Drix “I already talked to the police and they are already working on the investigation as well.” ang sabi ni Mel matapos na maupo ito ng dumating kasama si Nets. “Sino naman kaya ang may kagagawan nito?” ang tanong ni Nets na kitang kita sa mukha ang pag-aalala sa kaibigan. Magkatabi ang dalawa sa couch habang kami naman ng aking kaibigan ay magkaharap. “Have you told Monique about sa ex mo?” ang tanong ni Mel naikina kunot ng noo ko, at ganon na lamang ang inis ko ng pagtingin ko sa asawa ko ay parang interesado pa itong marinig ang kung ano mang sasabihin ko. “Hindi ko siya ex. Hindi naging kami.” ang sabi ko na lang habang pinandidilatan ko ng mata ang hudas na si Mel na nakangisi pa. Seriously, sa nangyari sa kapatid niya ay nakuha pa nitong manggatong? “Eh ano ba ang tungkol s

