Drix “Son, did you have a talk with your father?” ang tanong ni Mommy. Dumating ito kinabukasan at dinalaw agad ako sa hospital. Nagkita sila ni Monique at tuwang tuwa ito na kami na ulit at malinaw na ang aming pagsasama. “He called me, he said he had no idea tungkol sa mga pinaggagagawa ni Mariella.” “Akalain mo yan!” she exclaimed. “Kukuha lang rin ng ipapalit sa akin hindi pa yung totoong magmamahal sa kanya. Inuna kasi ang t***k ng puson eh.” sabi pa nito at mukhang wala itong balak tumigil at nagpatuloy pa nga. Ang nakakainis ay idinamay pa ako. “Kaya ikaw, Fredrix. Subukan mong saktan itong si Monique at sinasabi ko sayo. Hindi ka na makakakuha ng kagaya niya.” Tinignan ko ang asawa ko at kitang kita ko ang paglapad ng ngisi niya. Napailing na lang ako dahil mukhang magkakampih

