang matalik na kaibigan ng kanyang kuya Mel. Nang magtapat sya ng kanyang nararamdaman para sa binata noong siya ay 15 years old pa lamang ay nangako ito na opisyal syang liligawan nito kapag sya ay nasa wastong gulang na. Dahil ngayon ay kanyang ika-18 birthday, excited sya na magkasarilinan sila ng binata at mangyari ang kanyang matagal ng pinapangarap. “Bakit parang sobrang saya mo?” ang nalilitong tanong ng kanyang matalik na kaibigang si Nets, takang taka sya dahil madalas sabihin ng kaibigan na hindi naman sya excited sa kanyang birthday pero parang ang tingin nya ay nasa alapaap na ito ngayon palang na busy sila sa pag-aayos. “Natatandaan mo ba yung sinasabi ko sayo na matagal ko ng sinisikreto sayo?” Ang tanong ni Monique na tinanguan naman ni Nets. “Iyon ay dahil nangako sakin si Drix na kapag nasa tamang edad na ako ay susuyuin na nya ako para opisyal na maging girlfriend nya.” Ang kinikilig na sabi pa pa ng dalaga na ikinatuwa naman ng husto ni Nets at sabay pa silang parang kiti kiting kinilig at nag high-five. Maya maya pa ay dumating na ang mga mag-aayos sa kanila para sa debut ni Monique. Syempre, dahil sa pangakong binitawan ni Drix sa kanya noon ay kinuha nya ito bilang escort nya na mabilis naman nitong tinanggap. Kaya naman lampas langit ang kaligayahang nararamdaman niya simula pa ng imbitahan nya ito hanggang ngayon na mine-make-up-an na siya at inaayusan ng buhok. Manaka naka naman siyang tinatapunan ng tingin ng matalik na kaibigan na masayang masaya din para sa kanya. Nang matapos silang ayusan, mabilis silang tumingin sa salamin at pinagmasdan ang mga sarili ng mabuti. Pareho silang nais na maging maganda at kaaya-aya sa lalaking kanilang napupusuan. Si Nets sa kuya ni Monique na si Mel at sya naman ay kay Drix na para sa kanya ay pinakamaganda at pinakamatalinong lalaking nakilala nya. Ang mga magulang ni Monique na punong abala sa kaganapan ay masaya din para sa kanilang anak na babae. Siniguro nila na lahat ay handa na at walang kung anumang aberya na pwedeng maganap habang idinaraos ang pagdiriwang ng ika-18 kaarawan ng kanilang prinsesa. Nakiusap ang birthday celebrant na tignan ni Nets kung ayos ba ang lahat sa ibaba at sinunod naman nya ito. Nasa hagdanan na sya ng makita niyang lumabas sa isang silid na nagsisilbing opisina ng pamilya nila sa na malapit sa living room ang mga magulang at kuya ni Monique kasama si Drix. Sa tingin nya ay may pinag-usapan ang mga ito dahil sa seryosong mukha nila. Pero binalewala na lamang niya ito dahil alam niyang popondohan ni Drix ang hospital na nais itayo nilang magkakaibigan at inisip na ito marahil ang kanilang pinag-usapan. Tumuloy sya sa gilid ng bahay kung saan matatagpuan ang malawak na garden ng mga Antonio at ng makita nyang ayos naman ang lahat ay bumalik na siya sa silid ni Monique at masayang ibinalita ang itsura at ayos ng labas. Maya maya ay kumatok at pumasok sa silid ang Mommy ni Monique na si Estella. Nakangiti itong lumapit at humalik sa pisngi ng anak habang hawak ang kanyang magkabilang balikat at tinignan siya ng paulit ulit at buo ng pagmamahal. “Dalaga na ang aking, prinsesa.” Ang nalulungkot na sabi nito bagamat may ngiti sa kanyang mga labi. “Mom, alam mo naman ako pa rin ang prinsesa ninyo ni Daddy at Kuya Mel at hindi na magbabago yon kahit pa masundan pa ko.” Ang nagbibirong tugon naman ng dalaga na ikinatawa ni Estella at Nets. “Ikaw talagang bata ka, kung anu-ano ang mga pinagsasasabi mo.” ang tugon ng kanyang ina. “Pero kahit na masundan ka pa ay prinsesa ka pa rin namin ng Daddy mo.” ang dagdag pa nitong tugon. “Mom! Huwag mong sabihing binabalak niyo pa ni Daddy na sundan ako!” Ang mulagat na sagot namang muli ng dalaga na ikinatawa na nilang lahat. May edad na ang kanyang mga magulang at isang milagro na nabuo pa sya. Sampung taon ang pagitan nila ng kanyang Mel at inisip ng kanilang mga magulang na hindi na sila magkakaanak pa. Pero pinagbigyan pa sila at sinwerte na naging babae pa, kaya naman para sa kanyang mga magulang ay sapat na silang magkapatid at wala ng mahihiling pa. “Kidding aside, princess. I want you to know that me and your dad love you so much and would only want what's best for you.” ang madamdaming tugong muli ni Estella. Naantig ang damdaming anak ni Monique ngunit pinigilan niyang huwag mapuluha. Alam niya kung gaano siya, sila ng kanyang Mel, kamahal ng kanilang mga magulang at walang araw na hindi niya ito naramdaman. Sobra ang suportang ibinigay nito sa kanila at ibinibigay halos lahat ng gustuhin nila na makakabuti para sa kanila. Kung iisipin ay spoiled siya ng mga ito pero hindi siya kagaya ng iba na akala mo ay prinsesa ng mundo kung umasta. “Sabi ko na nga ba at nagdadrama na kayong mag-ina diyan kaya hindi pa kayo bumababa. Tignan niyo at pati si Nets ay nahawa na sa inyo.” Ang sabi ng ama ni Monique na si Manolo ng mapagpasyahan niya ng sunduin na sila dahil sa tagal nilang pumanog at naghihintay na ang mga bisita. “Naku, kaya nga pala ako nagpunta dito ay para sunduin na kayo. Halika na at baka mainip na sila sa kakahintay.” Ang masigla ng wika ni Estella na sinang-ayunan naman na din ng magkaibigan. Lumabas na sila ng silid at bumaba papunta sa garden kung saan naghihintay ang mga bisita. Ang event organizer ay ngumiti ng maluwag ng makita ang birthday celebrant na ubod ng ganda at puno ng pagmamalaki na akay akay ng kanyang ama at ina. Si Drix na pinapanood ang pagbaba ni Monique mula sa hagdanan ay hindi mapukaw ang kanyang paningin. Kahit sinong lalaki ay hindi maaaring hindi magbababad ng tingin sa dalaga dahil sa taglay nitong natural na kagandahan. Alam nyang hindi na nakakapagtaka yon dahil ang kuya nito na matalik nyang kaibigan ay nuknukan ng pagkababaero. “Sige na ‘tol puntahan mo na at ng makapag simula na tayo.” ang sabi ni Mel na may halong panunukso. Naiirita man ay sinunod pa rin niya ito dahil gusto niya naring matapos ang gabing ito na alam niyang hindi magiging maganda. Sinenyasan ng event organizer ang emcee na naging hudyat upang magsimula na ito. Natahimik ang lahat ng magsimula nitong ipakilala ang mga bisitang kabilang sa kutilyon. At ganun na lamang ang pagkamangha ng bawat isa ng inilitaw ng pintuan si Monique kasama ang escort na si Drix. Alam nila na bagay na bagay silang dalawa kaya nga lamang ay higit na matanda ang binata kay Monique na ngayon palang nagsisimulang maging ganap na dalaga. Kahit ano pa man ay walang pagsidlan ang kasiyahang nararamdaman ngayon ng birthday celebrant. Nanlalamig ang kanyang mga kamay na nakasalikop sa malalaking mga kamay din Drix. Masaya ang lahat habang ginaganap ang kotilyon habang hindi din naman maalis-alis ang tingin ni Monique kay Drix na ngayon ay kasayaw na nya. “Maraming salamat sa pagpayag mo sa invitation ko na maging escort para dito, Drix.” ang nahihiyang pahayag ng dalaga. “Walang anu man, alam mo naman na inaasahan ko na din ito.” Ang tugon naman ng binata. Seryoso na ang itsura nito na labis na ikinababahala ni Monique. Tuwing makikita niya ito ay lagi itong nakangiti at hindi pa niya minsan man nakita na ganito kasersoyo kahit na ganun ito sa iba. Para tuloy nag--aalangan na siyang tanungin ito tungkol sa pangako nito na magiging opisyal na silang magkasintahan. Nagdesisyon na lamang siya na hintayin na matapos ang pagdiriwang at kapag sila na lamang dalawa ay tsaka nya ito tatanungin. Nakisali siya sa sayawan ng kanyang mga kaibigan at nung unti-unti nang nagpapaalam ang kanyang mga bisita ay muli na namang bumalik ang kanyang kaba. Hinanap ng kanyang paningin ang binatang kanina pa niya hindi nakikita kaya naman nagpatulong na siya kay Nets. Gusto na niyang makausap ang binata para matapos na din ang kabang nararamdaman niya. Merong bahagi ng garden na off limits sa mga bisita dahil sa mga paboritong halaman ng kanyang mommy, nagdesisyon siya na tignan ang binata doon dahil isa din iyon sa madalas nitong tambayan kapag bumibisita sa kanila. Hindi nga siya nagkamali at nakita niya ang pigura nito na nakatayo at nakaharap ang likod sa kanya. Palapit na siya dito upang gulatin sana ito ng bigla itong magsalita. “Hindi ah! Kapatid siya ng best friend ko, paano ko naman siya matatanggihan? Tsaka ang bata bata pa non, natural sasabihin ko kung ano ang gusto niyang marinig para tigilan na niya ako sa kakasunod niya.” Ang narinig niyang sabi ni Drix at nanlaki ang mga mata niya ng bahagya itong yumukod at may mga kamay na pumulupot sa kanyang leeg. Narealize niya na may kahalikan na ito. Gusto niyang manakbo palayo pero hindi siya makagalaw. Para siyang nauupos na kandila dahil sa narinig at sobrang sakit ng nararamdaman niya. Nakatayo pa din siya malapit sa dalawa ng biglang tumigil ang mga ito lumingon sa kanya. “Monique!” ang akala mo ay nagulat na sabi ni Drix. Hindi na napigilan ni Monique ang mga luhang kanina pa namumuo sa kanyang mga mata. Walang pagsidlan ang patuloy na pagdaloy nito at kahit paputul-putol ay nagawa niyang sabihin sa lalaki, “Umaasa ako sa pangako mo, bakit Drix?” Tinignan siya ng binata at nagtagpo ang kanilang mga mata. At talagang nadurog ang puso niya ng sabihin nito na, “Hindi ko akalain na seseryosohin mo pala ang sinabi ko. Monique, alam mo naman kung ano ang tipo kong babae at hindi ikaw yon.” Dahil sa narinig ay tuluyan ng umiyak ng husto ang dalaga at saktong dumating si Nets kasama ang kanyang kuya Mel. “Anong nangyayari?” ang maang na tanong ng kanyang matalik na kaibigan na sobrang nag-aalala sa kanya. Dahil ayaw niyang magmukhang nakakaawa, pinigilan niya ang kanyang luha at tumayo ng tuwid at sinabi, “Wala, halika na at magpahinga na tayo.” tapos ay nauna na siyang umalis pabalik sa kanyang silid. Naiwan si Nets na nakatingin kay Drix at sa babaeng kasama nito. Walang nagsalita sa kanila pero nahulaan na niya kung ano talaga ang tunay na nangyari. At nasasaktan siya para sa kaibigan na umasa ng tatlong taon sa pangakong hindi naman pala tutuparin. Sumunod na lamang siya sa silid ng kaibigan upang masamahan at masaluhan ito sa sakit na nararamdaman. Hindi niya maibibigay ang kaligayang dapat sana ay idudulot ng katuparan ng pangako ng lalaking minamahal nito kaya sasamahan na lamang niya ito. Isang tulalang Monique ang nadatnan niya ng pumasok siya sa silid ng kaibigan at labis na awa ang naramdaman niya para dito. “Monique,” sinubukan niyang tawagin ito para malaman kung OK lang siya. “Huwag kang mag-alala, OK lang ako.” ang mahinang tugon naman ni Monique na naging dahilan upang makahinga siya ng maluwag. “OK lang ako, pero ayaw ko na siyang makita pang muli. Hinding hindi ko na paglalaanan ng oras at panahon. Hindi ko na rin siya pag-aaksayahan pa ng damdamin ko. Pangako ko yan sa sarili ko.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook