Monique Hapon na ng nakarating ako ng mansyon at inaasahan kong nasa bahay ang aking asawa at naghihintay ngunit ganun na lang ang pagkadismaya ko ng wala ito. Alam naman niyang ngayon ang dating ko ngunit bakit parang balewala lang sa kanya? Hindi man lang niya naisip na hindi rin kami masyadong nagkakausap kahit after ng shooting dahil kailangan kong i-guide si Jared. Mabuti na lang at matiyaga rin si Nets na samahan kaming mag ensayo ng mga lines namin at mabuti na lang din at mabilis lang mag memorize ang binata. Sa buong panahon na magkasama kami ay lagi din naman itong nakaalalay sa akin. Minsan ay medyo naaalangan ako at nahihiya dahil nga opposite s*x siya at boss ko pa. Pero ng mapansin kong parang balewala lang naman sa kanya at casual lang din ang pakikitungo niya sa akin ay m

