Nahihimbing sa pagtulog si Drix ng bigla na lang may humila sa kanya mula sa kamang kanyang kinahihigaan at makatanggap ng suntok. Gaganti na sana siya ng makitang ang kanyang bestfriend na si Mel pala iyon at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Nagtaka siya kung bakit at ng ilibot niya ang kanyang mga mata at malamang wala siya sa kanyang silid tapos ay nakita si Monique na nakahiga at natutulog pa ay nanumbalik sa kanyang alaala ang nangyari ng nagdaang gabi.
“How dare you! I trusted you! Bakit mo pinakialaman ang kapatid ko!” ang galit na galit na tanong naman ni Mel. Hindi makasagot ang binata dahil nga sa bilis ng pangyayari ay hindi na niya naisip ang bestfriend at tuluyang inangkin ang dalaga.
“I’m sorry, .man… It’s—” hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng bigla na naman siyang suntukin ng kaibigan.
“Melchor!” ang nanghihilakbot na tinig ng kanyang ina ang nagpatingin sa kanilang dalawa na nasa pinto ng silid ng dalaga. Magsasalita pa sana si Mrs. Antonio ngunit napansin nitong walang damit si Drix kaya napatingin siya sa kama kung saan natutulog ang anak na dalaga. “Oh my God!” ang nasabi nito sabay takip ng bibig. Si Mr. Antonio naman ay masama ang tinging ipinukol sa binata ng marealize kung ano ang nangyayari.
“I can explain, Mel, Tito, Tita,” ang sabi ni Drix.
“At ano ang ipapaliwanag mo? Na akala mo ay OK lang dahil sa mga balitang lumalabas tungkol sa kapatid ko?” ang galit na galit pa ring tanong ni Mel.
“It’s not–”
“Fu** you! Alam ko naniniwala ka. Kaya nga humanap ka ng ibang babae eh di ba? Kaya wala ka ng pakialam sa kapatid ko! Akala mo ba ay hindi ko alam? Hindi mo ako maloloko! Hindi lang ako umiimik dahil alam ko kung anong klase ng babae ang prinsesa namin. Dapat alam mo din, dahil nakita mo at nasubaybayan mo ang paglaki niyan!”
“What the– Bakit ang iingay nyo?” ang biglang sabi ni Monique na mukhang wala pa sa ulirat. “Hindi ba pwedeng doon kayo sa inyo magkaingay?” ang dagdag pa niya habang pupungas pungas at kinukuskos ang kanyang mga mata ng kanyang mga mata. Sabog pa ang kanyang mga buhok at buti na lang at mamahalin ang kanyang make-up at hindi basta basta natatanggal o kumakalat kaya naman intact pa din ito sa kanyang mukha.
“Princess,” ang wika naman ng kanyang ina na si Mrs. Antonio.
“Mom, Dad, what are you doing here?” ang tanong pa niya tapos ay nagpabaling ang tingin niya sa kanyang kuya tapos ay kay Drix na nakahubad pa rin at nakatingin sa kanya, “Why the hell are you naked?” ang tanong niya pa bago napatingin sa sarili tsaka unti unting naalala ang lahat ng nagdaang gabi.
“I can explain.” ang sabi pa niya sabay tayo.
“Fu**! Cover your body!” Drix exclaimed!
“She’s my sister!” ang sigaw naman ni Mel dito.
“So what?” sagot naman ng binata. Hindi niya alam pero hindi niya gustong may ibang makakita ng kahubdan ni Monique maliban sa kanya. “Get dressed!” ang sabi niyang muli sa dalaga but she just rolled her eyes at him bago tumayo at lumakad papunta sa kanyang walk-in closet at kumuha ng damit.
Nahihiya siya na nakita sila sa ganung sitwasyon ng kanyang pamilya kaya lang ay mabilis siyang nakahuma at naisip niya na wala ng magagawa dahil nahuli na nga. Paglabas niya ay nakabihis na rin si Drix habang naghihintay pa rin ang kanyang mga magulang. “Let’s talk outside,” ang sabi ng kanyang ama na si Mr. Antonio. Alam nilang mag-asawa ang mga tsismis tungkol sa kanilang anak na dalaga. Pero balewala lamang din sa kanila iyon dahil kagaya ni Mel ay kilala nila si ang anak.
Pero dahil sa nangyaring ito sa kanila ng binata ay hindi na din malaman ng kanyang ama kung ano ang gagawin. Nakita ng mga ito ang bahid ng dugo sa kama ng dalaga ng bumangon ito at malaglag ang comforter sa sahig kaya naman alam nilang si Drix ang unang lalaki sa buhay ng anak.
“I am not going to ask how it happened, but I want to know what you are going to do about it.” ang sabi ni Mr. Antonio. Si Mel naman ay nakatingin lang at hindi makuhang sumabad dahil alam niyang hindi siya pwedeng magsalita kapag nandiyan na ang ama.
“Dad, can you not ask that as well?” ang tanong naman ni Monique,
“What are you talking about?” ang galit na tanong naman dito ni Mel.
“At ano? Gusto niyo, ang panagutan niya ako, na pakasalan niya ako? Ayaw ko!”
“Melchora!” ang gulat na sita dito ng ina. Hindi nito akalain na sasagot ng ganun sa kanila ang anak. Kailanman ay hindi ito sumagot sa kanila.
“Ayaw ko sa lahat ay pinipilit sa isang bagay na ayaw ko. Malaki na kami, at kami na lang din ang bahalang mag-usap sa tungkol sa nangyari sa amin. Mas maigi kung pareho naming kalimutan na lang iyon at ganun din kayo.”
“Ano sa tingin mo ang pinagsasasabi mo, Monique.” ang sita dito ng kanyang kuya Mel.
“Huwag na tayong maglokohan, kuya. Ikaw din, ilang babae na ba ang dumaan sa buhay mo, may pinanagutan ka ba?” ang sabi niya na ikinatahimik nito dahil alam niyang totoo ang sinasabi niya.” Hindi porke’t kilala at nakita nyo si Drix ay pipilitin niyo siya na panagutan ako. Lalo na kung ayaw ko din.”
“Hindi ka ganyang babae, princess.” ang nalulungkot na sabi ng ina. Paano kung magbunga ang–”
“I’ll take care of it, kaya kong buhayin ang anak ko.”
“At ano, itatago mo sa akin?” ang sagot naman ni Drix. Kanina pa niya gustong magsalita pero hindi niya magawa dahil na rin sa respeto niya sa mga magulang ng bestfriend at ni Monique.
“What do you think you’re doing? Ang tinatanong lang ng Mommy ko ay paano kung may mabuo. Since I doubt na may mabubuo ay wala kayong dapat alalahanin sa ngayon. Isipin na lang natin pare pareho na may isang gabi na nawala ako sa sarili at nangyari na nga ang hindi dapat mangyari.”
“Get married,” ang sabi ni Mr. Antonio na nagpalaki ng mga mata ni Monique.
“Dad!” she exclaimed.
“At ano Melchora! Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko dahil sa disappointment ko sayo at sa lalaking yan. Pareho kaming may tiwala ng mommy mo sa inyo pero ano? Ano ang ginawa nyo?”
“Hindi ako pwedeng mag-asawa dahil I signed a contract to stay single for 3 years sa agency ko at may isang taon pa akong natitira.”
“Then pay the breach.”
“Ayaw ko! Kailanman ay hindi ako magbabayad ng dahil lang hindi ako sumunod sa usapan. Hindi lang ito basta kontrata, salita ko ang binitiwan ko sa agency at kailanman ay hindi ako sisira sa pangakong ibinigay ko! Hindi kailanman!” ang galit na sabi naman Monique. Napatingin dito si Drix dahil alam niyang sumira siya sa pangakong ibinigay niya dito. Hindi na lamang niya ipinahalata dahil nga may usapin pa silang dapat pag-usapan.
“Let’s get married,” ang sabi naman ni Drix na ikinatingin dito ng lahat lalo na si Monique.