Third Person Lingid sa kaalaman ni Roxanne ay nasubaybayn na ng grupo ni Lex ang lahat ng kilos niya. Pati mga payment transactions niya mapa cash or online ay nagawang makuha ng mga ito. Kaya naman pati ang binayaran niya na mag vandalize sa condo unit ng aktres ay natunton nila. Ayaw pang umamin nito kung sino ang nag-utos sa kanya noong una, ngunit ng sinabihan na siya ng mga pulis ng mga kakaharapin niyang kaso ay mabilis pa sa alas kwatro ang naging pagkanta nito. Dali dali namang inasikaso ni lex ang mga dapat asikasuhin at inin-form nito ang asawa ni Mr. Dunes sa relasyon ng dalawa ayon na rin sa utos ni Drix. Sa sobrang galit ng lalaki ay talagang nag retaliate siyang husto sa dating lover dahil sa pananakot at pagtatangka niya sa buhay ng asawa. Nalaman din nila na ang pag sabo

