Drix I was in my office and currently reading a new business proposal that one of the SMEs I was coordinating with submitted three days ago. Pero dahil nga sa nangyari sa amin ni Monique ay hindi ko na ito naasikaso dahil mas kailangan kong unahin ang pagkakahuli sa amin ng kanyang kuya at mga magulang. Hindi ko naman pinagsisisihan dahil ang pangyayaring iyon din ang nagpagising sa akin. After her 18th birthday ay hindi ko inasahan na mag-aartista siya. Kapag sinasabihan siya nila Mico dati na sumali sa mga pambatang contest ay ayaw niya dahil nahihiya daw siya. Kaya naman laking gulat ko ng isang araw ay umuwi ito at nagpaalam sa kanyang mga magulang na mag-aartista ito dahil may nakausap daw siyang talent manager. Tutol na tutol ang mga magulang niya dahil nga maaapektuhan ang kanyan

