Monique “Kami na ng Dad mo ang bahala sa mga ito.” ang sabi ni Mom ng ibigay na ni Drix ang mga papers para sa aming kasal. Ganun lang, pirma lang tapos ay tapos na. “Don’t worry princess, after ng contract mo ay bibigyan ka naman daw ni Drix ng grand wedding kaya pagpasensyahan mo muna ang ganito sa ngayon.” ang dagdag pa niya. Tumingin naman ako sa damuhong lalaki na nakatingin din pala at nakangisi pa. Ang akala ba niya ay magugustuhan ko na mag laan siya ng grand wedding para sa akin? “Kahit wala ng ganun, Mom. Para namang gusto kong makasal sa babaerong yan.” ang sabi ko naman na nakita kong nagpawala ng ngiti ng talipandas. “Stop that, Melchora.” ang sita naman ni Dad, ano yon, close na sila? “He already promised na balewala na ang mga babaeng iyon sa kanya ngayong mag-asawa na k

